Kabanata 2

25 2 0
                                    

Mga mapanghusgang mga mata ang sumalubong sakin sa pagpasok. Hindi na nahiya ang iba pa na manghusga gayong nakikita at naririnig ko naman sila.

Hanggang ngayon ay usap usapan pa rin ang nangyari sakin kahapon. Baka nga tumagal pa ng ilang linggo bago tuluyang mawala o kung mawala man ay siguradong iba namang panghuhusga ang maririnig ko sa kanila.

Binalewala ko na lang sila at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Buti may gana pa 'yang magpakita"

"Kung ako sa kaniya hindi na lang ako papasok"

"Desperada masyado"

Pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan. That's how my life here in school goes on.

Nang makita ko si Khairo ay agad akong lumapit sa kaniya kahit na kasabay niya sa paglalakad si Stacey.

"Ahmm...Khairo, sorry talaga sa nangyari kahapon. Nang dahil sakin natapon tuloy yung pagkain mo" hindi niya ako pinansin pero nagpatuloy pa rin ako. "Hindi ko man yun sinasadya pero alam kong kasalanan ko rin yun kaya pasensiya na talaga"

"Hey..get lost bitch"

"Pero--gusto ko kasing humingi ng tawad kay Khairo" tuluyan kong nakuha ang atensyon ni Stacey kaya ngayon ay tuluyan na siyang huminto para harapin ako. "Hihingi lang talaga ako ng tawad tapos aalis na rin ako"

"Then umalis ka na. Nakahingi ka na ng tawad, diba?" bago pa tuluyang magalit sakin si Stacey ay nag-iba na ako ng daang tinahak.

Hindi ko alam kung totoo bang girlfriend siya ni Khairo tulad ng usap-usapan. Hindi naman sila madalas magkasama at parang si Stacey lang ang nakaka-alam na girlfriend siya ni Khairo.

"Ayesha!!" napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa pinanggalingan ng kung sino man na tumawag sakin. "May...may ibibigay sana ako sayo. Utos kasi ni Mr. Gomez na sayo ko raw ibigay 'to" hindi ko siya kilala kaya sa hawak na lang niyang papel ako tumingin.

"Kahapon ko pa sana 'yan ibibigay sayo kaya lang hindi kita mahanap" napakamot kamot pa siya sa batok niya na parang nahihiya.

"Thank you" tinanggap ko yon at tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong pinigilan.

"Ahh...ako nga pala si Drake" nakalahad ang kamay niya kaya tinaggap ko na lang yun. Mukha naman siyang mabait. "Matagal na kitang kilala kaya lang nahihiya kasi akong lumapit sayo" napayuko pa siya na parang hiyang hiya talagang lumapit sakin. "Matagal na rin kitang gusto"

"Ah...hahaha" napakamot ako sa batok ko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. Hindi ito ang first time na may umamin sakin pero hindi pa rin kasi ako sanay. "Thank you" pati rin siya ay nakaramdan ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Ahmm...mauuna na ako...Baka ma-late na ako eh. Thanks ulit" hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil agad ko na siyang tinalikuran.

Pagkarating ko sa room ay hindi ko na makita ang upuan ko. Hindi naman siguro magic na bigla na lang mawawala ang upuan ko o di kaya naman ay tinago ng multo.

Hindi na ako magtataka kung isa sa mga kaklase ko ang nagtago nun.

"Oh...wala kang upuan?kawawa ka naman...hmm..baka tinago ng multo. HAHAHA" napakagat labi na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sure naman ako na siya ang may gawa nun eh. Isa rin kasi siya sa nagkakagusto kay Khairo. "Ang mabuti pa huwag ka nang magpapansin kay Khairo dahil kailanman hindi ka niya magugustuhan. Mayaman siya samantalang mas mahirap ka pa sa daga. At isa pa, may Stacey na siya kaya gumising ka na at tumigil sa pangangarap mo" bagsak balikat akong lumabas ng room para kunin ang upuan ko sa school ground. Hindi rin ito ang unang beses na tinago nila ang upuan ko at nilagay sa pinaka gitna mismo ng school ground.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now