Chapter 04

102 5 0
                                    

CHAPTER IV : Luzcatus Embryo

RANA

Masama ang timplang isinara ko ang pinto ng administration sa likuran ko. I've asked the grandmaster, Emelda to give me a new pair of uniform. Hindi ito sumang ayon at sinabing gawan ko na lamang ng paraan para lumiit ang unipormeng pagmamay ari ko.

I woke up early to walk around the whole place. Hindi ko maikakailang nakikita ko sa lugar na ito ang grand structure. Bawat dingding at poste ay gawa sa bato at marmol. May iilang estatwa rin akong nakikita na nakatayo sa iilang poste.

Tumigil ako sa isang estatwang gawa sa bato. Isa itong babae. Babaeng may lumiliyab na bestida. Nasa tapat ng kan'yang dibdib ang parehong kamay habang may malulungkot na pares ng mga mata. She look so beautiful, kahit na gawa lamang ito sa purong bato ay kuhang kuha ang kagandahan ng mukha nito. Bumaba ang tingin ko sa maliit na name plate sa paanan nito.

Larei
A great magical spirit who saved millions of lives by sacrificing her existence.

Tumaas ang kilay ko sa nabasa. Humakbang ako ng isa patalikod bago nilisan ang lugar. I need to look for a thread and needle. Hindi ko na kakayanin pang suotin ang dobleng laki ng uniporme ni Soheila. Soheila Genesis. That's what everyone keeps on calling me. Isang pangalang hindi ko lubusang maisip kung papaanong naging pangalan ko. Svetrana is more better.

Well, dalawang araw na ang inilalagi ko sa mundong ito. Kahit papaano ay nagkaroon na ako ng kaalaman sa mga bagay bagay. I found out how everyone mistreated Soheila—I'm going to change that. Hindi ako papayag na aapi apihin ako habang naririto ako sa mundong ito. Second, I found out the back story of my supposedly life in this world.

Soheila Genesis is the daughter of Agapo Genesis. The traitor king of Genesis Kingdom, one of the strongest kingdom of the Aenriah Empire. There is actually four great kingdoms inside the empire of Aenriah. These are Lua, Genesis, Anemodroust, and Hatorica which is where I'm currently located. Ang lugar na kinalalagyan ko ay tinatawag naman na Vern Academy, a school for magic and freaks.

"The audacity," I heard whispers the moment I entered the cafeteria. Hindi ko pinansin ang mga ito dahil sanay naman na akong makarinig ng mga walang kakwenta kwentang bagay mula sa iba't ibang bunganga. It's my daily vitamins as Rana.

"What the fuck—" mabilis kong itinikom ang bibig at ngumiti sa kaherang masama ang tingin sa'kin dahil sa iniusal ko.

"What is that?" I asked, pertaining to the weird, and slimy looking thing inside the glass container. Kasama itong nakahilera sa mga pagkaing pagpipilian.

"Kugyumi. Inihahalo ito sa inumin para mabilis na mabawi ang nawalang mana," sagot ng kahera. Mas kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero umiling na lamang ako.

"That taste nothing like what it looks. You should get one for your coffee, you still need to regain some mana you lost." Lumipat ang tingin ko sa pamilyar na boses sa tagiliran ko. I saw Portia, the girl I saw at the infirmary the other day. May suot itong kulay puting headband at nakangiti, sa likuran niya naman ay si Edzel na mukhang abala sa pagpili ng kan'yang kakainin.

Ngumiti ako sa sinabi nito ngunit umiling rin. "Mas gugustuhin ko pang mawalan ng mana na sinasabi mo kaysa kainin 'yan," mahihimigan ang sarkasmo sa boses ko.

Ito siguro ang naging dahilan para humalakhak si Portia, "Sabagay, I'd rather use a Zogic user than taking the nasty looking Kugyumi."

Samsara of the Divine Punishment Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz