Kabanata 19

19 2 0
                                    


Sumakay ako ng tricycle para makapunta sa mansiyon nila Khairo lalo na at may kalayuan ito mula sa bahay. Alas sais na rin kasi ng hapon at tiyak na nagsisimula na sila.

May mga kulog akong naririnig at mas kumulimlim rin ang mga ulap.

Malakas ang patugtog na galing sa loob ng mansyon. Kinakabahan ako pero hindi naman na ako pwede pang umatras.

Hindi pa man ako nakakapasok sa gate ng mansiyon ng hinarangan ako ng guard nila saka hinanapan ng invitation card.

Ang mga naunang pumasok ay may mga hawak na invitation card na kanilang ipinapakita sa mga guard na nakabantay.

Pumunta ako sa gilid dahil wala naman akong invitation card at sa katunayan...hindi rin talaga ako imbitadong pumunta rito.

Nakatingin ang karamihan sa kinaroroonan ko. Ang iba ay mga pamilyar na mukha dahil same university rin kami pumapasok.

Gusto ko sanang pumasok kaya lang ay nahihiya naman ako lalo na't wala naman akong maipapakitang invitation card sa kanila.

Maghihintay na lang ako o di kaya naman ay hihintayin ko na lang si Venice at siya na lang ang pakiki-usapan kong magbigay ng regalo ko kay Khairo.

Tatawagan ko sana siya kaya lang ay hindi ko naman dala sakin ngayon yung phone ko.

Nang may makita akong upuan sa gilid ay doon na lang ako na-upo habang buhat ko ang paper bag na may lamang regalo.

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi ko pa rin makita si Venice. Panay ang baling ko ng tingin sa mga dumarating ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. Pupunta ba siya? or nasa loob na?

Dapat ba bumalik na lang ako?

Napangiti ako ng mapait ng isang oras na ang lumipas ay wala pa rin akong maisip na paraan para kahit papaano ay ma-iabot ko man lang kay Khairo yung regalo ko para sa kaniya.

Hinintay ko pa ang ilang minuto at uuwi na sana ako ngunit nakita ako ni Ethan. Mabilis ang lakad niya patungo sa gawi ko saka napatingin sa dala kong paper bag.

"Ayesha...bakit di ka pa pumapasok?"

"Ahh..wala kasi akong ma-ipakitang invitation card. Pwede bang ikaw na lang magbigay ng regalo ko sa kaniya?" bumalik ang tingin niya sa paper bag na hawak ko saka muling ibinalik sakin ang tingin niya.

"Tara na...ako na ang bahala" hinawakan niya ako sa kamay saka ako marahang iginiya papunta sa gate ng mansiyon.

Hindi na kailangan pang ipakita ni Ethan yung invitation card niya dahil kilala naman na siya ng mga guard. Hindi na rin nila ako tinanong lalo na at nakita naman nilang kasama ako ni Ethan.

Pagkapasok pa lang namin ay kita ko na ang napaka-eleganteng ayos sa hardin nila samahan pa ng masiglang musika. Halatang mayaman ang magdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Nang makita ko na ang kabuuan ay mas lalo lang akong namangha. Nakakatulala lalo na at puro mayayaman ang mga bisita nila....ako lang ang hindi.

Hinanap siya ng mga mata ko ngunit hindi ko siya makita. Maingay na rin ang paligid.

Parang gusto kong itago ang regalo ko matapos makita ang mga mamahaling regalong nakalagay sa isang tabi. Ang mga brand na iyon ay kilala at alam kong sobrang mahal ng mga iyon.

Nahiya ako dahil sa paraan ng tingin nila sakin. Pakiramdam ko hindi ako dapat na narito.

Nasa likod ako ngayon ni Ethan samantalang siya naman ay nakikipag-usap sa bawat madaraanan niya. Lahat yata ay kilala niya.

Nagsimula na sa pagkain ang mga bisita samantalang nanatili lang ako sa gilid kahit na inaaya ako ni Ethan na manguha ng makakain.cMay tumawag sa kaniya kaya nagpa-alam siyang puntahan na muna iyon. Hinayaan ko siya dahil hindi naman niya responsibilidad na samahan pa ako hanggang sa matapos ang party.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now