X

18K 314 20
                                    

Megan's POV

Nasa mall ako ngayon, wala si Drakov dahil may kailangan siyang asikasuhin sa kaniyang company. I’m wearing simple black Bell-bottoms pants and black ankle strap heels. ’Yong damit ko naman na suot ay isang simpleng off shoulder.

Kaya hindi ko na siya inisturbo at ako na lang mismo ang pumunta sa mall. Naglilibot lang ako rito sa loob dahil wala naman akong natitipuhan sa mga products nila rito. Hindi naman ako ’yong tipong babae na masyadong mahilig mga bagay-bagay.

Habang naglibot-libot ako rito sa mall. Sa ’di kalayuan ay may akong ice cream shop. It feels like I'm starving too much ice cream kaya naman lumapit ako sa shop na ’yon.

Then I saw a little boy sa harap ng ice cream shop na ito. Parang nawawala ito sa kaniyang magulang pero hindi naman ito umiiyak. Naka-tingin lang ito sa paligid na parang hinahanap ang magulang tapos titingin siya sa loob ng ice cream shop.

Nilapitan ko agad siya at sinubukang kausapin. I don't know pero gusto ko siyang kausapin. Siguro mga nasa 5 years old na ang edad niya. Parang kasing edad lang siya nang anak ko if buhay pa siya. I just nod my head at lumapit sa kaniya.

“Hi,” pagtawag ko sa kaniya para kunin ang atensyon niya. 

Lumingon naman siya sa akin at tila nagdadalawang-isip ba na kausapin ako o hindi. Kita ko rin sa mga mata niya na may konting takot siya pero nakuha pa rin niyang sumagot.

“H-Hello po,” sagot niya pero may kabang kasama ito.

“What’s your name?” I asked him politely. “Nawawala ka ba?”

Palinga-linga pa siya tapos lumapit sa akin. “I’m Ashton Irwin po.” Tapos umiyak siya sa akin. “I’m lost po huhuhu.”

Kaya naman ay agad ko siyang pinatahan, may mga tao na rin kasi na dumadaan at pinagtitingnan kami.

“Gusto mo, ice cream?” Tanong ko agad sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin habang may luha pang tumutulo sa mga mata niya. Ang gaan talaga sa feeling na may kayakap kang bata. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko rin sana magkaroon pero sa ngayon parang tatakot pa ako. We did naman ni Drakov pero hindi naman natutuloy dahil habang ginagawa namin. Palaging bumabalik sa isip ko ang ginagawa ni Jack sa akin and it turns out na walang mangyayari. Mabuti na lang at naiintindihan ako ni Drakov. He's been patience to me ever since and respect my side.

Kahit hindi siya sumagot sa tanong ko, sinasabi naman ng mga mata niya na gusto niyang kumain nito. Kaya naman ay dinala ko siya sa loob.

“Stop crying...” sabi ko. “Bibili tayo, ice cream.”

Tinungo agad namin ang iba’t ibang flavor ng ice cream sa loob.  Lumiwanag naman ang kaniyang mukha no’ng pumasok na kami and I felt like he's comfortable with me na. Kaya naman ay panatag na ang loob ko. Kasi nakuha ko ang loob niya at sobrang cute niya talaga.

•••••••

Nasa labas na kami ngayon, kumakain ng ice cream na bili namin sa ice cream shop. Cookies and cream ice cream ang napili niya while double dutch naman akin. Hindi pa rin niya sinasabi ang name ng parents niya or it's either hindi niya masabi nang maayos ang name nito. ’Yan lang ang nasa isip ko ngayon kaya siguro hindi niya ako sinasagot.

“Gusto mo pa ba ng ice cream?” Tanong ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti bago sumagot, “Yes, po!”

Mahahalata mo talaga ang saya sa mukha niya habang sinasabi niya ito. Malapit na rin kasi maubos ang ice cream niya. So, I stand and go back to the ice cream shop para bumili.

“Dito ka lang, huh. Bibili muna ako ulit,” saad ko sa kaniya.

“Okay po,” masiglang sagot niya at tinuloy pagkain sa natitirang ice cream niya.

Kaya naman ay iniwan ko muna siya saglit, malapit lang naman ang puwesto namin sa shop. Tapos marami namang tao sa paligid at  madali lang naman ako.

Muling pumasok ako sa loob ng ice cream shop at pinuntahan ang cookies and cream flavor stall at kumuha ng isa. Pagkatapos ay binayaran ko agad ito sa counter.

“Thank you, ma'am for coming,” sabi sa akin ng cashier.

Ngumiti naman ako sa kaniya bilang tugon at lumabas muli sa shop at bumalik sa puwesto namin. Pero nakita ko may babaeng lumapit kay Ashton.

“Where have you been? Alam mo bang sinira mo ang araw ko?” sabi nito kay Ashton.

Aawatin ko sana ito dahil nasasaktan ang bata pero nagsalita si Ashton.

“I’m sorry, mommy,” mangiyak-iyak ni Ashton.

What? Mommy niya ito? Bakit sinasaktan niya ang anak niya. Anong klaseng magulang ba siya?

“Mamaya ka pag-uwi sa bahay!” pagbabantang sabi nito at umalis habang hawak niya si Ashton sa braso.

Hindi na rin ako sumunod sa kanila dahil halatang iritado ang babae at baka kung ano pa pwedeng gawin niya sa bata.

I'm still couldn't believe na may mga magulang pa palang kayang saktan ang mga anak. And take note, kahit nasa public place pa sila. Walang paki-alam kung may makakita or makarinig sa pananakit nito.

Since wala na si Ashton at wala namang kakain sa ice cream na binili ko. Lumabas na rin ako sa mall, naghahanap ako ng bata sa tabi-tabi na pwedeng bigyan nito.

Habang nag-ikot-ikot sa palagid, may nakita akong dalawang bata. I think magkapatid sila, parehong lalaki. Kaya naman ay nilapitan ko sila pareho.

“Hi,” pagbati kong sabi sa kanila.

Sabay naman silang tumingin sa akin. Tapos nang makita nila ako ay medyo nahihiya sila pareho.

“Gusto niyo nito?” Tanong ko sa kanila at inilahad ang hawak na ice cream.

Nakita ko sa mata no’ng medyo maliit na bata, siguro nakababatang kapatid niya nito ang kislap at takam sa mga mata nito na gusto niya ang ice cream na hawak ko. Habang ang nakatatandang kapatid naman nito ay nakatingin lang sa akin.

“T-Talaga po?” masayang sabi no’ng mas batang lalaki sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at umupo para magpantay kami.

“Kunin niyo na,” sabi ko pa.

Nag-alangan pa sana pero kalaunan ay tinanggap naman nila pareho.

“Salamat po,” sagot no’ng nakatatandang lalaki sa akin.

Pagkatapos ay binilhan ko na rin sila ng pagkain bukod sa binigay kong ice cream. Kitang-kita ko ang saya nila pareho at nagpasalamat naman sila sa akin.

Sobrang gaan nang nararamdaman ko habang nakikita ko ang ngiti sa mga labi nila at ang tuwa sa mga mata nila.

Bago ako umalis ay binilhan ko muna sila ng damit at tumawag na rin ako ng pwedeng dumala sa kanila sa bahay-ampunan. At least doon may matutulugan sila at may maayos na pagkain. Hindi katulad dito sa kalye.

A/N: Short Update muna tayo!

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now