XI

19K 323 36
                                    

Megan's POV


Pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay ay si Drakov agad ang sumalubong sa akin. Halatang pagod ito at inaantok pero lumapit pa rin sa akin.

“How’s your day, mahal?” tanong niya sa akin at yumapos sa baywang ko.

“Ayos lang naman, Drakov,” sagot ko naman. “Bakit hindi ka pa nagpahinga? Mukhang pagod at inaantok ka na, oh?”

“Ikaw ang pahinga ko,” sagot naman niya sa akin.

Grabe talaga magpakilig ang lalaking ito. Wala talagang pinipiling oras. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

“Nambola ka pa talaga,” natatawang sabi ko. Pero nakita ko pagseryoso ng mukha.

“I’m fucking serious, mahal!” he firmly said while looking at me.

Kinabahan agad ako sa bawat pagtitig niya sa akin. Para niya akong hunihubaran ng damit isa-isa sa bawat pagtitig niya.

“Sa sobrang seryoso ko gusto kitang dalhin at hubaran sa kama ko,” dagdag pa niyang sabi sa akin habang ang tingin niya sa akin ay hindi nawawala.

“D-Drakov,” kinakabahang sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.

“Shhh. Don't worry, I won't force you…” He said softly while caressing my hair. “I can wait until you can do it.”

“I know hindi ka pa naka-get over sa trauma mo. I understand,” he added.

Para namang may part sa aking puso na sobrang nasaktan dahil sa limang taon naming magkasama ay palagi na lang niya akong iniintindi. I'm trying my best naman na maover come ang trauma ko pero every time na susubukan namin ni Drakov ay nauuwi lang sa pagtulog namin dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga ginawang pambababoy ni Jack sa akin.

“I’m sorry,” tanging nasabi ko kay Drakov at hindi ko namalayan na umiyak na pala ako.

“Stop crying, baby…” sabi niya sa akin. “Hindi mo kasalanan ang nangyari sa ’yo. Si Jack ang dapat sisihin.”

His jaw clenched habang yakap-yakap ako.

“Let’s sleep? I'm sleepy already,” sabi nito sa akin at binuhat ako na para bang bagong kasal.

Hindi na rin ako umangal sa ginawa niya at pinabayaan ko na lang siyang buhatin ako.

“Drakov,” mahinang pagtawag ko sa kaniya.

“Yes?” Kahit inaantok na talaga siya ay nakuha pa rin niyang sumagot sa akin at tumingin.

“Wala,” nahihiyang sabi ko sa kaniya.

“Silly wife,” sagot niya sa akin at hinalikan muli sa aking noo.

Hindi ko namalayan na nasa kuwarto na pala kami at inilapag na lang niya ako sa kama. Pagkatapos ay tumabi agad siya akin at mismong braso niya ang pinaunan sa akin.

“Good night, mahal…” sabi niya niya at pinikit ang kaniyang mga mata. “Sweet dreams.”

Kahit hindi pa ako nakabihis sa suot ko ay pinabayaan ko na lang muna siya. Magbibihis na lang ako kapag tulog na talaga siya. Ayaw ko muna siyang madisturbo sa pagtulog, mukhang pagod talaga siya at inaantok kaya naman ay lumapit pa ako sa kaniya at yumakap. Sa laki ng katawan ni Drakov ay ramdam na ramdam ko ang init niya. At sobrang sarap sa pakiramdam sa mga bisig niya. You felt safe ka talaga at walang sinuman ang makapanakit sa ’yo.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now