Chapter 23

171 10 3
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot lamang ang noo ni Louis habang nakatayo sa may gate nila. Sino ba namang hindi magbibigla kung nakatayo doon si Zynder na mukhang ang agang-agang nag-intay para sa kaniya. Nilingon niya ang magkabilaang side ng bahay nila at nakitang naka-park si Zynder sa may di-kalayuan.

"Sinusundo ka, sabay tayong pasok ngayon," ika nito na para bang may pinag-usapan sila tungkol doon.

Sa totoo niyan ay matapos nitong magtapat sa kaniya ay nag-bonding lamang silang dalawa. Nag-usap tungkol sa buhay nila habang nakatanaw sa mga bituin. It was actually quite peaceful and they were able to share each other's family problems. About his homophobic family and the high expectations of Zynder's father for him. Ramdam niyang marami pang bagay na hindi pa sinasabi sa kaniya si Zynder ngunit masaya na siya sa katotohanang nakikilala na nila ang isa't-isa.

No hindrances, no lies. Just the true them.

Ngayon nga'y napagkasunduan nilang ituloy ang relasyon. Ang pagkakaiba nga lang ay mas maluwag na silang nagkikita dahil hindi na niya kailangang itago dito ang tungkol sa totoong pagkatao niya. He has been insisting nonstop that they both should go to the universtiy together kahit pa man ang layo ng agwat ng kanilang schedule. 

"Oh, Zynder! Nandito ka ba para isabay papasok ang anak ko?" Mabilis siyang napalingon sa kaniyang likuran nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Mukhang lumabas ito dahil narinig na may kausap siya roon.

"Ah, opo!" nakangiting sagot naman ng mokong. Magpapaalam na sana siya sa ina at baka matagalan pa sila ng alis ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang kaniyang Ate Charlotte. Halatang-halata na may gusto ito kay Zynder dahil lumabas pa ito at pabebeng inayos ang buhok.

"Ma! Alis na po kami!" malakas niyang paalam bago nagmamadaling lumabas ng gate nila at hinila si Zynder papunta sa sasakyan nito.

"Woah there, hon." Ramdam niya ang maingat na pagpapabagal sa kaniya ni Zynder hanggang sa makarating na sila sa sasakyan nito. Siya naman ay inis at padabog na sinirado ang pintuan nang makasakay na siya sa back seat. "Why are you there?" takang tanong ng lalake nang buksan nito muli ang pintuan.

"Gusto ko dito!" inis pa rin niyang ika bago bad mood na tumitig sa may harapan.

"Come on, hon. Lipat ka na sa tabi ko," malambing nitong sabi ngunit winaksi niya lamang ang kamay nito nang tangkain nitong akayin siya papalabas. 

"Yoko," nakanguso niyang iling bago nagreklamo muli dito. "Bilisan mo na, male-late na ako."

"Did I do something wrong?" nag-aalalang tanong nito ngunit nang makita nito na wala siyang planong sagutin ito ay malakas na bumuntung-hininga na lamang ang lalake bago sinirado ang pintuan ng back seat at naglakad na sa driver's seat. Ramdam pa niya ang pagtingin nito sa kaniya mula sa rearview mirror. Iniwas na lamang niya ang mga mata at napiling ituon iyon sa may bintana. Si Zynder naman ay nagsimula ng mag-drive papunta sa university. 

Mariin siyang napapikit dahil sa selos na nararamdaman. Alam niyang napaka-inconsiderate niya ngayon ngunit hindi pa rin matanggal sa sistema niya ang katotohanang magandang lalake ang boyfriend niya at ni wala man lamang siyang karapatan na bakuran ito. 

Iyon lamang ang tanging umiikot sa isipan niya hanggang sa makarating na sila sa university. Nang maka-park na ang lalake ay wala siyang paalam na bumaba at naglakad na papunta sa building niya. 

"Louis!" rinig niya ang pagtawag nito sa kaniya at pasalamat na lamang siya na natandaan nitong hindi sila maaaring umaktong magjowa kapag nasa labas sila. Hindi niya ito pinansin bagkus ay mas binilisan pa ang paglalakad.

Akala niya ay lulubayan na siya ng lalake ngunit nagulat na lamang siya nang biglang may umakbay sa kaniya. Panic siyang tumingin sa gumawa niyon at nakita ang nakangising mukha ni Zynder.

"Zy!" panic niyang saway dito habang pilit na tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Ang rami pa namang mga tao sa paligid sapagkat papasok rin ang mga ito sa kaniya-kaniyang schedules.

"What's the problem? Bawal na bang akbayan ang KABARKADA ko?" pilyong tanong nito, putting emphasis into the "kabarkada" word. Mukhang nag-eenjoy pa ito sa pagpapanggap nila at natutuwang unlike dati ay malaya na itong lumapit sa kaniya.

Bago pa man siya makapagreklamo sa aksyon nito ay may narinig silang tumawag sa lalake. Sabay pa silang napalingon ni Zynder sa tumawag dito at nakita sina Collin at Ismael na naglalakad papalapit sa kanila. 

"Bro!" masayang bati ni Collin, si Ismael ay umando lamang upang bati. "Bakit di ka na sumasama sa mga lakad namin, Zynder?" dagdag na tanong nito habang matiim na nakatingin sa nakaakbay na braso ni Zynder sa kaniya.

"Oh! So sorry, I just got busy and all that," walang pakialam na ani nito.

"Busy? But I heard you were always with that guy every weekend," suspicious na ani ni Collin sabay tingin pa sa kaniya ng masama.

What did I do?

Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan niya at sa mga kaibigan ni Zynder kaya naman siya na mismo ang nagtanggal sa braso nitong nakaakbay sa kaniya. "Una na ako," mahina niyang paalam bago naglakad na papunta sa building niya. Rinig pa niya ang sanang pagsunod ni Zynder sa kaniya ngunit pinigilan na ito ng mga kaibigan at mukhang may plano pang i-interrogate ito.

Naiintindihan naman niya kung bakit ganuon na lamang ang pagtataka ng mga ito. They only knew him as Louisa but not as Louis. Ang alam ng mga ito ay si Louisa ang laging kasama ni Zynder ngunit nitong mga nakaraang linggo ay hindi na siya masyadong nagdi-disguise sa tuwing lumalabas sila ni Zynder. Para lang kasi silang magkaibigan na nagba-bonding sa tuwing nasa labas sila. Kahit pa man napaka-touchy nito sa kaniya ay aakalain na mag-close lamang talaga sila. 

Nilingon niya muli sina Zynder at ang mga kaibigan nito bago malakas na napabuntung-hininga. 

There's no way they would welcome him with an open arms.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now