Chapter 37

222 12 4
                                    

"Anong pinag-usapan niyo ni Ismael?" Biglang nagising sa malalim na iniisip si Louis nang marinig ang tinig ni Zynder. Napalingon siya sa kaniyang likuran at nakita ang lalake na naglalakad papalapit sa kaniya dala-dala ang mga gamit nito. Masama itong nakatitig sa kaniyang likuran na panigurado siyang si Ismael na naglalakad papaalis.

"Uhmm . . . wala!" tawang ani na lamang niya bago ito nilapitan at hinawakan ang pisngi nito upang malipat sa kaniya ang atensyon nito. "Huy! Selos ka naman kaagad," tawa niyang biro dito habang iniisip kung gaano ito ka-cute. His forehead was crunched-up like a kid but he slowly smooth it out with his fingers.

"Let's go have dinner," ani na lamang nito habang unti-unting nawawala ang inis sa mukha dahil sa kaniyang ginawa. Inakbayan siya nito at hindi na siya nagprotesta na baka may makakita dahil ang tanging nais niya ay kumalma na ang lalake kaagad. 

They had dinner at a newly-opened samgyup place and that was the time that Zynder opened up a topic about going somewhere with him over the weekends. May property daw itong nakita sa isang place na para bang gusto nitong bilhin. It was maybe in San Jose or San Juan? Seriously hindi na niya matandaan ngunit basta pangalan ng santo ang pangalan ng lugar na iyon. Umoo naman siya kaagad dahil nais rin niyang makatakas sa panghihingi ng girlfriend ng kaniyang ina.

Days passed and weekend came, maaga silang umalis ni Zynder dahil sabi nito ay may kalayuan ang lugar sa Manila. Mga around tanghali na nga rin sila dumating doon at kaagad nag-unpack ng mga gamit. Dinala siya ng lalake sa may isang simpleng bahay-kubo na nasa kalagitnaan ng malawak na lupain. It was so peaceful there that he can't help but feel happy in some sort of way. 

Noong tinanong niya si Zynder kung bakit sila pumunta doon ay sagot naman nito na nais daw nito na masanay siya sa mga makalumang pamumuhay. Hindi niya ito maintindihan at that time ngunit ngayong nalalanghap niya ang simoy ng hangin ay kaagad niyang naintindihan kung gaano kasarap ang buhay sa probinsya.

"Hon." Rinig niya ang tawag ni Zynder mula sa loob ng bahay at kalaunan ay nakita niya itong lumabas sa may teresa kung nasaan siya ngayon. "Are you hungry already?" malambing na tanong nito sabay back-hug sa kaniya. Hinalik-halikan nito ang kaniyang leeg at naisip niyang baka isa sa dahilan ni Zynder kaya siya dinala nito dito ay upang maging malaya rin silang gumalaw na totoong magkarelasyon. Kahit over the weekends lang. 

"A bit . . ." sagot niya dito habang pinipigilan ang sariling mapaungol sa ginagawa nito. Kinakagat-kagat kasi nito ang kaniyang leeg kaya namumula siya.

"Okay, I'll grill the fish for dinner later then. I'll try to find something easier to prepare so you can eat already." Matapos iyon ay humiwalay na sa kaniya ang lalake at sinabihan siyang magpahinga muna habang inaayos nito ang lunch nila. 

Para siyang tangang nakatitig sa pintuan na pinasukan nito hanggang sa ma-realize niya ang isang bagay. 

Are we doing the "all-in" tonight?! Oh fuck! Oh fuck! Oh fuck!

Agad naman siyang nag-panic dahil sa napagtanto. Sila lamang ang nandito, ang bahay-kubo na tinutuluyan nila ngayon ay napakalayo sa kabihasnan at wala kang makikitang ni isang bahay sa paligid. Hindi siya magkandaugaga sa pag-iisip kung paano ihahanda ang sarili. Napakatapang niyang sabihin kay Zynder na handa na siya ngunit ngayong nandito sila ay para ba siyang matatameme sa kaba. Buong araw hanggang hapunan ay para lamang siyang tanga na hindi mapakali. Nag-alala na nga ang lalake sa kaniya at nagtanong kung anong mali. Hindi naman niya ito masagot dahil ayaw niyang isipin nito na excited siya.

Nang matapos silang kumain ay nag-volunteer siya na maghuhugas ng pinagkainan nila. Sinadya niyang matagalan ang ginagawa kaya naman pinuntahan na siya ni Zynder sa kusina at hinagkan-hagkan habang naghuhugas siya. Para na naman siyang maiihi kasi ramdam na ramdam niya ang malaki nitong katawan sa likuran niya. Nang matapos ng paghuhugas ay nagmamadali naman siyang hinila ng lalake palabas ng kusina. Ilang santo na ata ang nadasalan niya sapagkat akala niya ay sa kwarto siya nito dadalhin. Nagulat na lamang siya nang makita na papunta sila sa labas ng bahay.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt