Kabanata 9

16 2 0
                                    

Hingal na hingal ako matapos kong makarating sa bahay. Tulala lang ako kahit na nung patulog na ako. Iniisip ko pa rin kung bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito. Iniisip ko kung bakit sa dami ng tao ay sakin pa binigay ang mga ganitong pagsubok.

Hindi ko na alam ang gagawin ko...hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Kasisimula pa lang nga ng laban...natalo na agad ako.

Pumasok akong wala sa sarili. Wala na akong nararamdamang sakit dahil parang namanhid na yata ako.

Iniwan ako ng mga mahal ko sa buhay dahil siguro alam nilang ganito ang mararanasan nila kapag kasama nila ako. Parang ako ang magbibigay ng malas sa iba---na kapag ako ang kasama tiyak na problema lang ang dala ko sa kanila.

Pumasok ako sa room at napansin kong hindi pamilyar ang mukha ng katabi ko. Baka siya na ang sinasabi nilang transferee? Na-upo na ako at pansin kong mukha naman siyang mabait dahil pagkakita pa lang sakin ay nakangiti na siya.

"Hi!! I'm Venice Montez" iniabot niya sakin yung kamay niya na para bang gusto niyang makipag shake hands kaya ginawa ko ang gusto niya. "Bago lang ako kaya hindi ko pa masyadong alam ang mga pasikot sikot dito sa school..pwede ba kitang maging friend?" I nodded immediately dahil ngayon lang yata may babaeng gustong makipagkaibigan sakin.

Nagkwentuhan lang kami at masasabi kong madaldal siya. Maganda siya at simple lang rin. Ipinakilala siya ng guro namin sa lahat pero ang ibang kababaihan sa room ay napapa-irap lang ngunit tulad ko ay binalewala lang niya ito.

Galing siyang batangas pero dahil sa family business nila dito sa Isabela kaya nila naisipang lumipat at dito na nga siya mag-aral. Nakalimutan ko tuloy yung problema ko dahil sa mga kwento niyang nakakatawa.

Sabay kaming tatlo nila Carl na nagtungo sa cafeteria. Si Carl ang nagpresintang bumili ng pagkain namin. Dahil alam ko namang hindi niya kayang buhatin ang sa aming tatlo kaya sumama na lang ako sa kaniya habang si Venice naman ay ang naghanap ng mauupuan namin.

Habang nasa pila kami ay nakita ko namang nasa gilid ko si Stacey. May ngisi sa kaniyang labi na parang nang-iinsulto. Sasampalin na naman dapat niya ako ng bigla akong hinila ni Carl kung kaya't mas nagalit si Stacey nang hindi ako tamaan ng sampal niya.

Gusto ko sanang belatan siya kaya lang masama yun at baka mas lalo lang siyang magalit sa'kin. Inilayo ako ni Carl kay Stacey na ngayon ay nang-uuyam nang nakatingin sa'min.

"Babe!!" agad itong kumapit sa braso ni Khairo at hindi naman siya pinigilan nung isa. Pa'no niya pipigilan eh girlfriend niya 'yan..tsk.

Bumalik na lang kami sa ayos ni Carl saka nagpatuloy sa pagpili ng pagkain namin. Babayaran ko sana yung akin kaya lang ay libre na daw niya. Para pang welcome daw niya kay Venice kaya treat niya. Hindi na ako nakipagtalo pa lalo na't mukhang hindi siya matitinag. Isa pa...ang matitipid ko ay idadagdag ko na lang sa ipon ko.

Naupo kami sa upuang napili ni Venice. Magkatabi sila ngayon ni Carl kaya kitang kita ko kung panong napatigil sila sa pagkain pagkakita sa taong nasa likuran ko ngayon. Bago ko pa man ito malingon ay na-upo na ito sa upuang katabi ng akin.

Bigla na naman tuloy nanumbalik sakin lahat ng nangyari kagabi. Para akong nawalan ng gana pero pinilit ko pa ring kumain. Parang hindi naman makakain ng maayos si Carl dahil kaharap niya ngayon ang kasalukuyan ng kumakain na si Khairo.

Nilingon ko ang pinanggalingan ni Khairo kanina at nakita kong wala na doon si Stacey. Saan nagpunta yun? bakit samin siya sumasabay at hindi sa kaniya?

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain ganun din sila. Halatang naguguluhan si Venice sa mga pangyayari kung kaya't pagkatapos niya akong tignan ay saka naman siya tumitingin kay Khairo. Nang may maisip yata siya ay saka siya napatango tango sa sarili niya at may ngisi sa labing tumingin sakin.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now