Chapter 22

60 6 0
                                    

Chapter XXII : The Preparation

Inayos ko ang medyo may kasikipang korset sa beywang ko. Sa sobrang sikip nito ay halos hindi na ako makahinga, baka nga hindi na ako umabot pa ng gabi dahil malalagutan na 'ko ng hininga sa sobrang sikip. Tinalo pa nito ang girdle ko na kinakaya kong suotin noon ng kumportable buong maghapon. Suot ko ang kulay tsokolateng korset habang kulay puti naman ang panloob ko sa itaas na may hanggang pulsuhan ang haba na manggas. Ang palda ko ay umaabot sa sakong at may kulay na maroon. While on the other hand, Mishka is wearing a white corset, white top, and dark blue skirt.

"Stop fretling and stay put," bulong na utos sa akin ni Mishka mula sa gilid ko. Nilingon ko ito at huminga ng malalim.

"I'm going to die with this corset!" pabulong kong hiyaw kaya naman sinamaan niya ako ng tingin ngunit agad rin 'yong nawala nang tila may mahagip ang kan'yang mga mata.

"People are coming, stand up straight," she whispered before she faked a smile in front. Sinundan ko naman ang nginitian niya at mabilis ring ngumiti sa matandang babae na sumalubong sa amin mula sa bukana ng tila masayang nayon. Nakasuot ito ng itim na korset at puting pantaas na may manggas na hanggang siko. Ang mahaba niya namang palda na tulad lamang ng aming suot at may kulay na asul.

"Kayo ba ang anak ni John Esteban? Si Lily at Daisy?" Malaki ang ngiting tanong ng matanda. Palihim ko namang nilingon si Mishka dahil mukhang hindi niya yata nasabi sa akin kung sino sa dalawang nabanggit ang pangalan ko.

"Opo, ako si Daisy Esteban at ito ang nakababatang kapatid ko na si Lily," I felt relieved when Mishka is leading everything.

"Tara at mukhang malayo layo pa ang inyong pinanggalingan. Nasabi sa akin ng inyong ama na magmumula pa raw kayo sa kaharian ng Modroust! Saang parte ba kayo ng Modroust?" Nagsimulang maglakad ang matandang babae at si Mishka kaya naman agad akong sumunod sa likuran ng mga ito.

Mula sa likuran ng matandang babae ay lumipat ang tingin ko sa nayon na aming pinapasok. Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko kung gaano kasigla ang mga tao sa loob nito. There are childrens running around and playing, there's also a lot of vendors selling different things like fruits, jewelries, and breads. Isa rin sa nakaagaw ng pansin ko ang itsura ng mga kabahayang aming nalalagpasan. Most of the houses are made of rocks and dried plentiful plants. The walls are made of layered bricks, it looks stable and strong enough to withstand any weather of Aenriah. While the thatched roof is made of dried leaves. Pabilog ang hugis ng mga ito at hindi gaanong matataas. The village looks smaller inside the towering walls made of bamboo sticks surrounding the village that we luckily get passed through without being questioned. The village seems exclusive only for the villagers, as if they don't allow any outsiders to enter easily.

Tumigil sa kami sa gilid ng daan kung saan nakatayo ang isang maliit na bahay. Mas maliit ito kumpara sa mga nauna naming nadaanan kanina. Nasa may bandang kalagitnaan na rin ito ng buong nayon.

"Ito si Iyya, ang apo ko. Isa siya sa namamahala sa mga mananayaw mamayang gabi para sa selebrasyon ng mahal naming Pirawa," malaki ang ngiting sambit ng matandang babae na kasama namin na sa pagkakatanda ko ay Werna ang pangalan. Binitiwan ng isang dalaga ang basket na naglalaman ng samu't saring gulay upang harapin kami at ngitian. Naka tali ng mataas ang hanggang beywang at kulay itim nitong buhok. May suot rin itong puting panyo sa kan'yang ulo upang hindi bumagsak ang maliliit na buhok sa kan'yang noo. Malambing ang kan'yang pagkakangiti at mayro'ng kulay itim na mga mata.

"Ito ba si Lily? Handa ka na ba para sa sayawan mamayang gabi?" baling na tanong sa'king ng dalagang si Iyya. Napaayos naman ako ng tayo bago palihim na nilingon si Mishka na mukhang hindi rin inaasahan ang tanong na 'yon ni Iyya.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now