Kabanata 18

14 1 0
                                    


Kinabukasan ay sobrang tamlay ko pagkarating ko sa school. Pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko ang nakatayong si Khairo at mukhang may hinihintay. Alam kong si Stacey ang hinihintay niya at hindi ako dahil nitong mga nakaraang araw ay sila ang palaging magkasabay.

Gustuhin ko mang kunin ang pagkakataong ito para kausapin siya ngunit hindi na lang ako tumuloy. Nag-iba ako ng daan dahil baka kapag kina-usap ko siya e bigla na lang akong maiyak sa harapan niya.cAyokong kaawaan niya ako. Ayokong makita niya akong mahina.

"Malapit na yung birthday ni Pres...may regalo ka na ba?"

"Meron na ako pa ba"

"Invited ba kayo?"

"Syempre...mag business partner parents namin"

"Balita ko sila na ni Stacey...ang swerte niya"

"Ano kayang ireregalo ni Stacey sa boyfriend niya?Gosh...naiingit ako"

Napangiti ako ng mapait. Sila na pala? Masaya ako para sa kanila. Masakit pero kailangang tanggapin.

"Ayesha, alam mo bang malapit na birthday ni Khairo?invited ka ba?" umiling ako sa panghuling tanong ni Venice. Hindi naman talaga ako invited dahil halos mayayaman lang ang nandoon. "Si Mom kasi nakatanggap ng invitation kaya nalaman kong malapit na pala birthday niya"

Umiwas ako ng tingin. Pa'no ko ba makakalimutan yung araw ng birthday niya wherein the first place pareho kami. August 24 ang birthday ko at parehas lang din kami.

"Pupunta ka ba?" sa tanong niyang yun ay napa-isip ako.

Nung una napag desisisyonan kong huwag nang pumunta pero kahit sa araw na yun lang e makasama ko siya.

Gusto ko siyang kasama sa birthday ko kahit ayaw niya. Selfish na ba ako?

"Siguro" 'yan na lang ang tangi kong naisagot.

Tulad ng mga ginawa ko nung mga nakaraang araw ay hinintay ko pa rin si Khairo sa room nila kahit na paglabas pa lang niya ay nilagpasan lang niya ako.

Sa uwian ay naghihintay na naman ako sa parking lot ngunit bigo pa rin akong pumunta sa karinderya dahil tulad ng mga una kong subok...hindi ko pa rin siya nagawang maka-usap man lang.

Sa paglipas ng ilan pang mga linggo ay nanatili pa rin akong umasa na baka maka-usap ko na siya kahit saglit lang. Pero mukhang ayaw talaga nang tadhana na muli kaming magtagpo.

Bukas ay kaarawan na niya at kaarawan ko rin. Pumasok ako sa room namin kaya lang ay wala pa ang iba kong mga kaklase.

Ilang sandali lang ang lumipas ay unti unti na rin silang nagsidatingan. Agad na nag usap usap sila tungkol sa isusuot nila bukas. Liliban muna ako sa pagpunta sa farm nila dahil gusto kong maka-usap siya.

Napangiti na lang ako ng palihim dahil halata ang galak sa mga boses nila habang nag-uusap sa mga regalong binili nila para kay Khairo.

Inisip kong kahit ngayon lang ay kalimutan ko na muna ang mga problema ko lalo na't noong mga nakaraang araw ay hindi ako maayos na nakaka-usap nila Carl at Venice.

Todo effort sila para lang pasayahin ako kaya naman babawi ako sa kanila. Pagdating pa lang ni Venice ay matamis na akong ngumiti sa kaniya tuloy ay nangunot ang noo niya senyales ng pagkalito sa ipinapakita kong reaksyon.

Si Carl naman ay ngumiti lang rin dahil mukhang alam niyang balik na ako sa dati. Sa dating ako na ngumingiti kahit na may problema.

Ang pagkakaroon ng kaibigan ang pinakagusto ko.Dahil yung mga tunay na kaibigan ay handang mag stay sa tabi mo kahit na ano pa man ang mangyari. Handa ka nilang ipagtanggol. Handa ka nilang suportahan. Handa ka nilang tulungan. Handa silang makinig sayo kahit na hindi ito magawa ng ibang tao. Yung mga kaibigan kasi natin ang katulong natin para magpatuloy lang.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now