Simula

84 5 0
                                    

Disclaimer: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

   

Pinapanood ko kung paanong saya ang pinapakita ng kaniyang mga mata habang hinihintay ang pagpasok ng kaniyang mapapangasawa.

Masaya dapat ako eh dahil sa wakas makakasama na niya panghabang buhay yung taong mahal na mahal niya.

Hindi dapat ako umiyak dahil sa sakit.

Hindi ko alam kung paano kong napigilan sa pagtulo ang mga luha ko gayong nanghihina na ako.

Yung taong mahal na mahal ko ay ikakasal na at isa ako sa mga naging saksi ng kanilang pag-iisang dibdib.

'Yan ang lagi kong napapanaginipan. Na tila ba pinapa-intindi sakin ng tadhana na hindi kami pwede..na sa panaginip nga iba ang mahal niya sa realidad pa kaya.

***

Ayos lang masaktan pag nagmahal dahil parte naman talaga yan.

Ayos lang lumuha hindi dahil sa tuwa ngunit dahil sa sakit na nadarama.

Ayos lang ngumiti ng pilit para masabing masaya ka kahit hindi.

Ngunit....maling ipilit ang sarili sa taong di ka mahal.

Mahirap umasa lalo na kung nung una pa lang wala naman na talagang pag-asa.

Mahirap magmahal ng taong may ibang mahal.

Mahirap....sobrang hirap dahil wala namang nakaka-alam.

Yung pakiramdam na pilit mong pinipigilan pero di mo kaya.

Yung pakiramdam na akala mo malakas ka pero di naman pala.

Yung pakiramdam na bigla na lang naglaho yung liwanag sa buhay mo nung sinubukan mong kalimutan siya.

Kalimutan siya..

Simple lang naman yan eh...tanggalin mo lang siya sa sistema mo at baka sumaya ka na.

Huwag kang maging selfish...hayaan mo siyang magmahal at sumaya sa piling ng iba.

Kasi simula pa lang ng laro, talo ka na.

At ang puso mong nakataya...durog na durog na.

You must keep your pain.

You must forget everything and move forward.

Life goes on without him, so better live your life without him.

But no one knows that you are Secretly in Pain.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon