XV

15.2K 226 22
                                    

Chapter 15

Megan’s POV

“Anong nangyari?” Unang tanong ni Drakov sa akin nang magising siya.

“Nawalan ka nang malay kanina,” sagot ko sa kaniya.

Parang nagulat naman siya sa sinabi ko at halos hindi makapaniwala. He's reaction was priceless.

“For real?! Damn it!”sabi naman niya at tila nahihiya dahil namumula ang buong mukha niya pati ang kaniyang tainga.

“Hahahahaha!” Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahil sa kaniya.

At sinamaan lang niya ako nang tingin. Bago nagsalita, “Shut up!”

’Yong boses niya sobrang strict at firm kaya naman napatigil ako sa pagtawa. Dahil seryoso na siya sa kaniyang sinabi.

“Sorry...” hinging paumanhing sabi ko sa kaniya.

Nakita ko naman paano naging soft ang mukha niya galing sa seryoso. Lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.

“I’m sorry... It wasn't my intention to say that,” he said softly at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.

“I’m sorry...” he added before he hugged me tighter.

“Ayos lang oyy. Ano ka ba!” sabi ko sa kaniya at tinapik pa siya.

“No! Hindi ’yon ayos. I raised my voice on you. Hindi ’yon maayos, for me,” he reasoned.

“Sorry ulit... Hindi ko na uulitin,” he added.

Halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

“Apology, accepted!” sagot ko naman sa kaniya.

And I saw how his mood changes. From dull to light.  Ang masasabi ko lang, sobrang swerte ko talaga at nakilala ko siya. He saved my life. He changed my whole life. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kung hindi si Drakov ang nakakita sa akin. Ganito ba kaya ang buhay ko kung hindi siya ang unang nakakita sa akin?

“Thank you!” sabi niya sa akin at hinalikan ako muli pero this time sa noo naman.

“Can I kiss you?” sabi pa niya sa akin sabay turo ng labi ko gamit ang labi naman niya.

“Bakit mo pa kailangan magpaalam kung pwede mo ba akong halikan?” sagot ko naman sa kaniya.

“Ayaw kong biglain kang hahalikan. Paano kung ayaw mo? Alam kong may takot ka pa sa past mo. That's why, I assured na hindi mo na maiisip ang nangyari,” sagot naman niya sa akin.

I smiled at him at tumango sa kaniya. Bilang sagot at pahintulot sa kaniya na pumayag ako na halikan niya. I saw how his smile plastered on his lips. At unti-unti niyang inilapit ang mukha sa mukha ko.

Hanggang sa nagtagpo na nga ang aming mga labi at ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi habang hinahalikan ako. I closed my eyes para maramdaman ko ang mga labi niya sa akin. Hindi naman nagtagal ay si Drakov na mismo ang unang kumalas sa aming paghahalikan.

“Thank you for allowing me to kiss you,” sabi niya while looking at my eyes.

I saw the sincerity and purity in his eyes. Makikita mo talaga na pure ang intention niya.

“Wala ’yon,” sagot ko naman sa kaniya.

“It means a lot to me,” sabi naman niya sa akin.

Matapos ay niyaya ko agad siya na kumain. Gutom na rin ako kasi almost three hours ko rin siyang binantayan bago siya nagising. Malapit na rin mag lunch kaya pala nakaramdam ako nang pagkagutom.

“Kain na tayo,” pagyaya ko sa kaniya.

“Tara, gutom na rin ako, e,” walang pag-alinlangan niyang sagot sa akin.

Magkahawak ang aming kamay bago lumabas sa kuwarto. Pinalipat kasi kanina ng doctor para raw maayos ang kaniyang higa.

Iba ang ngiti sa mga labi ni Drakov habang magkahawak kami ng kamay patungo sa kusina. Kaya napangiti na rin ako dahil nahawa na rin sa mga ngiti niya.

••••••

“Aalis na ako,” sabi niya sa akin.

“Mag-iingat ka,”sagot ko naman sa kaniya at niyakap siya.

Niyakap niya rin ako pabalik.

“Mag-iingat ka, rin,” sabi niya sa akin habang magkayakap kami.

“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?” dagdag pa niyang sabi.

“Ang ligtas kang umiwi sa akin,” sagot ko naman sa kaniya. “’Yan ang ang gusto kong pasalubong. Ang ligatas kang bumalik sa akin.”

Ngumiti siya sa akin at nagsalita, “Sige, I'll be safe there. At uuwi akong ligtas para sa ’yo.”

“I’ll go ahead,”sabi pa niya.

“Vouge, take care of my wife,”he added.

Tumango naman si Vouge, “Yes, my Lord.”

Pumasok na nga si Drakov sa airport at unti-unti na naming hindi siya nakita. Siguro, nakapasok na siya sa loob at nasa private airplane na niya ito.

“Let’s go, my Lady,” pagtawag naman sa akin ni Vouge.

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Sumunod agad ako sa kaniya. While palabas na kami at patungo sa kotse namin. May nakita akong dalawang matanda na parang mag-asawa.

“Bilisan mo na!” rinig kong sabi no’ng matandang babae.

I was stunned upon hearing her voice. I was expecting kung nagkamali lang ba ako nang rinig pero apparently I'm not mistaken about what I've heard.

“Ang bagal mo talaga kahit kailan. Hinihintay na tayo ni Jack!” dagdag pang sabi nito sa asawa.

At tama nga ang hinala ko. These two old hangs are Jack's parents. Hindi ako magkakamali at hindi ko makakalimutan ang kanilang ginawa sa akin. I'll never forget what they did to me. Not now, nor forever. 

“My Lady...” pagtawag sa akin ni Vouge.

Hindi ko alam na naiwan na pala ako dahil nakatayo lang ako kung saan ako nakapwesto.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Vouge sa akin nang makalapit sa tabi ko.

“Huh? Oo, ayos lang ako,” I replied.

Tumuloy na kami sa paglalakad patungo sa kotse. Naka-alis na rin siguro ang dalawang matandang iyon. Hindi ko na rin sila nakita. Siguro ay pinuntahan nila si Jack. Si Jack? Nagmamadali agad akong pumasok sa kotse. Narito si Jack, dapat hindi niya ako makita.

“Tayo na,” sabi ko agad kay Vouge nang makapasok na rin siya sa kotse.

“Diresto pa uwi  na tayo,”sagot ko naman sa kaniya.

Mabuti nang mag-iingat muna ako. Hindi pa pwedeng magkita kami ni Jack. Wala pa sa plano ko ang magkita kami nang maaga. Dapat perfect time at pagkakataon na magkita kami. At sa mga araw na ’yon, pagbabayaran niya lahat nang ginawa niya sa akin. Dapat siyang magbayad.

Umalis na agad kami ni Vouge pauwi sa bahay.

A/n: Sorry for the late update. Short update lang po ito. Enjoy your reading!

In The Arms of the Playboy Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon