Kabanata 24

22 2 0
                                    

Kinapa ko ang bulsa upang kunin sana ang panyo para pampunas ng pawis ko ngunit wala akong makapa. Ilang saglit lang ay na-alala kong ipinambalot ko pala yun. Wala naman akong ibang pamunas. Wala ring tissue ngayon dito at nahihiya naman akong lumabas para kukuha nun lalo na't pinapanood pa rin ako ni Mr. Buenaventura.

Tinitignan ba niya kung tama ang ginagawa ko? O baka naman iniisip niyang puro pag-upo lang ang ginawa ko?

Nagpapatuloy na lang ako sa ginagawa at ipinagsawalang bahala ang presensiya niya. Bantay sarado yata ako ngayon! 

Naiinis na ako sa sarili ko dahil bahing lang ako ng bahing. Nahihilo rin ako at kumikirot ang sugat sa kamay ko. Bakit ang malas ko?

Bumahing pa akong muli kaya naman nahihiyang tumingin ako kay Mr. Buenaventura na ngayon ay salubong ang kilay. Tila ba mali para sa kaniya ang ginagawa kong paglilinis.

Nawala sa'kin ang atensyon niya nang lumayo siya para sagutin ang kung sinumang tumatawag sa kaniya. Mahina ang boses niya at tila ba kay lambing. Ngunit nalungkot lang muli ako ng malamang si Stacey ang kausap niya sa kabilang linya. Sa rahan at lambing ng tono ng boses niya ay para siyang sumusuyo.

Ngayon ay bumalik muli ang pagkainggit ko kay Stacey. Ang swerte niya. Ang swerte swerte niya. Maganda siya, mayaman at mahal rin siya ng taong mahal ko.

Nawala na sa paningin ko si Mr. Buenaventura ngunit ang pait ay nanatili naman.

Mas dumoble ang hilong nararamdaman ko kaya naman nagdesisyon akong pumunta na muna sa comfort room.

Narinig kong pumunta sa meeting si Mr. Buenavetura kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang magbabantay sa'kin. Kapag nasa malapit lang kasi siya ay tila kay hirap huminga.

Pagkarating ko sa comfort room ay naghilamos na muna ako. Ngunit laking gulat ko nang may biglang manghablot ng buhok ko.

"Malandi ka pa rin. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam kung saan ka lang dapat!" napahawak ako sa pisngi ko dahil sa malakas na natamo ko galing kay Stacey. Nanlabo ang paningin ko at ang gusto ko na lang gawin ngayon ay umiyak ng umiyak. Hindi ako nanlaban sa kaniya. Hinayaan ko lang siyang sampalin at sabunutan ako. Gusto kong humingi ng tulong ngunit wala namang ibang tao rito bukod saming dalawa.

Magkabilang sampal pa ang ginawa niya saka ako tuluyang pinakawalan. Nang maka-alis siya ay napaupo na lang ako. Tahimik akong umiyak. Ayokong may ibang makarinig sa pagtangis ko. Ayokong kaawaan ako.

Imayos ko ang magulo kong buhok. Pinagpatuloy ko rin ang paghilamos. Agad kong hinanap si Ms. Joan para magpa-alam. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya agad.

"Anong nangyari? Umiyak ka ba? Bakit namumula ang pisngi at mga mata mo?" sunod sunod ang mga tanong niya ngumit ni isa ay wala akong sinagot.

"Ma'am, pwede po bang umuwi na muna ako? Bukas ko na lang po tatapusin 'yung trabaho ko. Kahit halfday na lang po muna ako ngayon"

Tumango siya kung kaya naman ay nagpa-alam na akong mauuna na. Kinuha ko ang mga gamit ko saka tuluyan ng umalis.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang ay makalayo. Pakiramdam ko hindi ako safe. Pakiramdam ko may gustong manakit sa'kin anumang oras.

Isang malakas na busina ang huli kong narinig bago nawalan ng malay.

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko. Parang ilang porsyento ng lakas ko ang nawala sa'kin. Dahil sa pamilyar na paligid ay alam ko na agad kung nasaan ako.

Dahil yata sa paggalaw ko ay nagising si Carl na nakatulog sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata niya matapos akong makitang nakatingin sa kaniya. Napangiti ako dahil tila ilang beses siyang kumurap kurap na tila ba hindi siya makapaniwala.
"Gising ka na"

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now