Chapter 21

70 6 0
                                    

Chapter XXI : The Small Village

Buong pwersa ang naging pagbukas ko ng pinto, nagdulot tuloy ito ng malakas na tunog nang tumama ang likuran ng pinto sa pader. Malaki ang ngising lumapit ako sa harapan ng mesa ni Sage at nagpameywang rito. Binigyan niya naman ako ng tinging hindi ko maipaliwanag.

"Everyone's ready to go, bakit nandito ka parin?" tanong ko bago alisin ang hood ng suot kong itim na cloak.

"I told you, you're not coming," sagot niya matapos alisin ang salamin sa mata. I stomped my foot in annoyance.

"I. am. coming!" inis kong saad.

Simula kasi nang makabalik ako sa mundong ito, isang linggo na ang nakakaraan, hindi niya pa ako pinapasama sa kahit anong quest na natatanggap ng council. Noong una ay pumayag ako dahil hindi pa din naman ako handang sumubok ulit sa mga near death experience ko matapos kong mamatay bilang Rana. Pero nang lumipas ang ilang araw ay napagtanto ko rin na wala naman patutunguhan ang pag iyak iyak ko tuwing gabi. Hindi ko naman na maibabalik pa ang buhay kong nawala, mas maiging ipagdasal ko na lamang ang kalagayan ni Daddy.

Now that I am certain about me and Soheila being one, I need to use this opportunity to unveil the mysterious things that happened to me. I need to start looking for any tiny answers to my questions. I shouldn't waste this second life of mine, I don't want to spend Soheila's life crying and depressing myself over my first death. Nakakapangit kaya 'yon!

Pinanood ko ang pagtayo ni Sage mula sa kan'yang upuan. He grabbed his cloack hanging from the rack and walk towards me. Nang marating niya ang harapan ko ay mabilis niyang kinuha ang hood ko gamit ang isang kamay at isinuot ito sa ulo ko. His gold eyes is staring at me with the familiar yet unexplainable emotions in it.

Simula nang makabalik ako at magkita ulit kami. Mayro'ng bagay sa kan'yang mga mata ang madalas kong makita. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito, if I will assume on it, I will think that he's looking at me with intense love in his eyes.

"Fine, but you are not allowed to stray," he said as he let go of my hood. Ngumiti naman ako at tumango. Akmang lalagpasan na ako nito ngunit mabilis kong hinila ang dulo ng kan'yang manggas. Natigilan ito at nagtatakhang nilingon ang kamay kong nakahawak sa kan'ya.

"Thank you, Sage. I heard everything you've done just to find me. I-I never had a chance to thank you ever since I came back," mabagal at puno ng sinseridad kong saad habang hindi inaalis ang tingin sa ginto niyang mga mata.

"Student Council is too quiet without you. You are the only light and joy of the council, when you disappear, everything feels different. As if the council went back on the time where everyone has their own world," he said without taking his eyes on me. Hindi ko napigilan ang sariling humakbang palapit rito. My heart's been trying to find its way to be near Sage these pase few days. Sa tuwing nakikita ko ito ay tila tumatalon ang puso ko at gusto itong yakapin. Mas naging gwapo kasi ito kaysa noon. His body became more matured, his eye glasses upgraded into only one side of his eyes. Nagmukha siyang mas matalino at mas masarap.

"Did you get sad when I was gone? Did you let other ladies touch your lips when they teased you?" ngising bulong ko dahilan upang mabilis niyang iwasan ang tingin ko. He turned his head on his side but I saw how red his ears are.

Agad akong umayos ng tayo at malaki ang ngising tinitigan ito. It's good to know I still have this affect on him. He's still my puppy. Like what I promised on the first time I met him. My second objective in this world is to bring this puppy home, but since I can no longer go back home, it is best to tame him and make him my own.

"Let's go president, everyone's waiting," bulong ko rito bago ngingisi ngising lumabas ng student council room. Maya maya rin lang ay sumunod si Sage na tila ba walang nangyari.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now