Chapter 17

152 16 5
                                    

Fuck! Fuck! Fuck! What the fuck would I do?!

Hindi magkandaugaga si Louis habang umiikot sa kwarto niya. Mas lalo siyang nag-panic nang magawi ang kaniyang mga mata sa kaniyang full length mirror at nakitang nakabihis panglalake siya.

For heaven's sake, he can't wear any "Louisa" outfit here! Tiyak na mabubuko siya ng mga magulang kung saka-sakali, and besides, he can't magically transform himself to be Louisa in under 5 minutes. 

Mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto at pumunta sa kanilang sala kung saan nakahilata ang kaniyang Ate Charlotte. Hindi siya pinansin nito at nanatiling nakatitig sa cellphone nito at nanonood ng TikTok kahit pa man naka-on rin ang kanilang TV at nagpa-play ng isang Netflix show. Para siyang tangang lumuhod malapit sa kanilang bintana at maingat na sumilip doon. 

True enough, Zynder was outside their house, leaning on his BMW car while patiently waiting for her reply. He looked so immaculate wearing a John Lewis sand-colored, straight-cut chinos and Belladonna Men's pure linen long-sleeved casual shirt. Ang unfair kasi kahit napaka-simple ng mga suot ni Zynder ay para bang nagmumukha itong model sa isang magazine. Para ngang bigla na lamang may lalabas na photographer at pipicturan ito. 

"Ate," tawag niya sa kapatid habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa lalakeng mukhang diyos na biniyaya para sa mga katawang-lupa na katulad niya. 

"Oh?" inis nitong sagot, siguro dahil nakakaabala siya sa pinapanood nito.

"Saan sina Mama?" patuloy niya sa pagtanong dito. Sanay na siya na laging badtrip ang kapatid sa kaniya.

"Pumunta kina Tita Beth sila ni Papa," walang pake nitong sagot sabay tayo. Mukhang nainis na nga talaga sa panggugulo niya. Dumiretso na ito sa sarili nitong kwarto at pabagsak na sinarado iyon. Ni hindi man lamang pinatay ang TV na pinapanood. Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago pinatay ang TV para dito. 

Mabilis niyang inayos ang sarili at hindi na lang ininda ang suot na jogging pants at oversized shirt. Wala na siyang panahon na gawing mukhang matino ang sarili dahil kanina pa nasa labas ang lalake.

Kahit nag-aalangan ay lumabas na siya sa bahay at naisipang papasukin na lamang ang lalake. Wala naman ang parents niya ngayon at tiyak siyang matatagalan ang mga iyon kina Tita Beth dahil mahilig makipagchismisan ang nanay niya kay Tita. Si tatay naman ay tiyak na makikipag-inuman doon. Sakto ring pumasok na sa kwarto nito si Ate Charlotte kaya hindi na rin niya ito poproblemahin. Maaari naman niyang sabihin kay Zynder na wala si ate dito para hindi nito hanapin ang secret persona niya.

He hesitantly went out of the house and approached their gate. Maingat niya itong binuksan at nahihiyang tumingin kay Zynder. 

He was casually leaning on his car, but he immediately straightened himself upon hearing him get out. "Hi!" he greeted him while waving. "Ate mo?" agad nitong dagdag na tanong. Para bang sabik na sabik itong makita si Louisa.

Susko, makaasta ito parang hindi sila nagkita kahapon.

"Ahh . . . wala dito . . . Bakit ba?" kinakabahan niyang tanong lalong-lalo na dahil nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang lalake. Nang nasa harapan na niya ito ay hindi niya mapigilang mamula kaya naman nilihis niya ang paningin. "Ano bang kailangan mo?" inis niyang tanong dito. 

"Can I come inside?" Hindi nito pinansin ang ugali niya, bagkus ay tila excited  pa.

"Bakit ba? Wala si Ate Louisa dito." He was trying to hide his fear by acting annoyed at him. 

"Well . . ." ika nito habang tinitignan ang sasakyan nito. " I have a little surprise for her," dagdag nitong wika bago walang pasabing naglakad papalayo sa kaniya upang bumalik sa sasakyan nito. Nakakunot-noo niya itong pinanood ngunit agad siyang naliwanagan nang nakita niya itong naglakad pabalik sa kaniya dala-dala ang isang malaking basket. May lamang malaking stuff toy na Pompompurin iyon habang pinapalibutan ng iba't-ibang chocolates na may tatak ng mga brand na hindi siya pamilyar tulad ng DeLafée,  Guylian at Maison Richart. May naka-design rin na mga baby pink flowers doon. Napakaganda ng basket of gifts nito at para bang nais niyang maiyak sa kaalamang sa kaniya binigay ito ng lalake.

He was stuck in a trance, just looking at that beautiful gift, not until Zynder suddenly spoke again. "I wanna give her this one, but if she's not here yet . . . can I come inside and maybe put it in her room as a surprise?"

Nawala ang atensyon niya sa regalo na iyon dahil na rin sa hinihinging pabor ni Zynder.

"Ha? No! Bawal!" The reality of what he wanted to do slowly set inside her mind and immediately alerted her brain cells of the chaos that will ensue.

Takte! Walang kwarto si Louisa sa bahay!

"Why?" naguguluhan nitong tanong sa kaniya.

"Uhmm . . . Ano kasi . . ." he tried fumbling for his words until a lightbulb appeared on top of his head. "Naka-lock kwarto ni ate! Di ka makakapasok!"

"O . . . kay? So, can I just maybe put it inside your sala?" he slowly asked, seemingly confused by his weird actions.

"Pero-" he tried reasoning out, but he suddenly used that puppy-eye look at him.

"Please? I'll be quick, I promise that I will be out of your house in the span of five minutes," he begged, which made his knees weak.

Sinamaan niya ito ng tingin bago malakas na bumuntung-hininga upang ipakita ang pagkatalo niya. Mukhang agad na naintindihan iyon ni Zynder dahil mabilis rin itong napangisi.

"Just two minutes, tapos alis ka na. Mapapagalitan si ate kapag nalaman nina Papa ang tungkol sa iyo," pagrarason na lamang niya dahil kinakabahan siya. Nasa bahay pa naman si Ate Charlotte. Although usually naman ay hindi talaga ito lumalabas ng kwarto nito ngunit hindi rin niya masasabi at baka trayduhin siya ng "timing".

Ngiting-tagumpay naman na sumunod si Zynder sa kaniya papasok. Para itong nasa museum habang tingin ng tingin sa buong bahay nila. Siya naman ay kinakabahang napapalingon sa kwarto ni Ate Charlotte at baka biglang bumukas iyon.

"Oh, ibaba mo na 'yang dala mo sa may lamesa," nagmamadali niyang utos dito. The sooner he gets out of the house, the better.

"Can't I look around?" tanong nito habang curious na tinitignan ang buo nilang sala. "You don't have any pets?" random nitong tanong sa kaniya.

"Nah, my mother hates animals. Ayaw niya daw na makapitan ang mga gamit sa bahay ng balahibo ng kahit anong hayop. Although . . . I've always wanted a kitten since I was young."

"Hmm . . ." Zynder murmured to himself.

"Akin na nga iyang gift mo kay ate! Itatago ko muna iyan sa kwarto ko at ako na bahalang magbigay sa kaniya mamayang pag-uwi niya," mabilis niyang sabi habang kinukuha ang malaking basket mula dito. Much better kasi na maitago na niya iyon kaagad para hindi magtanong ang kaniyang Ate Charlotte kung para kanino ba iyon mamaya.

Wala ng nagawa si Zynder nang siya na mismo ang umagaw doon. Dire-diretso rin siyang pumasok sa kwarto niya upang maitago na ang gift nito sa kaniya. Iniwan niya ang lalake ng iilang minuto sa sala ngunit paglabas niya ay nakita niya itong nakakunot ang noo at para bang may iniisip ng maayos.

"Ok ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong dito. "Zy?" tawag niyang muli dito na mukhang nagpakuha na ng atensyon nito.

Kita niya ang naguguluhan nitong ekspresyon bago ito nagmadaling magpaalam. "I . . . I should go."

"Ingat . . ." naguguluhan niyang paalam habang pinapanood itong maglakad pabalik sa sasakyan nito.

Anong nangyari sa lalakeng iyon?

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now