Prologue

240 11 0
                                    

PROLOGUE

He coughed a lot of blood but his eyes remained looking straight at me. Hindi niya pinuputol ang pagkakatitig ng kan'yang mga tingin sa akin na tila ba ninanais niyang kabisaduhin ang bawat parte, anggulo, at palatandaan ng aking mukha. I can see betrayal, disappointment, and sadness reflecting on his golden iris as I tighten my grip on the sword handle. Nanginginig ang aking mga kamay, nanlalamig ang aking buong katawan habang walang tigil ang pagtaas baba ng aking dibdib upang makakuha ng sapat na hangin.

Naramdaman ko ang mahinang paghaplos sa gilid ng aking ulo, buong sikap na inabot ng kan'yang nanghihina at nanginginig na kamay ang kaliwang pisngi ko. Mabilis kong naipikit ang aking mata nang maramdaman ko mula roon ang init na nagmumula sa kan'yang palad, maging ang ginawang pagpunas ng kan'yang hinlalaki sa butil ng luhang isa isa nang rumagasa mula sa aking pagod na mga mata. nang muli akong magmulat ay tumambad sa akin ang kan'yang mga mata. Matang napupuno ng pagdurusa, pagsisisi, at kawalan ng pag asa.

He gave me a smile. A terrible painful smile. . .

"Tahan na. . ." Ang boses niya ay paos na at tila wala nang natitira pang lakas. Tila maging ang natitirang lakas sa kan'yang braso ay naglaho na rin ng tuluyan dahil nalaglag ang kan'yang palad sa kan'yang gilid na kanina lamang ay humahaplos sa aking pisngi. Bumagsak rin ang kan'yang ulo sa kaliwang balikat ko kaya't bahagya akong napaatras. Doon lamang rumehistro ang lahat sa utak ko.

Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko nang maramdaman ang pagbigat ng kan'yang katawan. Naunang bumigay sa lupa ang kan'yang kaliwang tuhod, sumunod ang kanan, hanggang sa tuluyan na itong napaluhod sa lupa habang nakayuko ang ulo. Kasabay ng pagbagsak ng kan'yang katawan ang pagkamatay rin ng aking puso, tuluyan akong sumalampak sa kan'yang harapan at hinayaan na lamang ang walang tigil na pagragasa ng mga luha mula sa aking mga mata.

If there's any God and Goddesses of Aenriah who can still hear my plea, I beg you to obliterate my memories of this lifetime.

—**—

—**—

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now