Kabanata 11

19 1 0
                                    

Hindi niya iniwas ang tingin sakin at halatang naiinis pa rin siya sa sinabi ko.

"Let's eat"

"Opo, Kuya" pag-uulit ko at mukhang hindi na yata siya nakapagpigil at dali dali na siyang lumapit sakin saka niya ako hinapit palapit sa kaniya.

"Stop calling me that" umiling ako sa kaniya saka tatawagin ko na naman sana siyang kuya ng bigla na lang niya akong hinalikan. HINALIKAN NIYA AKO SA MISMONG LABI. Nakangiti siya ng makita ang reaksyon ko. "Oh...I now know how to shut you up" ngisi ngisi siyang bumalik sa may upuan saka niya ako nang-aasar na tinignan.

Pakiramdam ko sasabog na ako sa halo halong nararamdaman. Hindi ako makatingin sa kaniya habang kumakain kami. Pangiti ngiti siya at tila ba gustong gusto ang nakikita niyang reaksyon ko ngayon.

First kiss ko yun!!!!

Sabi ko noon ay saka ko lang ibibigay ang first kiss ko sa taong mamahalin ko na talaga panghabang buhay pero ninakaw niya lang. Masyado pa akong bata para magkaroon ng first kiss at biglaan rin ang pagkawala nun.

Hindi ko rin naman maitangging kinikilig ako..My ghad...Hinalikan ba talaga ako ni Khairo? hindi ba ako nananaginip lang? totoo ba talaga 'to?

"Huwag mo akong tawaging kuya dahil hahalikan na naman talaga kita" seryoso niyang sinabi iyon samantalang ako ay mas lalo lang namula sa sinabi niya. Nagpatuloy siya sa pagkain habang panay ang baling niya ng tingin sakin.

Natapos kaming kumain ng walang nagsasalita. Nakangisi lang niya akong pinagmamasdan habang masama naman ang iginagawad kong tingin sa kaniya. Nagulat siya ng bigla akong tumayo saka lumapit sa table niya.

"Ninakaw mo yung first kiss ko" umiyak pa ako habang manghang mangha naman siyang nakatingin lang sakin. "Para yun sa taong mamahalin ko panghabang buhay eh tapos kinuha mo lang" I pouted that's why amusement is very visible in his eyes. He walk towards my direction and suddenly he grabbed me and gave me a tight hug.

"Love me for the rest of your life, then" he whisphered calmly that makes my heart beats fast. Napatingala ako sa kaniya na kasalukuyan na ngayong hindi makatingin sakin. Pilit akong kumakalas sa yakap niya ngunit hindi niya ako pinayagan. Hinahanap ko ang mga mata niya at nang mapansin ang ginagawa ay bigla na lang niyang ibinaon sa leeg ko ang mukha niya.

Rinig na rinig ko ang malakas niyang paghinga. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nalilito ako sa mga ipinapakita niya. Bakit ganito na lang siya kung umakto?

Nanatili kaming ganon ang posisyon hanggang sa bumukas ang pintuan kung kaya't malakas ko siyang itinulak para mailayo ko siya sakin. Ngunit kahit na nagtagumpay akong itulak siya nakita pa rin kami ni Ethan sa ganung ayos. Nang-aasar siyang tumingin sa'kin saka ibabaling kay Khairo.

"DAMN YOU!!" agad na tumakbo papalayo si Ethan ng ambang susuntukin siya ni Khairo. Binalingan niya ako ng tingin kung kaya't pinigilan kong matawa dahil sa seryoso niyang tingin. Napangiti ako ng palihim ng guluhin niya ang buhok niya saka kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Nang makita ang ginawa niya ay napakagat rin ako sa sariling labi. "Don't do that or I'll kiss you again" umayos naman ako dahil sa takot na baka totohanin nga niya. "Come here" imbes na sundin siya ay umatras ako. "Aish...I said come here" nang makita niyang hindi ko siya sinusunod ay siya na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko.

Hinapit niya ako sa bewang saka na naman niya ako hinila palapit sa kaniya. Ang level ng paningin ko ay nasa dibdib niya..edi siya na ang matangkad. Nang mapansin ko ang seryoso niyang tingin sa'kin ay mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko. "Don't entertain other man aside from me, got it?" hindi ko alam pero napatango na lang ako na siyang dahilan ng pagngiti niya. "Good" ginulo niya ang buhok ko saka niya ako hinila palapit sa sofa.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now