Chapter 39

154 6 3
                                    

Gustong maiyak sa frustration ni Louis. Epic fail ang first date niya kasama si Luna. Aba't ang gagong boyfriend niya na nagngangalang Zynder ay ginawa ba naman ang lahat upang siguraduhin na masisira ang mood ni Luna ngayong araw. 

Ang gago ay tinisod ba naman ang waiter na may dala ng order nilang pagkain ni Luna. Tuloy ay napaliguan ng iced coffee at pasta ang buhok ng babae. Dahil sa nangyari ay patakbong tumakbo si Luna sa may CR, si Zynder naman ay preskong tumayo at lumapit sa kaniya. Kumuha ito ng extrang upuan dahil literal na ang dumi ng upuan ni Luna. Tumabi ng pagkakaupo ang lalake sa kaniya at nakangising tumitig sa kaniya.

"Hi, hon!" bati nito na para bang wala itong katarantaduhang ginawa.

"Zy! Ano bang nasa isip mo at nagawa mo iyon?! You are ruining my date and my chance to get a girlfriend!" reklamo niya dito ngunit nagkibit-balikat lamang ito na parang walang pakialam. 

"Dunno, I just don't think she's the right fit for you." Nais niyang batukan ang lalake dahil sa sinabi ngunit walang-pasabi nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila na siya papalabas ng coffee shop na iyon. Bago pa nga sila tuluyang makalabas ay nakita niyang inabutan ni Zynder ng iilang isang libong papel ang server na nadaanan nila sa pintuan. "Thank you, bro!" pasalamat nito sa waiter na iyon at ito naman ay sumaludo lamang kay Zynder. Ngayon ay napaisip siya kung si Zynder rin ba ang rason kung bakit kanina ay ang tagal lumabas ng pagkain nila ni Luna at nung habang nagkwekwentuhan sila ng babae ay paulit-ulit na mayroong nang-aabalang waiter sa kanila. Minsan ay lalapitan sila sa table at papausugin kasi magma-mop daw ng sahig, minsan naman ay may biglaang form na papasagutan sa kanila, customer feedback purposes daw. 

"Zy!" frustrated niyang sigaw dahil hindi pa rin siya binibitawan ng lalake at patuloy siyang hinihila sa isang naka-park na sasakyan. "Zy! I can't just leave my date!"

"You can and you will," diin nitong saad habang binubuksan ang passenger door. Maingat siya nitong ginabayan papasok at sinigurado pang hindi siya mauuntog. Pakiramdam niya tuloy ay kini-kidnap siya ng lalake, "Gentle Abduction" nga lamang ang nangyayari dahil nagpapatangay rin siya sa gusto nito. Siguro sa loob-loob niya ay ayaw niya rin ang ginagawa ngayon. 

Kunot-noo niya na lamang pinanood ang lalake habang umiikot ito papunta naman sa driver's side. Agad namang pumasok ang lalake at siya naman ay napa-roll eyes dahil sa inis.

"Don't you roll that beautiful eyes on me, hon, or else I'll give you a different reason to make it roll." Ang kaninang pinaplanong pagna-nag ay kaagad naudlot dahil sa sinabi nito. Ang rami na niyang hinandang lintanya ngunit lahat ng iyon ay nawala dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Kaysa makipagtalo dito ay alala na lamang niyang nilingon ang coffee shop kung saan matatanaw ang nakatayong porma ni Luna na nakikipag-usap sa isang waiter at tinatanong kung nasaan siya. Ang isang bungkos ng rosas na binigay niya dito ay kaawa-awang tignan dahil literal na nabasa rin iyon.

He can only sigh in defeat and admit that it is impossible to find a girlfriend for him when he has this overprotective boyfriend on his side. 

Panibagong buntung-hininga ang lumabas sa kaniyang bibig habang defeated na inabot ang bag na dala at akmang ilalagay iyon sa may backseat. Halos mapatalon naman siya sa gulat nang makita ang naroon. Ni hindi niya iyon napansin kanina nung pumasok siya dahil na rin sa rami ng nangyayari. 

"The fuck, Zy!" he exclaimed while staring at the backseat full of roses. Literal na "full" dahil paniguradong magsisihulugan ang mga rosas na iyon kung may biglang bumukas ng backseat. "Ano 'to?!"

Zynder glanced at him with a smirk while driving away from the coffee shop. "It feels better to receive them than to give them, right?" ika nito na para bang may point na nais iparating.

"Zy, nakikipagkumpetensya ka ba sa akin kung sino ang mas magaling mangligaw?" inis niyang tanong dito dahil na-realize niyang ang pipitsugin ng bouquet of roses niya sa isang sasakyang puno ng rosas nito.

"If it makes you realize that being my girl is better than finding your own girlfriend . . . then yes . . . yes, I am competing with you," preskong sagot nito bago inabot ang kaniyang kamay at hinalik-halikan iyon.

Kaysa kiligin ay inis niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito at tahimik na lamang na nilingon ang labas ng bintana. Mukhang napansin naman ni Zynder ang kaniyang bad mood dahil napatahimik rin ito at nawala ang playfulness. Hindi na siya nito inimik at nagpatuloy na lang sa pagda-drive. Ininda niya ang ilang minutong katahimikan na bumalot sa loob ng sasakyan hanggang sa napuno na rin siya at siya na mismo ang unang nagsalita.

"Itabi mo yung sasakyan, bababa ako, kailangan ko ng hangin." He is literally looking for air right now because of how suffocating the atmosphere between them. 

Hinintay niyang gawin iyon ni Zynder ngunit nagulat na lamang siya nang unti-unting nag-fold ang bubong ng sasakyan nila at sinalubong siya ng sariwang hangin mula sa labas. Hindi siya makapaniwalang lumingon sa lalake ngunit nakaigti lamang ang panga nito at masamang nakatitig sa daan. 

Hindi ito nagsalita at hindi ito umimik hanggang sa dumating sila sa tapat ng bahay niya. Hindi nga siya lumabas kaagad dahil hinihintay niyang kausapin siya nito ngunit masama pa rin ang titig nito sa labas kaya naman napagdesisyunan na niyang lumabas ng sasakyan. Akma na sana niyang isasarado ang pintuan nang bigla niyang marinig ang mahinang bulong ni Zynder.

"I know I'm fucking annoying right now but you should have considered my feelings too. Tang-ina Louis sa tingin mo ba nakakasayang tignan ka kasama ng iba?"

Bago pa siya makasagot ay inis na inabot ni Zynder ang pintuan ng passenger seat at pabagsak na sinarado iyon bago pinaharurot ang sasakyan. 


My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu