Chapter 12

173 15 2
                                    

"Ano 'yan?" curious na tanong ni Louisa kay Zynder habang pinapanood ang pagre-ready nito sa competition mamaya. Rinig nila mula rito ang on-going fight ng mga unang laban. Ang lakas nga ng mga sigawan ng mga nanonood at mukhang napaka-exciting ng laban. Ganunpaman ay hindi siya nanood at napiling tulungan si Zynder sa paghahanda.

"Guards," tipid na sagot ng lalake bago tinaas ang hawak at pinakita sa kaniya iyon. "This is a groin guard, it's for my cock." Pinalo niya ang balikat nito nang makita ang pilyong ngiti na nakadikit sa mukha nito. "What? I'm just telling the truth. This is for my-"

"Shut up!" pigil niya dito at tinakpan na ang bibig nito. "What about this? Ano 'to?" pag-iiba niya ng topic dahil nahihiya siya sa pinag-uusapan nila.

"Oh, this one's a mouth guard, and this one are my footpads. It's to protect my feet since I would be using it a lot of times for this competition. Lastly, my boxing gloves. What colour would you want my boxing gloves to be in my next competition?"

Bumaba ang tingin niya sa colour dark red na boxing gloves nito at nakaisip ng kalokohan. "Pink, I want it to be hot pink."

Hinihintay niya ang pagpula ng mukha nito o di kaya'y malakas nitong paghindi ngunit kasalungat ng inaasahan niya ang naging reaksyon nito.

"Ok," parang walang pakialam o pagkahiya nitong sagot. "I think I'm next," biglang sabi nito bago pa man siya maka-react. Tumayo na ito at lumapit sa manager nito at mukhang may pag-uusapan ang dalawa.

Siya naman ay wala sa isip na napahawak sa kaniyang dumadagundong na dibdib at tila ba aatakihin siya sa puso.

Why is he so open with what I want?

Zynder has been the most atrocious man she ever met, but he was also the most caring and lovable guy that any woman would ever want. Alam niyang maswerte siya na nasa kaniya ang atensyon ng lalake ngayon ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na mapaisip na baka ngayon lamang iyon. Na baka mapagod rin ang lalake sa kaniya or worse ay malaman nito ang tinatago niya. For sure ay hindi nito ma-aappreciate ang katotohanang niloloko ito ng isang bakla. 

Bago pa man mas lumalim pa ang iniisip niya ay bigla niyang naramdaman ang presensya muli ni Zynder sa likuran niya. "Come on, hon. My manager will assist you to your seat. Cheer for me, please."

Agad naman siyang napangiti dahil sa komento nito dahil para itong tuta na nagpapa-cute sa kaniya.

"Don't worry, I will," pangako niya dito bago ito pinatakan ng mabilis na halik sa pisngi nito. HIndi na niya tinignan ang naging reaksyon nito sa kaniyang ginawa at mabilis na siyang sumunod sa manager nito papalabas ng waiting room.

The man guided her to the front row where the VIPs were seated. Inalalayan siya nitong umupo sa isang upuan na may katabing table na puno ng mga finger foods. Mukhang masasarap iyon ngunit hindi niya ata kayang sumubo ng kahit ano dahil na rin sa kabang nararamdaman. Mga ilang minuto siguro ang dumaan bago nagsimulang magsalita ang host ng event. Una nitong pinakilala ang kalaban ni Zynder na halatang-halata na napakalakas. Malakas ang sigawan nang lumabas ang lalake at rinig pa nga niya na ito ang pambato ng mga taong nasa kabilang table na malapit sa kaniya. 

"And on the other side, weighing 175 pounds with a professional record of 52 wins, 38 of them coming by the way of knock-out and only 4 defeats! He is no other than, Zynder Renato!"

Agad naman siyang napalingon sa direksyon ng waiting room kung saan siya nanggaling kanina at pinanood habang naglalakad papalabas si Zynder. Napakaseryoso ng mukha nito at kitang-kita ang pagka-focus nito sa laro. Salungat sa katahimikan ng lalake ang ginagawa ng mga manonood. Kung maingay na ang cheers kanina sa kalaban, mas umingay naman nang si Zynder naman ang lumabas. Nilibot niya ang paningin sa paligid at hindi makapaniwalang ang rami ng nandito upang panuorin si Zy. 

Her focus shifted back to the ring and saw that the two were already getting ready for the fight to begin. Nahuli niya si Zy na nililibot ang mga mata hanggang sa nakita na siya nito. His serious disposition suddenly changed and he immediately smiled at her. She smiled back at him and mouthed the words, "Good luck." to him. 

Malakas siyang bumuntung-hininga habang tinatanaw-balik ang mga sinabi sa kaniya ni Zy tungkol sa kickboxing. He told her that boxing and kickboxing are almost the same but kickboxing has a wider range of techniques. Hindi man siya palaging nanonood ng kick-boxing ay alam naman niyang may kasamang sipa ang laro ni Zy ngayon. Syempre pangalan pa lang ay alam mo na kung ano ba ang maaaring mangyari. Ang sabi ni Zy ay napakahalaga na marunong kang mag-block dahil doon daw nakasalalay ang scoring nila. 

Usually ay 3 rounds na may tig-3 minutes duration lamang ang kada competition ngunit dahil main event sina Zy ay aabot ng hanggang 5 rounds ang magiging laban niya ngayong gabi. 

She wanted to squeal in both worry and excitement when the referee announces the start of the fight. Noong una ya napaka-mild pa ng laban. It was limited to a few punches and kicks only above the belt ngunit nang tumagal-tagal ay mas naging intense ang laban. Both of them started throwing strong punches, high and low kicks, and even knee strikes. Naramdaman niyang ang tensyon sa dalawa nang ilang ulit na niyayakap ng kalaban si Zynder. Ang paliwanag sa kaniya ng lalake kanina ay clinch fighting ang tawag doon at most oftenly at pinagbabawal.  Nang umabot sila sa round 3 ay napansin niyang para bang may sinasabi ang kalaban kay Zy na mukhang nagpagalit sa lalake dahil walang alinlangan nitong pinaulanan ng suntok ang kaharap. Umabot nga sa punto na kailangang mag-step in ng referee at patigilin si Zynder ng ilang ulit. Nagkataon na ring natapos ang 4th round kaya naman walang nagawa si Zynder kundi lubayan ang kalaban at lumapit sa coach nito. Kitang-kita pa niya ang matalim na titig nito sa kalaban bago ito tinalikuran.

She worriedly watched as Zynder's coach tried to pacify him. Nang nagsimula na ang panghuling round ay halata pa ring galit ang lalake.

Nag-aalala siya para dito kaya naman nang mamataan niya ang manager nito na papalapit sa kaniya ay kaagad niya itong hinila at tinanong, "What's wrong?"

"Wala lamang iyon, Ma'am." Sinamaan niya ito ng tingin nang mapansin na nagsisinungaling ito sa kaniya.

"What is it?!" mas mariin niyang ika na mukhang nagpatakot sa lalake.

"May mga sinabi lang pong bastos na mga salita patungkol sa iyo ang kalaban ni Sir kaya siya nagalit."

Mabilis siyang lumingon sa may ring kung saan naglalaban ang dalawa at nakita ang naglalagablab na mga mata ni Zynder na para bang kaya nitong pumatay.

She got worried sick that it might affect his performance in the game, not until Zynder was able to land a very strong high kick at his opponents face. Agad na tumumba ito at parang patay na hindi gumalaw. Si Zynder naman ay maangas na dinuraan ito at tumalikod. Hinintay muna nito na ma-check ng referee ang kondisyon ng kalaban.

Napakagat siya ng labi habang hinihintay nila ang verdict ng referee at halos tumalon ang puso niya sa saya nang sumenyas ang referee na hindi na kayang lumaban ng kabilang grupo.

Agad namang nagsigawan ang lahat ng tumaya para kay Zynder at ang manager at coach ng lalake ay patakbong lumapit dito upang i-congratulate ito. Siya naman ay nakangiting naghihintay sa kaniyang upuan dahil ayaw naman niyang makipagsiksikan sa lahat. She could congratulate him later when they are alone with each other.

Iyon na sana ang plano niya ngunit hindi pinansin ni Zynder ang mga taong lumalapit dito bagkus ay nagmamadaling tumakbo sa pwesto niya.

He ran towards her and unhesitantly took off his mouthguard just to show her his unscathed face. "I did it," hingal nitong deklara. "I never let him touch my face," dagdag nitong ika habang proud na pinapakita sa kaniya ang bawat sulok ng mukha nito.

"I can see that," tawa niyang saad.

"So, are you mine now?" he unhesitantly asked.

She gave him a simple smile and replied, "Yes, I'm already yours."

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now