Chapter 15

158 13 4
                                    

Hindi mapigilan ni Louis ang mga ngiti na nais kumawala mula sa kaniyang bibig. Papauwi na siya mula sa lakad nila ni Zynder at aaminin niyang hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa lalake. He has always been this sweet and understanding guy who would do anything for her. Talagang pinapatunayan nito sa kaniya na wala itong masamang intensyon. Nais niyang sampalin ang sariling mukha dahil para na ata siyang tangang ngingiti-ngiti ng mag-isa. 

"Nak?" she suddenly jerked back to reality when she heard her mother's voice. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ng boses na iyon at nakita ang nagtatakang mukha ng ina.

"Ma!" gulat niyang tawag dito bago kaagad na nakabawi at nilapitan ito. She made sure to take away any "Louisa-like" action from her body and started toughening up. Palihim pa nga siyang sumulyap sa kaniyang repleksyon na makikita sa sasakyan na nakaparada sa dinadaanan nila. Buti na lamang at nakapagpalit na siya at wala ng make-up sa mukha niya.  "Ako na magdadala niyan, Ma." Inagaw niya dito ang plastic na dala. Mukhang namili ito ng lulutuin sa kalapit na minimart.

"Ginabi ka na ata?" tanong nito habang inaabot ang plastic na dala sa kaniya.

"Naggala lang po kami ng mga barkada ko," palusot niya dito at nagmano sa ina.

"Naku Louis! Sinasabi ko sa iyo, huwag na huwag kong malaman na may nabuntis ka at ako mismo ang hahabol sa iyo ng tsinelas ko!" banta sa kaniya ng nanay at akma sanang kukurutin ang kaniyang gilid ngunit mabilis siyang umiwas.

"Ma naman!" nahihiya niyang reklamo. Kung alam lang nito na wala siyang planong mangbuntis at baka siya pa ang magpabuntis ay siguro hihimatayin talaga ito. 

"Tingnan mo nga iyang t-shirt mo! Sige, ipaliwanag mo kung bakit may mantsya iyan ng lipstick?! Aber! Nakikipaglampungan ka siguro doon sa gala niyo. Itong batang ito!" pinagalitan na naman siya ng nanay ngunit ang sinabi nito ang kaagad na nagpakaba sa kaniya. He looked at where she was pointing at and true enough, it has red lipstick stain there. Hindi niya ata napansin na nadumihan niya iyon kaninang nagbibihis siya.

"Ma-" gagawa pa sana siyang muli ng lusot ngunit hindi na siya pinatapos ng ina sa sasabihin at maingat na siyang tinulak papasok ng bahay nila.

"Pumasok ka na nga lang sa bahay at magpalit ng damit. Pawis na pawis ka na, baka magkasakit ka pa sa lagay na iyan." Wala na siyang nagawa kundi magpatangay sa ina.

Pagkapasok na pagkapasok naman sa bahay ay kaagad na bumungad sa kaniya ang tatay niya na nakaupo sa may sala at nanonood ng paborito nitong "Batang Quiapo". "Oh, andiyan ka na pala 'Toy!" He winced at his father's nickname for him that he got from the name "Totoy". Napaka-cringe niyon ngunit wala siyang choice kundi tanggapin na lamang ang tawag nito sa kaniya. Siya lang kasi ang only boy sa kanilang magkakapatid. 

"Mano po, Tay."

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Tay, punta muna po ako sa kwarto. Magbibihis lang po," paalam niya dito na tinanguhan naman ng ama. He briefly glanced at her sister that was busy scrolling on her phone. Ate Charlotte was only a year older than him but they were never close. Ate Charlotte has some kind of prejudice against him because he was the favorite child. May iba pa siyang mga ate ngunit hindi na dito nakatira ang mga ito. Ate Emma has already a husband and kids and was living quite far from them. Minsan naman ay nakakabisita ito lalong-lalo na kapag may espesyal na okasyon. Dito nagse-celebrate ng Christmas ang pamilya ng kaniyang Ate Emma. Ang pinakapanganay naman nila na si Ate Ysa ay sinagot ang tawag ng Diyos at ngayon nga'y nasa kumbento na nakatira bilang isang madre. Sila na lamang nakatira ni Ate Charlotte dito sa kanilang Mama at Papa at sa pagkakaalam niya ay may plano ng lumipat ang ate kapag naka-graduate na ito. 

Siya naman ay ang pinakabunso na walang magawa kundi sumunod sa nais ng mga magulang sapagkat siya nga ang naturingang "favorite child". His father has been waiting for a son for a long time and when he was born, his dad was so overjoyed that he immediately set up for a celebration. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi niya kayang magladlad sa mga magulang. They would get disappointed if they ever find out that he was gay. It would be better to keep them in the dark. 

Nilapag niya sa kanilang kusina ang pinamili ng kaniyang nanay at akma na sanang papasok sa kwarto niya ngunit narinig niya ang kaniyang ama. Napatigil siya sa pagpihit ng siraduha at nanatiling nakatayo sa harapan ng kaniyang pintuan. "Beth! Nakita mo ba yung parada kanina?"

"Ha?" nagtatakang ani ng nanay niya habang inaayos ang mga pinamili. Mukhang alam na niya ang parada na sinasabi ng kaniyang tatay. Pride Month kasi ngayong buwan at narinig niyang may pinlanong parada upang i-celebrate ang mga kabaro niya. Nais niya sanang sumali doon ngunit alam niyang hindi maaari. Mukhang ngayong araw pala ang paradang iyon.

"May parada ng mga bakla kanina. Hindi na nahiya ang mga puta. Akala ata ay may saysay ang mga pinaglalaban nila."

"Hayaan mo na sila, Pa! Ang Diyos na ang bahalang magparusa sa mga taong iyon. Tiyak naman na masusunog sila sa impyerno," sagot naman ng kaniyang ina.

Malakas na lamang siyang bumuntung-hininga bago pumasok sa kaniyang kwarto. He doesn't want to hear anymore of their ramblings. He tossed his bag on the floor and plopped himself to his bed. Tinitigan niya ang kaniyang kisame bago napapikit dahil sa pagod. 

Hindi pagod sa araw na ito kundi sa pagod sa buong buhay niya. 

He has always been secretive about his true feeling because of his very religious parents. Ang laging sinasabi ng mga ito ay susunugin sa impyerno ang mga katulad niya.

Maybe they're right . . . maybe she would go to hell for being gay, but at least she would burn with a smile on her face. She would die without regret because she would be happy.

Mas mabuti ng masunog sa impyerno kaysa maging sinungaling sa sarili.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora