Kabanata 4

27 2 0
                                    

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya dumadating.

Kahit na walang kasiguraduhan kung darating pa ba siya ay nagbakasakali pa rin ako. Baka kasi mamaya nandyan na siya tapos hindi naman niya ako makita.

Isang oras at mahigit na rin ang lumipas ngunit wala pa siya.

Babalikan pa kaya niya ako?

Nararamdaman ko na rin ang patak ng ulan at maya-maya lang ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagtulo rin ng mga luha ko. Sino ka ba Ayesha para balikan niya? Mas mahalaga sa kaniya si Stacey kaya hindi ka na niya babalikan pa. Mas lalo lang akong nakaramdam ng sakit dahil sa naisip ko.

Pero kasi naniniwala ako sa kaniya eh. Sabi niya babalikan niya ako.

Mapait na lang akong napangiti saka na tuluyang nagdesisyong umuwi na. Malakas na ang ulan at basang basa na rin ako. Naghanap ako ng masasakyan at buti na lang may nakita naman ako. Sa bahay na lang ako dumeretsyo at hindi na sa karinderya. Mukhang hindi ko rin kasi kayang magtrabaho ngayon.

Basang basa ako pagkapasok ko ng bahay. Agad akong kumuha ng pamalit saka na ako naligo.

Hinang hina ang pakiramdam ko. Para akong sumabak sa isang kompetisyon at sa kasamaang palad ay natalo ako.

Pumunta akong kusina para makapagluto nang makakain ko. Mahaba naman ang pahinga ko bukas lalo na't wala namang pasok.

Kumuha lang ako ng noodles dahil iyon lang ang tanging meron. Bukas siguro ay mag-grogrocery na lang ako. Hindi ko pa alam kung pupunta ako bukas sa farm nila Khairo o baka pupunta na lang ako kay Dr. Ramirez.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko ay dumeretsyo na ako sa kama para matulog na.

Ang katahimikan ay nagbigay sakin ng kapayapaan. Sa bawat patak ng ulan ay ang pag-iisip ko nang mga katanungang...pano kung hindi ko siya hinintay?baka hindi ako na-ulanan. Paano kung binalikan nga niya ako? pero imposible dahil alam ko namang mas mahalaga sa kaniya si Stacey.

Hindi naman ako umaasang magustuhan ako ni Khairo...ang gusto ko lang ay mapansin niya ako sa kung sino ako...matanggap niya ako kahit ano pa man ang maging kalagayan ko sa buhay.

Paggising ko kina-umagahan ay agad na akong nagbihis para pumunta sa farm. Medyo okay naman na ang pakiramdaman ko eh kaya makakapagtrabaho na ako. Nang masiguro kong patay na ang nga ilaw at wala nang nakasaksak ay lumabas na ako ng bahay saka ko ito ni-lock.

Sumakay ako ng tricycle at inabot rin ng kalahating oras bago ako makarating sa farm. Pagdating doon ay agad kong binati si Mang Mario na kasalukuyan ngayong may hawak hawak na basket na puno ng mga manggang pwede nang ipahinog.

Nakita ko rin si Xandro na kasalukuyan naman ngayong namimitas ng mangga. Si Xandro ang anak ni Mang Mario. Si Xandro rin ang tangi kong kaibigan dito na hindi nalalayo ang edad sakin.

"Sipag natin ngayon ah, mukhang maganda ata gising mo?" pabiro niya akong tinignan na para bang na-inis siya sa sinabi ko. Maya maya pa ay naglakad na siya palapit sakin saka niya sinimulang guluhin ang buhok ko.

"Syempre naman, maganda talaga gising ko ngayon dahil alam ko namang makikita kita" nahawa na lang rin ako sa ngiti niya. Unang pasok ko pa lang dito sa farm ay siya na agad ang una kong naging kaibigan.

Masaya siyang kasama at puro lang kalokohan ang nasa isip niya. Ang buong akala ko ay magiging awkward ang magiging tungo namin sa isa't isa mula nung umamin siya sakin ngunit mali pala ako. Hindi pa rin nababago ang pakikitungo niya sakin kahit na sinabi kong hindi pa ako handang pumasok sa anumang relasyon lalo na't bata pa ako at mas madami pang mga importanteng bagay ang dapat kong gawin.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now