I

30K 559 194
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

Megan’s POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitingnan ang maitim na pasang naiwan no’ng sinampal ako ni Jack. It's already nine in the morning. Wala si Jack sa bahay dahil may trabaho. At tanging ako lang ang naiwan sa napaka-laking bahay. No maids, no guards. Ayaw na ayaw kasi ni Jack na may maids at guards. Siguro dahil ayaw niyang makita ang mga kahayupang ginawa niya sa akin or maybe he had a deep reason why. I dunno either, what's on his mind.

“Are you sure okay ka lang talaga, Meg?” Althea asked from behind.

Tumingin agad ako sa direksyon niya at binigyan ng isang ngiti.

“Do I have any choice?” Gustuhin ko mang hindi maging okay pero hindi pwede. Jack will mad at me kapag nakita niyang hindi ako okay.

“Kailan ka magtitiis sa buhay mo na ito?” muling tanong nito sa akin.

Kailangan nga ba? Pati ako walang makuhang sagot kung kailan ako magtitiis sa ganitong buhay. Wala naman akong pamilyang mauuwian bukod sa kaniya — Althea. Siya lang naman ang mayroon ako. Siya lang ang nag-iisa kong kaibagan. My parents died because of plane crash. Sabay silang namatay.

“I don't know, Thea. Siguro kaya kong magtiis habang buhay dahil mahal ko asawa ko. Mahal ko si Jack,” sagot ko sa kaniya.

“Pero, Megan. Tingnan mo ang sarili mo. May ganiyan ba na pagmamahal?” Napahiya ako sa sinabi niya. Oo nga naman? May ganito bang klase ng pagmamahal? ’Yong sasaktan ka? ’Yong iparamdam at ipakita sa’yo na wala kang kuwenta. Pagmamahal ba ito?

“I’m okay, Thea. Kaya ko pa. At kakayanin ko pa para kay Jack.” Nakita ko sa replica ng salamin ang pag-iling ni Althea dahil sa sagot ko at sinabayan niya ito ng isang malalim ba buntong-hininga.

Maging ako ay hindi ko rin alam bakit kaya kong tiisin lahat ng mga ginagawa sa akin ni Jack. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit natitiis ko ang lahat ng ito.

“Sige, mauna na ako, Megan,” pagpapaalam sa akin ni Althea at tumayo sa kama kong nasaan siya naka-upo.

Hatid na kita.” Akmang tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

“Kaya ko na, Meg. Take a rest,” Anito bago tinungo ang pintuan sa aking kwarto.

Wala akong magawa dahil lumabas na nang tuluyan si Althea sa kuwarto ko. She's Althea Madrid, isang sikat na fashion model and designer. Mabait, maganda, talented, mayaman. Nasa kaniya na ang lahat. May boyfriend na mahal na mahal siya and she's my best friend since birth.  

Ang swerte nga niya sa boyfriend niya. Guwapo, may respeto at halos lahat na nga nasa boyfriend na niya ang mga good traits as a man. She's very lucky unlike me.

Hayst! Bulong ko sa aking sarili. Muli na lang akong humiga sa kama dahil wala naman akong gagawin. Walang maids, walang guards at wala akong puwedeng makausap dito sa bahay dahil mag-isa lang ako. Kahit walang nagbabantay rito ay hindi naman ako makalabas dahil malalaman at malalaman ni Jack na lumabas ako. And kapag nalaman niya, again he's accusing me na may kabit kahit wala naman at bubugbugin na naman niya ako until magsawa siya. 

Dahil wala naman akong gagawin. Siguro matutulog na lang ako para makabawi nang lakas. Feeling ko ang tamlay ko dahil sa nangyari. Halos wala akong lakas masyado at masakit pa ang katawan ko sa bawat kilos na gagawin ko.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now