Chapter 19

165 19 3
                                    

"Come on, eat up." Nakanganga lamang na pinapanood ni Louis si Zynder habang lagay ito ng lagay ng mga pagkain sa kaniyang plato. Nandito siya dinala ng lalake sa isang famous Unli Samgyupsal place sa may Makati. He had been wanting to go to this kind of place for a long while now, but he can't find anyone that would go with him. Nakakahiya naman pumunta dito ng mag-isa at baka ma-judge pa siya ng mga tao at isiping "loner" siya. 

Come to think of it, the last time I mentioned that I wanted some Korean bbq was when I was with Zynder . . .

"You don't like the food?" Nagising ang kaniyang diwa at nawala sa iniisip nang biglang magsalita si Zynder. Nakakunot ang noo nito na nakatitig sa kaniya habang hawak-hawak pa ang tong na ginagamit nito upang maluto ang meat na nasa grill sa pagitan nila. "Do you want something else?"

"Huh? Ahh . . . hindi! Hindi! Ok na ako dito! May mga iniisip lang ako na school works," rason niya dito ngunit hindi pa rin matanggal ang pag-aalala sa mukha ng lalake.

"Do you need any help? I am two years ahead of you so I can help you with anything."

"No! Ok lang ako . . . baka makaabala pa ako sa iyo," pigil niya kaagad dito ngunit agad siyang napatahimik dahil sa naging tugon ng lalake.

"You're never going to be a nuisance to me, you should know that." Napatikom siya dahil doon at bumilis ang kabog ng dibdib niya. Para bang may mga paru-paro na naglalaro doon at may tren na paikot-ikot sa kaniyang puso. Nagkatitigan sila ng lalake at siguradong-sigurado siya na naging malamlam ang mga mata nito matapos sabihin iyon. Before he can react, Zynder quickly redirected his eyes back to the grill and started cooking the remaining meat.

 That was . . . weird?

Tahimik na lamang niyang pinaglaruan ang kaniyang pagkain habang panaka-nakang sinusulyapan ang lalake.

Anong nangyayari dito?

 He can't recall anything that he did or said wrong while he was with him as Louisa. At imposible namang galit ito dahil ang bait-bait nito sa kaniya ngayon. 

Maybe he really just wanted to repay your so-called help because he genuinely thought that he was Louisa's twin. Mahilig rin kasi niyang ibida kay Zynder ang sarili sa tuwing nagpapanggap siya bilang Louisa. Baka naman na-impress lamang ang lalake sa mga sinabi niya at naisip na mag-thank you sa pagtulong "kuno" niya dito. Halatang-halata naman na inlove ito kay Louisa dahil para itong asong nakasunod sa babae. 

He would often ask him to give something to her. He would pay for everything whenever they go out on a date. Kung hindi pa nga niya ito pinagalitan ay may plano pa sana itong bilhan siya ng mga designer stuff. Mariin siyang humindi doon dahil nakakaramdam siya ng guilt sa lalake. Syempre ayaw naman niyang isipin nito na pineperahan niya lang ito. 

"How are you?" Biglang naputol ang malalim niyang iniisip nang magsalitang muli si Zynder.

"Huh?" parang tanga na naman niyang tanong dito.

"How's your week? Any interesting going on right now with you?" he sincerely asked as if he really does want to hear about his life.

Awkward siyang napakamot ng ulo dahil naguguluhan na talaga siya sa inaakto ng lalake ngayon. "Uhmm . . . okay lang naman ako. Same old, same old. Nothing's new."

Tumango-tango ang lalake habang nilalagyan na naman ang plato niya ng grilled meat. "How about hobbies? Do you have any?"

"Ahh . . . I like those Paint-by-Numbers that are going viral in TikTok right now," sagot niya habang ngumunguya.

"You want me to buy some for you?" alok nito kaagad na mabilis niyang hinindian.

"Huwag na po!" sheepish niyang tawa habang aggressive na umiiling. "Hindi ko pa nga tapos yung isang binili ko, baka matambakan lang ako niyon."

"Oh . . ." disappointed nitong bulong sa sarili na napansin naman niya kaagad. 

"If you don't mind, Zy . . . may I ask why did you invite me out for dinner?" Hindi na niya talaga kaya ang anticipation at ang mga tanong na constantly umiikot sa utak niya. Nais na niya talagang malaman kung anong kailangan ng lalake sa kaniya.

Diretso lamang siyang nakatitig kay Zynder habang hinihintay ang magiging sagot nito. Ang lalake naman ay malakas munang bumuntung-hininga bago unti-unting binaba ang hawak na tong bago siya matiim na tinitigan.

"I have a gift for you," tipid nitong sagot bago biglang may kinuha sa bulsa nito. Noong una ay hindi pa niya maklaro kung ano ang hawak nito ngunit nang ilapit iyon ng lalake sa mukha niya ay doon na niya napagtanto kung ano ba talaga iyon. 

It was a simple necklace with his name's initial, "L".

Kitang-kita niya ang pagkinang niyon habang tinatamaan ito ng ilaw ng restaurant. Mangha naman niyang hinawakan ang pendant at gusto ata niyang maluha dahil halatang napakamahal ng necklace na iyon.

"Here . . . let me put it on your neck," ika ni Zynder bago inayos ang pwesto upang magkalapit sila. Siya naman ay umusog ng kaunti at bahagyang tumalikod sa lalake upang mas madali nitong mailagay ang necklace sa kaniya. 

He can feel Zynder's imposing aura behind his back and that made him shiver in a very sensual way. Mas lalong naging intense ang kaniyang nararamdaman nang hawakan ng lalake ang kaniyang collar at dahan-dahang hinawi iyon. Napalunok siya nang biglang napatigil si Zynder at para bang may tinitignan sa kaniyang leeg.

"May problema ba?" nagtataka niyang tanong sabay lingon sa lalake ngunit agad siyang napatigil sa pagsasalita nang makita ang reaksyon nito.

"I knew it . . ." he muttered silently that he almost didn't catch what he was saying. Magtatanong pa sana siya kung anong mali dito ngunit agad siyang napahinto nang marinig ang sunod nitong sinabi. "You and Louisa . . . you're the same, right? You both can't possibly have a mole at the same exact position behind the neck. I know you said that you're twins but twins can't have the same moles, freckles or birthmarks."


My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now