Chapter 08

78 6 0
                                    

CHAPTER VIII : Vice President

"Sage asked me to give you this. He said he needs it before midnight," Portia said the moment I entered the council room. Inabot niya sa'kin ang patong patong na papel.

"Uh, anong gagawin ko sa mga 'to?" tanong ko. Portia smiles and handed me a pen and a long paper.

"Summarize everything," aniya na ikinabilog ng mga mata ko.

Are you saying I'm going to write everything from this paper?!

"S-Sige," napipilitang sagot ko bago ngumiti rito. Lumabas na ito ng council room at iniwan akong tulala.

I asked for this, but isn't this too much?

I was grateful when Portia approached me yesterday and told me my application for students council is now approved by the president. Sabi ko na nga ba, matapang lang sa una ang aking tuta. Isa na 'kong ganap na miyembro ng council at kaninang umaga lang ako nagsimula. Mula kaninang umaga rin ay hindi na ako magkanda ugaga sa dami ng iniuutos ni Sage sa'kin. Naaalala ko pa ang unang bagay na ipinagawa niya kanina nang makita niya 'ko.

"Clean the council's room. Water the plants and make sure to check every papers delivered." Ang buong akala ko ay matatapos na ron ang mga gawain ko ngayong araw, pero hindi pa pala.

Bagot na ipinatong ko ang patong patong na papel sa mesa at naupo sa swivel chair. I know I asked for this and this is the only way for me to survive. Hindi ako pupwedeng magreklamo hanggat hindi ko nahahanap ang sagot kung paano ako makakabalik sa tunay kong buhay. Ang buhay ko bilang Rana. The most gorgeous student of our campus.

Pumangalumbaba ako sa mesa at bahagyang itinaas ang kanang kamay ko. Napangiti ako nang may lumitaw na dilaw na liwanag mula sa palad ko, mayro'n pa itong maliliit at kumikinang na puting ilaw na tila ba mga bituin sa langit. I've learned this yesterday. This is called the universe of light. Ginagawa ito ng mga healers para maibalik ang kanilang mana. It's like yoga, it feels relaxing and peaceful.

Mabilis kong isinara ang palad nang biglang bumukas ang pinto ng council at iniluwa nito ang mukhang bugnutin na si Sage. Maluwag ang neck tie nito na tila ba sinadya at marahas 'yong hinila. He look stressed but his handsomeness remains unbothered.

"Are you done with the papers?" he asked without even taking a glance on me.

"I'm just about to start."

"Kaninang umaga ko pa 'yan ibinigay," kunot ang noong aniya nang lingunin ako. Why is he so grumpy? Para siyang si Trence na lagi nalang nakasimangot sa tuwing nakikita ako.

"Kanina lang ibinigay ni Po—"

"Then do it fast."

"Yes, master," bulong ko bago kinuha ang unang kumpol ng papel at bumulong. "Bugnutin."

"Ano?" nag angat ako rito ng tingin at ngumiti lamang bago ibinalik sa mga papel ang atensyon.

Lumipas ang mahigit isang oras sa loob ng council room. Binalingan ko ng tingin si Sage na abala parin sa isinusulat niya. Ganito nalang ba ang buhay niya buong hapon? Muli kong sinubukang ibalik sa binabasa ang atensyon ko ngunit mariin lang akong napapikit.

I hate reading, mahigit isang oras ko na sinusubukang intindihin ang binabasa ngunit wala talagang nananatili sa utak ko. Mahigit isang oras ko na rin nilalabanan ang antok ko. Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa bago tumayo. Nilingon ko si Sage na tila ba hindi nito narinig ang ginawa kong kalabog. He remained unbothered.

"Utusan mo nalang ako ng iba. I can water the plants again. I can clean the whole academy, 'wag lang ito. This is boring!" reklamo ko na hindi manlang nito inabalang pansinin.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now