Kabanata 12

22 1 0
                                    

Magaan ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan kahit na ilang oras lang akong nakatulog.

Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto. Nang hindi ko pa yun binubuksan ay sunod sunod na ang ginawang pagkatok ng kung sino man.

"Good morning" dali dali kong tinalikuran si Khairo na siyang agad na bumungad pagkabukas ko pa lang ng pinto.

Tumakbo ako papasok sa CR dahil alam ko namang magulo pa ang buhok ko dahil bagong gising lamang ako. Nagmadali ako sa pag-aayos. Naligo na rin muna ako at hindi ko alam kung ilang minuto nang naghihintay sa'kin si Khairo.

Nang masigurong ayos na ang lahat ay saka na ako lumabas. Prente lang siyang naka-upo ngayon sa sofa at napatingin lang sakin nang lumabas na ako.

Hindi ko na kailangan pang lumapit sa kaniya dahil siya na ang kusang lumapit sakin. Hinapit na naman niya ako saka niya ako hinalikan sa noo. Napapikit ako ng mata sa pagdampi ng malambot niyang labi sa noo ko.

"You prepared for me, huh?" may ngiti sa labi niya matapos niyang sabihin yun. Ramdam ko naman ang pamumula ko...masyado ba akong obvious?

"Mom prepared this for us" ipinakita niya ang hawak niyang tupperware na may lamang pagkain.

Naguguluhan ako. Bakit kailangang magbigay ng pagkain ng mama niya? Hindi ako sigurado kung na-meet ko na ba ang mama niya dahil tanging ang papa lang niya ang nakikita ko sa farm. Ang alam ko kasi ay busy naman ang mama niya sa business nila sa Manila at ngayon lang siguro naka-uwi.

Iginiya niya ako sa may kusina saka niya ako pina-upo sa dati kong pwesto samantalang siya naman ay na-upo sa tabi ko.

Nangingiti siya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Nagtataka tuloy ako.

"My Mom wants to meet you" nabulunan naman ako sa kinakain ko nang dahil sa sinabi niya. "Careful" masama ko siyang tinignan dahil parang balewala lang sa kaniya ang sinabi niya.

"Pinagloloko mo ba ako?" nakangiti siyang umiling. Seriously?

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ngunit hindi ko na nagawa pa. Parang wala akong lakas na magtanong sa kaniya dahil sa kaba ko.

Ramdam niya ata ang pagka-ilang ko kaya mas lalo lang siyang napangiti. Wala sa isip ko ang i-meet ang mommy niya dahil alam ko namang imposible yung mangyari pero ngayong siya na ang mismong nagsabi ay kinabahan lang ako.

Sabay kaming pumasok at tulad ng dati ay pinagtitinginan lang kami. Pa'no ba naman kasi ay hindi lang ang gamit ko ang hawak niya kundi pati na rin ang kamay ko.

May grupo ng lalaking lalapit na sana sakin ngunit nang makita sila ni Khairo ay sinamaan niya ang mga ito ng tingin kaya nagmadali sila sa pag-alis. Nang mapahinto ako sa paglalakad ay napatingin na siya sakin.

"What?" inginuso ko ang mga lalaking nakalayo na sa'min. Kumunot naman ang noo niya saka nagkibit balikat. Natawa pa siya nang makita ang sama ng tinging iginawad ko sa kaniya.

Nagsimula muli kami sa paglalakad at ng makarating kami sa room ay agad na rin siyang umalis dahil maaga ang first class nila ngayon.

"Ano yun? may something talaga sa inyo eh" pang aasar sa'kin ng kararating lang na si Venice matapos niyang makita ang kalalabas lang rin na si Khairo. "Kinikilig ka noh? sabihin mong hindi" natawa ako sa ekspresyon niya, mukhang hindi bagay sa kaniya kapag nagseryoso siya.

Hindi siya tumigil sa pangungulit sakin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magkwento nga.

"May gusto siya sayo girl...yung mga ganyang galawan na binabakuran ka na agad. Confirm na may gusto nga" ayokong maniwala sa kaniya pero bakit nga naman ba ganun na lang ang mga ipinapakita sakin ni Khairo?may gusto ba talaga siya sa'kin?

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu