Kabanata 25

24 2 0
                                    

Halos madapa na ako sa kakamadali sa pagtakbo patungo sa office niya. Nung nag-aaral ako hindi naman ako na-lalate ah, pero bakit ngayon sa trabaho puro na lang ako late!

Inayos ko ang postura ko bago kumatok. Hindi ko na hinintay ang permiso niya at sa halip ay pumasok na lang ako. Hindi ako derektang tumingin sa kaniya dahil alam ko namang mas kakabahan lang ako.

"You're late, again." napacross finger na lang ako dahil sa lamig ng pambungad niya.

Tumikhim na muna ako saka dahan dahang nag-angat ng tingin sa kaniya. "I know Sir na lagi po akong late pero last na po talaga ngayon" hindi nagbago ang sama ng tingin niya sa akin. Alangan naman kasing paboran niya ako, diba? Ayesha, isip isip rin kasi. Tsk.

"You're fired!" sa tanang buhay ko, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng labis na lungkot.

"Sir, plea---"

Hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang biglang may humawak sa braso ko saka sapilitang hinila palabas. Tingin ko ay tinawag ito ni Khairo para paalisin na ako. Hindi na ako nanlaban lalo na't alam kong kasalanan ko rin kung bakit ako tinanggal.

Napa-upo ako at tuluyang umiyak. Sira na rin ang sandal ko dahil yata sa kakamadali ko kanina.

Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Ms. Joan at sa nurse bago ako umalis.

Wala na akong trabaho!

May ipon ako pero kailangan ko ring gamitin yun para sa regular check up ko sana. Nahihiya naman akong humingi ng tulong kay Carl lalo na't may utang pa ako sa kaniya. Si Venice naman ay malaki na ang naging tulong niya sa'kin.

Tumayo ako saka tinanggal ang sandal tutal ay sira na rin naman yun.

Lakad lang ako ng lakad. Nakayuko akong naglakad kung kaya't hindi ko na napansing may tao pala sa harap ko kaya nagkabungguan kami. Tila pamilyar sa'kin ang mukha ng lalaki. Itinuro niya ako habang nanlalaki ang mata niya. Teka, parang namumukhaan ko siya. Saan ko nga ba siya nakita?

"Ayesha?"

Dahil sa boses niya ay nakilala ko siya. "Ethan! Sabi ko na nga ba kaya familiar ka eh"

"Bakit mo hawak ang sandals mo? Oh wait" kinuha niya mula sa'kin yung sandals saka niya iminuwestrang sundan ko siya na agad ko namang sinunod.

Ilang saglit lang ay nakarating kami sa tapat ng isang sikat na càfe. Pumasok siya kaya sumunod na lang ako. Nahihiyang napayuko akong muli matapos makita ang mga nang-uusisang mata ng mga nasa loob ng càfe ngayon. Dirediretsyong naglakad si Ethan at puro pagsunod lang sa kaniya ang ginawa ko. Lumagpas kami sa counter at namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng isang pinto na tingin ko ay isang kwarto.

Hindi nga ako nagkamali dahil sa pagbukas pa lang ng pinto ay bumungad na sa'kin ang magarang kwarto. Lahat ay nasa ayos.

Nag-aalinlangan man ay pumasok na rin ako. Naupo ako sa couch saka namamanghang nagmasid sa paligid.

"Are you ok? Sorry kung dito tayo dumeretsyo. Malayo kasi ang bahay kaya naisip ko na dito na lang" tumango tango lang ako dahil namamangha pa rin ako sa ganda at linis ng paligid. Ang simple lang pero kayganda namang tignan. Alam mo yun? Yung para kang maaadik sa ganda ng paligid mo.

Nasabi ko sa kaniya na nawalan ako ng trabaho pero hindi ko sinabing si Khairo ang naging amo ko. Alam ko namang kahit Vice President at President naman si Khairo ay naging matalik silang magkaibigan. Gusto ko sanang kausapin si Ethan sa kung ano ang naging buhay  niya ngunit hindi ko na nagawa lalo na't ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makahanap ng trabaho.

"If you want, you can work here. Pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo"

"Talaga? Seryoso ka ba? Kelan ako pwedeng magsimula?"

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now