XIII

17.6K 298 37
                                    

Megan's POV

Habang nasa labas ako ng coffee shop ay malayuang tiningnan ko silang dalawa. Lumapit naman sa akin ang driver ko or I should say driver namin ni Drakov. He's also our private investigator, pero ngayon ay driver ko muna ito dahil ayaw ni Drakov na wala akong kasama kapag lalabas ako.

“Aalis na ba tayo ma'am?” Tanong sa akin ni Vouge. 

Nanatili pa rin akong nakatingin sa loob ng coffee shop habang naglalandian este naglalambingan ang dalawa.

“Okay, I get it!” Napatingin tuloy ako sa sinabi ni Vouge dahil sa matangkad siya sa akin at malaki rin ang katawan niya tulad ni Drakov. Hindi ’yong malaki na puro taba ang katawan.

“What?” I asked him.

Ngumiti rin siya sa akin na parang may binabalak na masama. 

“May naka-bantay na sa kanila ma'am, so we go na!” he said while smirking his lips.

Tumango na lang ako sa kaniya dahil I know Drakov, hindi talaga siya titigil kung hindi ako makaganti sa mga taong umapi sa akin. That's why I really love him. Hindi niya ako pinipigilan na gawin ang gusto pero kapag sumobra naman ako ay pinapatigil na niya ako. 

“Saan tayo pupunta ma'am? Uuwi na ba tayo?” Muling tanong nito sa akin nang pareho na kaming nakapasok sa loob ng kotse.

“Hindi muna. Gusto ko pumunta sa boutique ko,” sagot ko naman kay Vouge.

“Noted, ma'am!” sagot ni Vouge at unti-unting binuhay ang makina ng kotse at umalis sa coffee shop para pumunta sa boutique ko.

Tahamik lang kami pareho habang si Vouge ay seryoso sa pagmamaneho at sa kalsada lang talaga ang tingin niya.

Siguro, hindi kami umabot sa twenty minutes bago narating ang boutique ko dahil sa bilis nang takbo ng kotse. Nang maayos na ang pagpark ni Vouge sa kotse ay lumabas na ako.

“Hindi ka ba sasama sa loob?” Tanong ko agad kay Vouge.

“Hindi na po ma'am baka mapagkamalan pa tayong magjowa tapos malalaman ni Sir Drakov. Baka buong taon ’yong iiyak!” sagot ni Vouge at humalakhak nang malakas.

Namula agad ako sa sinabi niya. E, kasi naman no’ng minsan na kaming pumunta rito sa boutique kasama namin si Drakov. Nahuli kasi nang pasok si Drakov kaya akala nang mga staff ko na si Vouge ang asawa ko kaya nang marinig ni Drakov na napagkamalan si Vouge na asawa ko. Ayon nagwala pag-uwi namin tapos sa guest room pa natulog kasi hindi raw siya ang asawa ko. 

Isang linggo rin niya akong hindi pinapansin kasi raw nga iba na raw asawa ko. Ang childish niyang tingnan pero ang cute niya tapos no’ng lumipas ang isang linggo, siya pa nagsorry sa akin kasi naman hindi ko siya pinansin e.

“S-Sige rito ka na lang maghintay,” sabi ko na lang kay Vouge at mag-isa kung tinungo ang boutique ko. And I named my boutique as Charlotteiful because I am beautiful. Nagustuhan din ito ni Drakov kaya ito na lang talaga ang pinangalan ko.

Sa pagpasok ko pa lang sa entrance ng boutique ko. I smell something fishy na agad ’yong parang may malansang isda na nabubulok sa sobrang baho.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now