Chapter 4

234 19 4
                                    

"Fuck this man," inis na usal ni Louisa sabay roll eyes pa. Nananahimik siya doon sa baba kanina ngunit bigla siyang nilipat dito sa taas kasama ang iba pang mga VIP dahil sa utos ng lalakeng iyon. Actually, hindi naman mahirap sa kaniya na makapasok sa VIP area ng mga bar na pinupuntahan niya. Siya pa nga ang pinapalipat usually ng mga owner dahil na rin sa sikat siya sa social media at magandang publicity sa mga ito na ma-post sa kaniyang account. Talagang napili lamang niyang manatili sa general area kanina. Kuntento na siyang uminom doon kanina kung hindi lamang siya nilapitan at kinulit ng tang-inang lalakeng iyon. "Tsk." She rolled her eyes again and it landed on that man who was sitting at the couch near her, his eyes never left her face. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" maldita niyang sigaw dito ngunit kaysa magalit sa kaniya ay napangiti pa ang lalake. 

"Hi! I'm Zynder," pakilala nito sabay lahad ng kamay nito sa kaniya. "Zynder Renato."

"I didn't ask and I don't fucking care," irap niya. Ni hindi niya pinansin ang kamay nitong naghihintay sa kamay niya. She wouldn't dirty her hands just to shake his.

Tumawa ang lalake na nagngangalang Zynder bago binaba ang kamay. Mukhang napansin na wala siyang planong hawakan ito. "Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?"

Ang antipatikong ito ay may audacity pang itanong iyon sa kaniya. "Excuse me, mister. Kung nakakalimutan mo then ipapaalala ko sa iyo. Bigla-bigla ka na lang lumapit sa akin. Hindi kita kilala. Who wouldn't find that creepy?"

"Kaya nga ako lumalapit sa iyo para makilala mo ako, right?" he cheekily said. "I would remain that creepy guy if you won't give me the chance to get to know you," pagdadahilan pa nito na kinataas ng kilay niya.

She studied his face and acknowledged that he was indeed quite good-looking. Halatang may halo ang Pilipinong dugo nito. European maybe? He has a sculpted face with bushy eyebrows, hooded eyes, and thick, kissable lips. Sa pustura pa lamang nito ay alam na niyang galing ito sa mayamang pamilya. He was wearing a plain white t-shirt topped with a Versace Barocco Silhouette Bomber Jacket. He paired that with another Versace Medusa Biggie Cargo Pants and a Bottega Veneta Lug Leather Chelsea Boots. She calculated the cost of his clothes inside her head and she almost threw up her drink when she realized something.

Oh my fucking God! His clothes from head to toe would cost around 17 to 18k dollars. Kung idadagdag pa niya sa kwenta niya ang Tank Louis Cartier watch na suot nito ay aabot ng 27k dollars ang buong suot nito ngayon.

This shitty dude was just casually walking around dressed in clothes that cost around 1 and a half million pesos.

Nasamid siya sa iniinom at paulit-ulit na napaubo. Mukhang nag-alala ito sa kaniya dahil mabilis itong sumenyas sa bartender na bigyan siya ng tubig.

Tang-inang pang-tuition fee ko na ang OOTD nito ngayong gabi.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sabay abot sa kaniya ng baso ng tubig na binigay sa kanila ng bartender.

"Yeah," nauubong sagot niya tapos ininom ang tubig na binigay nito.

"I think you're drunk. What's your address? Ihahatid na kita," alok nito. Sinamaan niya ito ng tingin dahil alam na niya ang style nito. BGC fuckbois like him would always have that kind of line whenever they see a drunk girl. Ihahatid daw pauwi pero iuuwi naman sa mga condo nito. Siguradong-sigurado siya na iyon ang plano ng Zynder na ito ngunit nang mapatitig siya sa mga mata nito ay doon na niya napagtanto na mali ang akala niya. He looked genuinely worried. 

She stopped the snide remark that she was planning to say to him and instead softly said no. "Huwag na. Hindi pa ako lasing, nasamid lang. Besides, kaya kong umuwi ng mag-isa, whether I'm drunk or not. Excuse me, I'm gonna go now." Matapos sabihin iyon ay tumayo na siya at aalis na sana ngunit napatigil siya nang tumayo rin ang lalake. "Where are you going?" nakakunot-noong tanong niya dito.

"Ihahatid ka sa labas. Something might happen to you," casual nitong sagot.

"Mister, I've been doing this night scene thingy for so long already. I don't need your protection or anything."

"Ihahatid ka nga lang sa labas tapos nagagalit ka na agad," he muttured like a little boy protesting to his mom. She eyed him from head to toe and watched as he innocently scratched the back of his neck as if "nagpapa-cute". 

He looked harmless naman . . .

"Hanggang sa labas lang. Magta-taxi ako," maldita niyang ika bago ito tinalikuran at naglakad na. Hindi niya maiwasang mapangiti ng bahagya dahil narinig niya ang masayang pagsunod nito sa kaniya. 

Oh geez . . . He's acting like a puppy.

Habang naglalakad papalabas ay nakatingin sa kanila ang lahat ng nadadaanan nila. Of course, this would be a hot topic tomorrow morning. The ever mysterious Louisa and the playboy Zynder leaving the bar together? Geez . . . she could imagine all the headlines already. 

Nang makarating sa labas ay tumigil siya sa sidewalk kung saan pwede siyang magtawag ng taxi. Ang tang-inang lalake ay nakasunod pa rin sa kaniya. 

"Are you gonna get a Grab?" tanong nito na para bang close sila. 

Kaysa sagutin ito ay tinaasan lamang niya ito ng kilay. "Alis na."

"Hihintayin kitang makasakay."

"Stop with the gentlemanly act. Ilang ulit ko bang dapat i-emphasize sa iyo na hindi mo ako mauuto." She rolled her eyes at him again before waving her hand to the coming taxi. "Bye na. Huwag na huwag mo na akong guguluhin." Iyon lamang ang sinabi niya at tuluyan ng pumasok sa tumigil na taxi.  She left that man named Zynder on the side of the road, watching her intently as if he was making sure she was alright.

"Bye," tipid nitong ika habang nakangisi na parang ulol. She was about to roll her eyes at him again but she then suddenly heard him mouthing the words, "See you soon, hon. I'm going to make sure that I'll find you again."

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now