Kabanata 10

18 1 0
                                    

Natatawa ako sa isip ko dahil mukhang hindi mapakali si Kenji habang kinukuha niya ang mga kailangan ko. Pano ba naman kasi ay kanina pa nakatingin ng masama sa kaniya si Khairo na nakatayo sa isang gilid. Kumapit siya sakin saka bumulong.

"Ang gwapo 'teh...pero para naman niya akong papatayin sa tingin niya. Ang sungi---" hindi na niya natatapos ang sinasabi niya dahil agad na lumapit sa gawi namin si Khairo saka ako hinapit sa bewang. Nagulat ako sa ginawa niya at ganun din si Kenji na ngayon ay lumayo na sakin.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit nito kaya naman ay hinayaan ko na lang siya. Kinuha ko ang mga pinamili ko saka ko binayaran. Nanunukso namang napatingin sakin si Kenji saka siya nagbaba ng tingin sa bewang kong hapit hapit pa rin ni Khairo. Nang tignan siya ni Khairo ay nagseryoso naman agad ito. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"What?" pinigilan ko na lang na muling matawa dahil sa mariin na tingin sakin ni Khairo. Umigting rin ang panga niya saka sinamaan ng tingin ang nangingiti na ngayong si Kenji. Hindi pa man ako nakakapagpa-alam ay agad na akong napasunod kay Khairo sa paglalakad.

Natatawa pa rin ako kahit na nakapasok na kami sa kotse niya. Hindi kasi bagay ni Kenji na umarteng parang lalaki...ngayon ko lang siya nakitang ganun kung umakto.

"What's so funny?" hindi ko siya sinagot at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas. Napatingin lang akong muli sa kaniya ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin niya pinapaandar ang kotse niya. "You're happy seeing him..aren't you?" napakagat labi ako sa naging tanong niya.

"No...parang araw araw ko nga yatang nakikita siya eh" mas lalong nangunot lang ang noo niya matapos marinig ang sinabi ko.

"Mukha kang masaya eh..tsk" hinayaan ko na lang siya sa kung ano man ang nasa isip niya. Sinabi kong sa karinderya niya ako hinatid at wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya.

Pagkatapos naming makarating sa karinderya ay agad na akong bumaba sa kotse niya. Hinintay ko rin siya para naman makapagpasalamat ako at magbigay ng perang bayad ng gas niya. Nang makita niya ang perang iniaabot ko sa kaniya ay napakunot lang ang noo niya.

"Bayad ko sa gas mo...at salamat sa paghahatid sakin" hindi niya yun tinanggap at inismiran lang ako.

"I don't need your money" pagkatapos ay naglakad siya papasok sa karinderya. Agad siyang binati ni aling Nenita at ng makita niya akong nakasunod kay Khairo ay nginitian niya ako. Binigyan niya ng mauupuan si Khairo samantalang nagsimula naman na ako sa pagtratrabaho.

Medyo hiningal ako sa paglalakad papunta roo't parito. Nagulat na lang ako ng bigyan ako ng bottled water ni Khairo kaya ininom ko na lang yun dahil naiinom na rin ako. Nagulat rin ako nang si Khairo na ang nagtuloy sa ginagawa ko. Hinatid niya ako sa pinag-upuan niya kanina pagkatapos ay pina-upo niya ako doon.

Halatang hindi siya marunong pero nagpatuloy pa rin siya. Minsan pa nga ay naiinip na ang iba dahil sa tagal niya. Sa tuwing magtatangka naman akong tulungan siya ay pinipigilan naman niya ako kaya ang ginagawa ko na lang ay ang panoorin siyang seryosong seryoso sa ginagawa niya.

"May pawis ka" inilapit lang nito sakin yung mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Ilang saglit lang ay iminuwestra niyang punasan ko kaya naman ginawa ko. Nakatingin lang siya sakin ngayon at nahuli kong nangingiti siya tuloy ay nakaramdam ako ng hiya. Ilang saglit lang ay natpos na siya kaya naman lumabas na kami.

Sinabi ko sa kaniyang huwag na akong ihatid ay kaya lang parang wala naman siyang narinig. Pinatuloy ko na muna siya sa loob ng bahay dahil halata namang napagod siya sa ginawa niya.

"Gusto mo na bang kumain?" he just nodded kaya naman agad na akong nagluto.

Nakita ko siyang gumagala lang at huminto para tingnan ang picture frame na meron ang mukha ko noong bata pa lang ako. Nakabungisngis ako doon at may hawak pang lollipop. Isinunod naman niyang tinignan ang picture ko naman na umiiyak. Naaalala kong ang picture kong iyon ay nakuha noong sinabi nila saking hindi daw totoo si Santa kaya naman grabe ang iyak ko noon.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon