Kabanata 20

20 2 0
                                    

Linggo ngayon pero hindi ko magawang bumangon mula sa pagkakahiga para sana makapag-ayos na upang magtungo sa simbahan.

Mabigat ang pakiramdam ko at gayundin ang talukap ng mga mata ko. Ayokong bumangon mula sa pagkakahiga dahil wala akong lakas para gawin pa iyon.

Nang mapansin kong alas dyes na ng umaga ay saka lang ako nagdesisyong tumayo na upang makakain na ng umagahan.

Nagluto na muna ako ng noodles at ng matapos na ako sa pagluluto ay kumain naman na ako.

Naghuhugas na ako ng pinagkainan ko ng may marinig akong kumakatok sa pinto. Dali dali akong nagpunas ng kamay sa pag-aakalang si Khairo ang bubungad sakin ngunit nabigo lang ako.

"Hija...pasensiya na pero kailangan ko na talaga yung pera" nahihiya akong napayuko dahil alam kong wala pa akong sapat na pera para mabayaran ko ang utang ni tita.

"Pasensiya na po pero hindi pa po sapat yung pera ko para mabayaran kayo"

"Pwede mo namang ipambayad na lang itong bahay ninyo at kapag may ipon ka na...pwede mong bayaran yung natira pa"

Alam kong gustuhin ko mang tumanggi ngunit wala naman akong pwedeng ipambayad kundi ang bahay na meron lang talaga ako ngayon.

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Hindi naman niya ako minamadali sa pag-alis sa bahay pero ngayon pa lang ay prinoproblema ko na ang malilipatan ko.

Wala akong kamag-anak na pwedeng lapitan. Kung meron man ay nahihiya naman akong humingi ng tulong sa kanila. Hindi lang naman ang utang ang iniisip ko ngayon kundi maski na rin ang pagkukuhanan ko ng pambayad ko ng tuition fee ko sa University.

Kailangan ko na yatang huminto sa pag-aaral.

Buong hapon ay nasa bahay lang ako. Nilinis ko ang buong bahay. Nilagay ko na rin sa maleta ko ang mga gamit na dadalhin ko. Siguro maghahanap na rin ako ng maliit na bahay na mura lang ang rentang pwede kong bayaran.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil nanumbalik ang mga ala-alang meron sa bahay na ito kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Wala na talaga.

Wala na talaga akong magagawa. Gustuhin ko mang hindi ipambayad ang baahy ngunit wala naman akong mapagkukunan ng ganong kalaking halaga para lang mabayaran ang utang.

Tahimik lang akong naka-upo sa isang tabi habang patuloy ang pag-iyak. Kailangan ko ng kasama ngayon....walang wala na ako. Maski ako ay na-aawa na rin sa sarili ko.

Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin ako matigil tigil sa pag-iyak. Bukas siguro ay sisimulan ko nang kunin ang mga requirements ko sa school para maka-transfer na ako.

Panay ang mga bulungang naririnig ko pagkapasok ko kinabukasan. Wala ako sa mood para pagtuunan pa sila ng pansin. Hanggang ngayon kasi e masakit pa rin ang pakiramdam ko.

"Nakita kong pina-alis siya ni Pres nung Sabado"

"Buti nga sa kaniya...hindi naman invited pero pumunta pa rin"

"Akala ko nga talaga totoong nililigawan siya ni Pres..muntik na akong maniwala"

"Siya? liligawan ni Pres? in her dreams. Ewww"

"Ang sweet nga ni Pres at Stacey nung Sabado e"

Umakto na lang ako na hindi sila naririnig kahit na ang totoo ay sobrang linaw sa pandinig ko lahat ng sinasabi nila.

Nangyari na e...hindi ko na mababawi pa. Siguro sa ngayon masasaktan talaga ako pero alam kong pagdating ng panahon...mawawala rin ito.

Gusto kong pagaanin ang pakiramdam ko pero mas bumibigat lang dahil sa mga naiisip ko. I want to be happy. I wish I could be happy sincerely.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon