Kabanata 3

29 2 0
                                    

Madilim na nang matapos ako sa paglilinis. Tahimik na rin ang paligid at tanging ang mga security guard na lang na nag-iikot ang mayroon.

Naglakad na lang ako at sa kabutihang palad ay nakakita naman ako ng tricycle upang masakyan papunta sa karinderya. Pansin kong dumami ang mga tao sa karinderya pagbaba ko pa lang sa tricycle.

"Oh...Ayesha, ba't nahuli ka yata ngayon?" napakamot na lang ako sa ulo ko at nahihiyang tumingin kay Aling Nenita. "Sige na...magsimula ka na at marami tayong customer ngayong gabi" dahil sa sinabing iyon ni Aling Nenita ay nagmadali na ako sa paglapag ng gamit ko sa gilid saka ako tuluyang tumulong na sa paghahatid ng mga pagkain. Masarap ang luto ni Aling Nenita kung kaya't siguro iyon ang dahilan kung bakit dumadami ang kumakain sa karinderya niya.

Inabot na ako ng alas dyes kung kaya naman nagpa-alam na ako. Kokonti naman na ang customer na naiwan kaya hindi na ako kailangan doon. Gustuhin ko mang sumakay muli ng tricycle ngunit wala na akong makita pa. Siguro natutulog na sila dahil gabing gabi na rin. Naglakad na lang ako at sa kamalasan ko ay umulan pa. Buti na lang at hindi masiyadong nababasa yung bag ko.

Tumakbo na lang ako at hingal na hingal nang makarating ako sa bahay. Agad akong naligo saka nilabhan yung damit ko pati na rin yung damit ko kaninang binato ako ng itlog.

Dahil madali lang naman yung mga assignments ko ay mabilis ko iyong natapos. Pinahanginan ko muna ng electric fan yung buhok ko para mabilis na matuyo. Pagpatay ko ng ilaw at pagdampi ng katawan ko sa kama ay saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod ng katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit parang mas nagustuhan ko pa ang kadiliman ng paligid. Hindi ko alam kung bakit sa dilim ay nakaramdam ako ng kapayapaan. Hindi ko alam kung bakit unti-unti ko nang nagugustuhang mapag-isa. Parang ayaw ko nang ganitong pakiramdam.

Alam kong darating rin ang araw na malalaman ko yung halaga ko at sa araw na iyon...makakapagsimula muli ako ng panibago. Nakakasawa rin kasing maging mahina----nakakasawang lagi na lang akong iniiwan.

Pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko pagkagising ko kinaumagahan. Sobrang sakit rin ng ulo ko at mukhang sinisipon pa yata ako. Tanga mo naman, Ayesha. Tsk.

Alam ko na ngang ma-ambunan lang ako ng kaunti eh talagang lalagnatin na ako, nakalimutan ko pa. Wala kasing nagpapa-alala sakin eh.

Walang magagalit.....walang magbibigay ng gamot at higit sa lahat...walang mag-aalaga.

Humihikab pa ako habang naglalakad papasok sa school. Bagsak ang balikat ko at tila pasan ko ang lahat ng problema ng mundo. Nagtataka ako nang mapansin kong mukhang wala nang estudyante sa paligid.

Papasok pa lang sana ako sa gate ng school nang mapansin ko ang bulto nang isang tao na nakasandal at parang bored na bored. Wait....nakasarado na ang gate which means late na ako.

WAIT!!LATE NA AKO? pagtingin ko sa relo ko ay saka ko lang napansing hindi na ito gumagana.

Shit...

Late na talaga ako...

Lagot na naman ako neto eh...

"You're late...to SSG office, now" nakalimutan kong siya pala yung President namin. Ano na naman ba itong nagawa ko? Another katangahan again.

"Baka naman pwedeng palagpasin muna 'to...please" nagpuppy eyes pa ako para sana maging effective ngunit kumunot lang noo niya. Hindi ba siya tinatablan ng cuteness ko?

"Follow me" wala na akong nagawa kundi ang sundan na lamang siya.

Tahimik ang paligid habang naglalakad kami. Tanging ang tunog lamang ng mga yapak namin ang maririnig dahil siguro nasa kani-kanilang klase na ang bawat estudyante.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now