V

17.1K 324 18
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

Megan’s POV

TULIRO ako habang iniisip kung ano ang gagawin. Pangalawang araw ko na pero hindi pa rin ako dinadatnan ng menstruation period ko. Alam kong hindi irregular ang period ko pero ngayon hindi talaga ako dinatnan. Dapat kahapon pa nga ’yon, e pero walang dalaw ang dumating sa akin.

I'm bit stressed na dahil hindi talaga madedelay ’yong menstruation ko. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyari. Sa sobrang pag-iisip ko, wala talaga akong maisip kung ano ang gagawin.

Biglang pumasok sa isip ko si Althea. Yes, si Althea. I'm sure matutulungan niya ako. Hinanap ko agad ang cellphone na bigay niya. Kahit kinakabahan, maayos ko namang nahanap ang cellphone ko kung saan ko tinago.

Wala na akong sinayang na oras, tinawagan ko agad si Althea. Madali lang naman dahil tanging number lang niya ang nasa cellphone. Naka-ilang rings bago niya sinagot ang tawag.

“Meg?” sagot niya sa kanilang linya.

Tila nabuhayan ako nang loob dahil sumagot na rin si Althea.

“Althea, I need your help—”

“I’m coming!” ’Di ko pa natapos ang aking sinabi ay sumagot na agad siya. “Wait for me. Pupuntahan kita.” Halata sa boses nito na nag-aalala. Napakagat ako sa ibang labi ko dahil baka mapano si Althea. Baka madaliin nito ang pagdrive pero sana huwag naman.

Naputol na rin ang tawag at siguradong anytime ay dadating na siya. Para na rin akong nakaginhawa nang maayos dahil may masasabihan na ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ako lang ang nag-iisip kung bakit nga ganito. Hindi ko pa naman na experience ang ganito. Sana naman wala akong sakit. Umupo na lang ako sa kama para hintayin ang pagdating ni Althea.

Sa paghihintay ko ay biglang parang bumaliktad ang sikmura ko. Napatakbo agad ako sa banyo sa kuwarto ko upang sumuka. Suka lang ako nang suka kahit wala namang lumabas. Halos ilang minuto rin akong nagtagal sa loob ng banyo. Pagkatapos ay tila naubusan ako nang lakas, halos hindi makatayo dahil nanghihina buong katawan ko. Parang tinamad ako, walang ganang kumilos at inaantok ako. Ano bang nangyari sa akin?

Sa ganitong sitwasyon ako naabutan ni Althea kaya naman ay dali-dali siyang lumapit sa akin.

“Okay ka lang?” she asked.

“Inaantok ako, Althea,” mahinang sagot ko sa kaniya.

“Klien! Halika ka nga rito!” Kita ko ang paglapit ng isang guwapong lalaki na matangkad tapos ang ganda ng katawan. Halatang inalagaan nang maayos. Pero, napakaseryoso nito habang naglalakad. Siguro ito ang boyfriend ni Althea.

“Yes, baby?” sagot nito at lumapit kay Althea at niyakap patalikod at hinalik-halikan ang buhok nito.

“Ano ba! Tulungan mo nga ako, rito.” Halatang naiinis si Althea sa lalaki. Tapos ’yong Klien — namula naman ang buong mukha at tila nahihiya bago lumapit sa akin.

“You sure?” Tanong nito kay Althea.

Binigyan lang ito ni Althea ng isang tingin at bigla niya lang akong binuhat at dinala sa kama ko sa loob ng kuwarto. Shit! Ang bango at ang tigas ng muscles. Sarap naman hindi umalis sa pagkakarga niya. Pero, nawala ang pagpantasya ko nang maramadaman ko ang paglagay niya sa kama ko.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now