Chapter 16

168 12 2
                                    

Is he okay?

Worried na nilingon ni Louis si Zynder habang naglalakad ito sa harapan ng university nila. Hindi siya kita nito dahil nasa bandang likuran lamang siya nito ngunit kahit gaano pa ito kalayo sa kaniya ay hindi pa rin matatago ang tila mabigat nitong dinadala. Para bang may problema ito kaya naman nag-aalala talaga siya. Kahit pa man usually siyang umiiwas dito bilang Louis ay nilabag na niya ang rules na ginawa para sa sarili at napiling lapitan ito. 

He looked like he was thinking of something so deeply that when he lightly tapped his shoulders, he immediately backed away. Mabilis itong napalingon sa kaniya at nagulat dahil sa kauna-unang beses ay siya ang nag-initiate ng interaction between them.

"Louis!" ika nito bago kaagad nakabawi sa gulat na naramdaman. "Do you need something?" It was so fascinating how great he is at hiding his true feelings because the sadness that he saw earlier suddenly disappeared.

"Uhmm . . . just . . . nothing. Pinapatanong lang ni ate kung available ka daw mamaya, kita daw kayo," agad naman niyang iniba ang topic dahil na rin sa hiya.

"Louisa?" His face suddenly lit up upon hearing her "sister's" concern. "Really? She was asking to meet up?" Pilit niyang tinago ang ngiting nais kumawala mula sa kaniyang bibig nang makita ang kasiyahan nito. Alam naman niyang tuwang-tuwa lamang ito sapagkat never nag-initiate si Louisa ng kahit ano sa relasyon nilang dalawa. 

"Well . . . yes. She was asking if you can meet her later tonight?"

"Of course! Tell her I'll pick her up at the same place," excited nitong sagot bago marahang tinapik ang kaniyang balikat at nauna ng maglakad. Siya naman ay tuluyan ng napangiti nang makita ang pagkawala ng lungkot nito.

"Ang dali mong pasiyahin," ngiti niyang bulong sa sarili bago tuluyang naglakad na papunta sa direksyon ng building niya.

Nang matapos ang araw ay kaagad naman siyang umuwi at nag-freshen up muna bago muling umalis at nagpalit ng damit at nag-make-up sa may mall. Binilisan niya ang kilos nang makita na malapit na siyang ma-late. She ran-walked towards their meeting place and immediately smiled upon seeing Zynder fidgeting near his car. Ang paboritong black BMW na naman ang gamit nito at nakatayo ito sa gilid niyon habang hinihintay siya.

"Zy!" tuwa niyang tawag dito at kumaway-kaway pa nang lingunin siya nito.

"Hon," anas nito nang makalapit na siya dito at kaagad siya nitong hinagkan at hinalikan. "God, I miss you!" he whispered near her right ear before slowly trailing soft kisses on her neck.

"It's only been two days since we last saw each other, Zy. Huwag kang masyadong OA," tawa niyang sita dito at napatili pa nang halos buhatin na siya nito dahil sa higpit ng yakap nito sa kaniya. 

"You know what? I always find it cute whenever you call me by my nickname."

"Why?" tawa niyang tanong dito.

"'Cause you pronounce it differently," sagot nito. "You call me Zee while others call me Zay."

"You don't like it?"

"Are you kidding me?! I fucking love your nickname for me!" he enthusiastically corrected her before giving her another kiss. 

"I heard from my brother that you looked down this morning. Is something wrong? May nangyari ba sa house niyo? Nahihirapan ka ba sa acads mo?"

"It's nothing, hon. Okay na ako dahil nandito ka na," iling nito habang niyayakap siyang muli. "Nandito na ang pahinga ko."

She laced her arms on his neck and hugged him back. "Remember that I'm here, alright? You don't need to deal with your problems alone. Nandito ako para pagaanin ang loob mo . . . and speaking of that . . . I have something for you!" 

"Huh?" taka nitong tanong habang pinapanood siyang lumayo dito upang kunin ang bagay na binili niya kanina para dito.

"Here!" proud niyang sabi habang nilalapit dito ang Nestle Fresh Milk na binili niya kanina. 250 ml lamang iyon kaya naman kinuha niya ang straw na naka-attach sa likod at siya na mismo ang naglagay niyon sa may butas na nasa taas. "Inumin mo iyan," utos niya dito habang pilit na pinapahawak iyon sa lalake.

"What's this for?" taka pa rin nitong tanong.

"Simula pa pagkabata ay iyan na ang iniinom ko sa tuwing malungkot ako. Kaya iyon na rin ang gawin mo simula ngayon! If you feel down, sad or angry . . . just drink milk and think of me."

Kitang-kita na hindi nito maintindihan ang ginagawa niya noong una ngunit nang magpaliwanag na siya ay unti-unting lumiwanag ang mukha nito at napangiti ng malaki dahil sa na-realize. 

"I will, baby." He held her hand and helped her get inside his car. Ito na rin ang naglagay ng seatbelt niya ngunit bago pa nito isarado ang sasakyan ay bigla nitong nilapit ang bibig sa kaniyang tenga at bumulong doon. "You should know by now that I am always thinking of you. Every day and every night. 

Bago pa siya nakabawi ay lumayo na ito sa kaniya at sinarado na ang passenger seat. Pinanood niya itong umikot papunta sa driver's seat habang masayang iniinom ang fresh milk na binigay niya.

"Isip-bata," she muttered to herself but still smiled like a fool.


The days moved like an ocean's rhythm and their relationship kept on getting stronger not until Zynder started asking her when she would introduce him to her parents. Mahirap gawin iyon sapagkat hindi naman alam ng pamilya niya na may alternate persona siya bilang Louisa. As far as her parents knew, he was their perfect son who has unbelievable popularity among girls. Lapitin siya ng mga babae sa school kaya natural nag-assume ang parents niya na "playboy" siya. 

Sa tuwing bini-bring up ng lalake ang tungkol sa nais ay lagi niyang sinasabi kay Zy na "maybe another day" or "busy kasi parents ko" just to stop him from whatever he was planning to do. Hindi niya masyadong ininda ang paghahangad nito na makita ang parents niya pwera na lamang nang bigla siyang makatanggap ng text mula dito. 

His text says "I'm outside your house. Can you invite me inside?" There was only one thing that popped inside his head.

"Naku, patay!"

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα