Kabanata 8

15 2 0
                                    


Nagising ako dahil parang hindi ako makahinga. Hingal na hingal ako at para akong tumakbo ng napakalayo. Medyo sumasakit rin ang ulo ko ngunit hindi ko na ininda iyon. Agad na lang akong bumangon mula sa pagkakahiga at ginawa na ang mga dapat kong gawin. Nakita kong malapit na akong ma-late kung kaya't hindi na lang ako kumain.

Nang makarating ako sa school ay may twenty minutes pa naman bago ang first class ko kaya naman dali dali akong naglakad patungong cafeteria. Pagkabili ko ng pagkain ay agad akong naghanap ng mauupuan at sa kabutihang palad ay nakita ko si Carl na kumakaway sa'kin na tulad ko ay ngayon rin yata kakain ng agahan. Katabi rin niya si Drake na kasalukuyan namang seryoso sa pagbabasa ng hawak hawak niyang papel.

Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila. Pag-upo ko ay saka lang nag-angat ng tingin sa'kin si Drake. Mukhang nagulat ko yata siya sa presensiya ko dahil napatigil siya sa ginagawa niya. Nginitian ko na lang siya.

"Ayesha...ayos ka na ba? nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Sorry wala ako pinatawag kasi ako para i-finalize yung output na pinasa ko. Sorry talaga" sinimangutan ko siya dahil hindi naman niya kailangang mag-sorry. Wala naman siyang kasalanan eh.

"Naku..sana pala nandun ka para ikaw ang sumuntok kay Khairo..sayang" dahil sa narinig niya mula sa'kin ay mukhang kinabahan siya. Napatawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya. "Ito naman...biro lang" napabuntong hininga siya na tila ba may nawalang tinik na nakabaon sa kaniya.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang si Drake naman ay seryoso muli sa pagbabasa. Dahil five minutes na lang bago ang first class namin ay nagdesisyon na kaming pumasok na. Sa exit ng cafeteria ay nakasalubong namin si Khairo pero umarte na lang akong hindi siya nakita kahit na binati siya ng dalawa kong kasama.

Humiwalay samin si Drake dahil sa ibang building ang klase nila ngayon.

"Kilala mo ba kung sino yung transferee?" napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman alam na may transferee pala. "Classmate daw natin ngayon" napa-isip naman ako sa sinabi niya. Sana lang ay iba ang ugali nung transferee para wala nang dadagdag pa sa may galit sakin.

"Ms. Lopez..are you listening?" napabalik ako sa wisyo nang nasa harapan ko na pala yung teacher namin. Istrikto pa naman to at ang pinaka-ayaw nito ay ang mga estudyanteng hindi nakikinig sa klase niya.

Kaba ang nararamdaman ko sa loob ng Dean's office. Wala si Dean pero si Khairo naman ang kaharap ko ngayon. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin samatalang sa iba naman ako nakatingin. Parang bigla na lang kasing bumalik yung sakit na naramdaman ko kahapon ng dahil sa kaniya.

"Why are you here again, Ms. Lopez? it says here that your not listening to your class? is it true?" nahihiya mang umamin ay tumango na lang ako na siyang naging dahilan ng lalong pagkunot ng noo niya. "Hindi ka rin umattend ng class mo kahapon and then here you are again..." para bang sawang sawa na siyang lagi akong nakikita. Kahapon ay excuse naman ako pero hinayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niyang sabihin.

As a result ng pagpapatawag sakin sa office...magsisilbi akong assistant ng President namin bilang punishment ko. Padabog akong naglalakad pabalik sa room dahil sa parusang yun. Wala na bang iba diyan? kahit na maglinis na lang ng CR or magcommunity service na lang basta huwag lang sana yan. Kung kailan naman umiiwas na ako saka naman kami paglalapitin.

Pinaglalaruan mo ba talaga ako tadhana?

Agad na lumapit sa tabi ko si Carl pagka-upo ko pa lang. Lalo lang akong kinakabahan dahil sa parusang yun. May iba pa namang students na willing maging assistant niya pero ba't kailangang ako pa?

Inaamin kong gusto kong makasama si Khairo noon...pero noon yun. Sinusubukan ko na siyang iwasan ngayon pero ganito pa ang nangyari.

Hindi ako maka-usap ng matino ni Carl dahil nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ako lumabas ng room nang dumating na ang lunch time. Parang tinamad ako bigla. Gusto ko na lang ma-upo.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now