Chapter 18

139 15 6
                                    

Something's wrong with Zynder . . .

Buong oras ng first-period class ni Louis ay hindi matanggal-tanggal sa isipan niya ang weird na reaction ng lalake. Matapos kasi nitong umalis sa bahay niya ay naisipan niyang i-chat ito bilang si Louisa ngunit ni hindi man lamang ito nag-reply sa kaniya. Zynder would always grab the chance to talk to her no matter what. That was so uncharacteristic of him to just ignore her.

Did something happen when he was at her house?

Mas kumunot ang noo niya dahil sa naisip ngunit agad ring nawala iyon nang bigla siyang tawagin ng kaniyang classmate. "Class Pres! May naghahanap sa iyo sa labas," imporma nito sa kaniya bago dali-daling dinaluhan ang mga kaibigang nagtatawanan sa may likurang parte ng room nila. Nais niya sanang itanong kung sino iyon ngunit nang makita na masaya na itong nakikipagkwentuhan sa iba ay naisip na lamang niyang diretsong lumabas.

"Sino-" tatanungin na sana niya kung sino ang nasa labas nang bigla niyang makita si Zynder na nakatayo sa labas.

"H-Hi . . .," kinakabahan na may kasamang pagkalito niyang bati dito. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang nakabawi na siya sa gulat. He didn't speak and only chose to hand him a basket full of food. Nalilito niyang inabot iyon. "Pa-Para saan ito? Oh! Gusto mo bang ipabigay ko kay ate?" That's the only logical reason for him to do that.

"No!" Napapitlag siya dahil sa biglaang lakas ng boses nito. "That's for you," mahina nitong dagdag na nagpagulo ng isipan at puso niya.

"A-Akin? Bakit para sa akin?"

"I never gave you a proper thanks for helping me get your sister's attention so . . . thank you," paliwanag nito na nagpaliwanag ng isipan niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nanlumo ang puso niya. Is it too much for him to think that he gave him all of this because he likes him. 

"Oh . . ." mahina na lamang niyang ani. "Thank you . . . If wala ka ng sasabihin . . . papasok na ako." He just wanted to escape from their conversation. Kahit hindi alam ni Zynder ang nasa utak niya ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa "inassume" niya kanina. 

What a fucking ilusyanada! 

Why would he think that a prideful man like Zynder would actually find a gay boy like him to be appealing?

Akma na sana niyang tatalikuran ang lalake dahil pakiramdam niyang maluluha na lamang siya bigla ngunit bago pa man niya iyon magawa ay mabilis na nagsalitang muli ang lalake. "Wait!" He glanced at him and saw a bit of hesitation on his face.

"Bakit?" 

"Can I - Can we go out this weekend?" pautal nitong tanong sa kaniya ngunit ang tanging nasa isipan niya lamang ay ang tinatanong nito sa kaniya.

"Huh?"

"Can we hang out this weekend? You know . . . as another part of my thank you gift."

"Oh . . . Wala ba kayong date ni Ate?" He honestly would prefer going with him as Louisa, his girlfriend rather than being the pathetic little brother, Louis.

"I've been taking her out every week, I think it's time that I became close with her twin, right?"

"Uhmm . . . I guess so?" suko na lamang niya dahil mukhang siguradong-sigurado na si Zynder sa mga plano nito. 

Agad namang lumaki ang ngiti sa mga labi nito bago masayang nag-ika, "Great! I'll pick you up at 10, okay?" Bago pa man siya makasagot ay mabilis ng umalis si Zynder at kitang-kita ang saya sa aksyon nito. 

Why is he so weird today?




Malakas na napabuntung-hininga si Louis habang hinihintay si Zynder na daanan siya sa playground na malapit sa bahay. Hinindian niya ang offer nito na sunduin siya sa mismong tahanan dahil baka hanapin pa nito si Louisa doon. Kaya ngayon ay para siyang bata na nakaupo sa may swing habang umiinom ng Nestle fresh milk. He even pouted because he really wanted to dress up for today but he can't since he would be going out as Louis and not Louisa. 

"Have you been waiting for long?" Agad siyang napatingala nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalake.

"H-Hi . . ." parang tangang bati niya dito instead na sagutin ang tanong nito. Hindi siya maaaring sisihin ng iba dahil tang-inang kinakabahan talaga siya ngayon. Ito ang kauna-unahang lalabas sila ni Zynder na hindi siya si Louisa. 

"Why are you drinking that?" seryoso lamang na nakatitig si Zynder sa fresh milk na hawak-hawak niya. 

"Oh! I always drink fresh milk when I am feeling down or if may iniisip akong malalim," pagpapaliwanag niya dito habang inuubos ang laman ng iniinom. Tinapon niya iyon sa kalapit na trash can nang maubos sabay tayo upang yayain ang lalake na umalis na sila. "Tara?"

Hindi siya kaagad sinagot ni Zynder bagkus ay seryoso lamang na nakatitig sa kaniya na para bang may malalim itong iniisip. Magtatanong sana siya kung may problema ngunit inunahan na siya sa pagsasalita ng lalake. "Come on . . . I'm going to take you to somewhere nice."

"You know, you really don't have to." May panahon pa naman na umatras ito sa "friendly" date nila ngunit matinding umiling lamang ang lalake at nilahad ang kamay upang yayain na siya papunta sa sasakyan nitong naka-park sa di kalayuan.

"But I want to," matiim nitong sagot habang diretsong nakatitig sa kaniya. His eyes were so mezmering. It was as if he was being hypnotized or something. Hindi niya alam at hindi niya maipaliwanag ngunit kitang-kita na may nais na sabihing saloobin ang lalake ngunit hindi nito magawa.

"O-Okay . . ." mahina na lamang niyang sagot sabay hawak sa braso nito at hinayaang tangayin siya ng lalake sa kung saan man nito nais siyang dalhin.

He knew he was quite dangerous and he was playing with fire by acting as two people for this guy. She doesn't care anymore. Wala na siyang pakialam kahit na mapaso siya. All he knew that it felt so good to be in his presence. It felt good to have his attention whether he was Louis or she was Louisa.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now