Chapter 18

67 5 0
                                    

Chapter XVIII : Silver Dream

Pinanood ko ang batang si Nathan na yakapin ang kan'yang ina na naghihintay lamang sa labas ng karwahe. Malakas ang hagulgol ng bata dahil sa takot, pangamba, at pangungulila. Maging ang kan'yang ina ay hindi mapigil ang sarili sa pagtangis ngayong matapos ang ilang araw ng paglalakbay ay nakarating na rin kami sa kaharian ng Lua kung nasaan ang kan'yang nag iisang anak.

Tulad ng sinabi ni Larei mula sa dimensyon ng Neuma, we found the lost kid in the Lua Harbor wandering in one of the villages. Maswerte itong may mabait na mangingisdang nakakita sa kan'ya malapit sa pang pang kaya pinatuloy siya nito sa kanilang bahay. Nagpadala rin kami ng ilang mga papel kung saan nakaguhit ang mukha ni Nathan sa iba't ibang parte ng Aenriah upang mapabilis ang paghahanap sa kan'ya. Tatlong araw lang ang lumipas ay nahanap rin namin siya.

Sage and the others are confused on how I obtain the information about Nathan's whereabouts. Nang dumilat kasi ako mula sa pagkakapikit no'ng araw na nakausap ko si Larei ay napagtanto kong hindi naman pala talaga ako nawala sa tabi ni Edzel, my body didn't left the mortal realm. I'm not sure if I really went to Neuma mentally or physically, or maybe I was just hallucinating. I don't have any explanation on that phenomenon but I am sure of what I saw and who I talked to in that moment. Ang mahalaga ay nahanap na namin ang bata sa tulong ng spirit na si Larei.

"Drink this," puno ng otoridad na sambit ko nang ilapag ko ang baso sa mesa ni Sage. Ibinaba nito ang tingin sa kulay pink na laman no'ng baso, para bang nagdadalawang isip pa ito. I made another batch of my signature strawberry shake. I made a total of seven cups to distribute in the members of the council. It is a small reward for doing their best on helping the villagers.

I gave Mishka one too since she already apologized for what she said before. Naawa naman ako na baka malungkot at magsisi siya kapag hindi siya nakatikim ng strawberry shake ko.

"I don't like strawberries," Sage replied. I rolled my eyes and sipped on my own cup.

"You drank a strawberry milk last week, 'wag kang sinungaling!"

"I remember I did and I promise myself that'll be the last time." Balik niya habang iniusog pa ang baso papalayo sa kan'ya.

"Fine, your taste bud sucks." I said before taking the cup.

"I need the papers today." Umikot muli ang mga mata ko dahil sa tambak na papeles sa mesa ko. I hate summarizing these shits!

"I really mean it Soheila. I need those before lunch."

"May klase ak—"

"Huwag mo na balakin pang tumakas muli." I rolled my eyes for the third time.

"Portia said she needs me in the infirmary—"

"She does not, Portia is currently with Mishka."

"Ajira—"

"She's in her class with Lash."

"Edzel—"

"What would Edzel need from you?" Nothing. Damn it! Bakit naman sa lahat ng araw ay ngayon pa abala ang ibang miyembro ng council?!

"Fine! I'll finish your paper within this day—but you have to drink this first." Ibinalik ko ang baso ng strawberry shake sa mesa niya at pinag krus ang mga braso ko. If papahirapan niya 'ko sa pagsa summarize ng sangkatutak niyang mga papeles, dapat lang na magdusa rin siya sa pag inom ng pinaghirapan kong shake!

Hindi makapaniwalang inalis niya ang suot na salamin bago ito sumandal sa kan'yang upuan at bigyan ako ng nagtitimping tingin.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now