PROLOGUE

43.3K 786 183
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

PROLOGUE

“SAAN ka galing?” Salubong sa akin ng asawa ko habang kakapasok ko pa lang sa pinto ng bahay namin. Dilim na dilim ang paningin nito sa akin na tila kahit anong oras ay susugurin ako.

My knees are trembling already. Unti-unti na ring bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga titig niya. I don't know how to react. Hindi ko rin halos maibuka ang aking bibig para magsalita dahil sa takot.

Ganito ako everytime na kaharap ko si Jack — my husband. Natatakot, nangingig at kinakabahan.

“Are you deaf? I'm asking you! Bullshit!” Narinig ko ang sunod-sunod na pagbasag ng mga gamit na gawa sa mababasag na bagay.

Napakurap ako nang wala sa oras dahil sa gulat. Samantalang, sunod-sunod pa rin ang pagbasag ng mga gamit at may kasamang mura galing sa asawa ko.

“J-Jack,” nangingig na sambit ko sa kaniya. Baka sakaling tumigil na ito sa pagbabasag ng mga gamit pero mali pala ako.

Tiim-bagang tumingin ito sa akin habang nakasalubong ang makapal na kilay nito at naka-igting ang mga panga.

“Pak!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Namamanhid ang buong mukha ko dahil sa lakas ng sampal.

Parang naalog ang buong utak ko sa lakas nito. Nalasahan ko agad ang dugong nasa bibig ko. Siguro marahil dahil sa lakas ng sampal niya kaya nagkaroon ng dugo.

“HINDI MO TALAGA SASABIHIN SA AKIN SA KA GALING, MEGAN? INUUBOS MO BA TALAGA ANG LAHAT NG PASENSYA KO SAYO?!” Sigaw nito sa akin.

Hindi ko na lang namalayan na tumulo na pala mga luha ko. Dahil na ito sa pinagsamang sakit mula sa sampal, takot mula sa malaking boses ni Jack at kaba sa na puwede niyang gawin sa akin.

Hindi lang ito ang unang beses na sinasaktan niya ako physically. Maraming beses na niya akong napagbuhatan ng kamay. Not only physical abuse, kasama na rin ang verbal at emotional abuse.

I don't know kung bakit natitiis ko pa ang mga ginagawa niya sa akin. Siguro dahil sa mahal ko siya kaya natitiis ko lahat ng mga bagay na ito. Gano'n naman ’di ba? Basta mahal mo ang isang tao, natitiis mo lahat ng sakit basta hindi ka lang niya iiwan. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya, e. I'd rather accept all his anger towards on me basta hindi lang siya mawawala sa akin. I can't afford to lose him. Masaydo kong mahal kaya hindi ko kaya.

“I’m asking you again, Megan. Huwag mong ubusin ang pasensya ko sayo. Saan ka galing?” sabi niya sa akin habang hawak ang mga kamay ko.

Ramdam ko ang gigil niya dahil sa pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Pinipigilan lang niya ang kaniyang galit.

Tangina, Megan! Sagutin mo ako! Saan ka galing?! Doon sa kalaguyo mo? Talagang lumabas pa kayo?! Tangina!” sigaw pa nito sa harap ko sabay mura.

Umiiyak na lang ako lalo dahil natatakot ako sa kaya niyang gagawin kapag sumagot ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit anong explain ko. Hindi siya nakikinig sa mga sagot ko. Bagkus ay sinasaktan niya lang ako pabalik. No'ng una akong sumagot sa sinabi niya ay hindi lang sampal ang natanggap ko, pati na rin bugbog. Akala ko sa mga oras na 'yon. Katapusan ko na. Mabuti na lang at nakagapang pa ako papalayo sa kaniya.

Tangina! Sumagot ka!” Nagagalit nitong sigaw. Lumalabas na ang ugat sa leeg nito sa kasisigaw. Talagang galit na galit ito.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now