EPILOGUE

19.5K 211 25
                                    

EPILOGUE

Megan's POV

“Handa ka na ba talaga?” tanong sa akin ni Drakov ngayon.

Nagpag-usapan na kasi namin ni Drakov na simula ngayon ay ipapakilala na niya ako sa public bilang asawa niya. Sa katunayan kasi ay nilihim namin pareho na kasal kami dahil ’yon sa paki-usap ko sa kaniya dati.

Yes! Kasal kami ni Drakov three years ago. Walang nakakaalam nito bukod kay Vouge. Isang secret wedding lang naman ang ginawa namin. Pero this time, Drakov asked me if handa na ba raw ako na ipakilala niya bilang asawa in public.

“Oo naman. Matagal na akong handa,” sagot ko naman sa kaniya.

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“I know. if ipapakilala na kita bilang asawa ko sa kanila. Jack will see and find you pero bilang asawa mo, handa akong protektahan ka laban sa kaniya,” marahang sabi nito sa akin.

Napangiti na lang ako sa kaniya.

“Hindi mo na ’yan dapat sabihin sa akin. Alam ko na proprotektahan mo ako laban sa kanila. Pero, ngayong kaya ko na silang labanan. Alam kong nariyan ka pa rin nakasuporta sa anumang gagawin ko,” sagot ko naman sa kaniya.

“I'm always on your side. Hangga't humihinga pa ako, palagi akong nasa tabi mo. I'm your husband. And my duty is to protect and serve you until my last breath,” sabi nito sa akin.

Sobrang natouch naman ako sa kaniyang sinabi. Noon ganito ang pangarap ko na maging asawa pero hindi nangyari dahil ang binigay sa akin ay isang mapanakit na asawa. Hindi lang physical na pananakit. Verbal, emotional at sexual abuse pa ang natanggap ko sa araw-araw na kasama ko siya.

I'm so happy dahil nakaligtas at nakatakas din ako sa sitwasyon ko noon. And then, God give me another chance and this time nasa tamang tao na ako. Drakov is the right man for me. I knew it! Mabuti na lang talaga dumating siya sa buhay ko. He gives me hope and a new beginning of my life.

Hindi ko tuloy napigilan ang mga luha ko. Kasi, I remember my past. Kung gaano ako karupok at bulag sa pagmamahal noon. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kaya pala ako nasaktan ng husto.

“Thank you for saving me and coming to my life,” sabi ko kay Drakov habang unti-unting naiiyak.

Remembering my past. It's very traumatic and suicidal. I can say, my life is living like hell. Sobra-sobra ang ginawa nila sa akin. Hindi lang si Jack ang nagpahirap sa akin. Pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

“Shhh... Past is past...  Let’s move on for what happened on the past but don't forget. Kasama mo ako sa paghihiganti mo. I know revenge is bad but I'm here, willing to help you. I won't allow you to face them all. Magkasama natin silang haharapin at pababagsakin,” Drakov explained.

Dito, hindi ko na talaga nakayanan at lalo akong napaiyak lalo. Sobrang buhos nang mga luha ko sa aking mga mata dahil akala ko hindi niya ako naiintindihan sa mga gusto ko. Ngunit, mali pala ako nang iniisip. He's willing to help me take revenge for them.

“Don’t cry, baby...” pagtawag pa sa akin ni Drakov kaya mas lalo akong naiyak.

He hugged me. Kaya naman, gumanti ako nang yakap sa kaniya. Grabe, I'm so lucky to have him. Hindi man ako swerte sa naging una ko pero grabe naman ang balik sa akin.

“Sana, Lord hindi mo ito kunin sa akin agad,” sabi ko sa aking isipan.

••••••

Narito kami ngayon ni Drakov sa Montemayor Import and Export Building kung saan pagmamay-ari ni Drakov. Ito kasi ang business niya at nasa conference room kami ngayon kasama ang buong stockholders niya at mga ibang empleyado. May media rin na kasama sa loob ng conference room.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now