XII

17K 281 31
                                    

Megan's POV

Ang dali lang nang panahon, ngayon ay palapit na ang ber months at dahil ber months na. Mabibigay na ako sa kanila nang paunang regalo. Tingnan niyo lang Annika at Jack, malapit na magsisimula ang sweet revenge ko sa inyo.

Naka-tingin lang ako sa kanila sa screen ng cellphone ko.

“Ito na ang simula,” bulong ko sa aking sarili at diniinan ang hawak kong cellphone.

“Easy…” nagulat na lang ako at may yumakap sa likuran ko. “Picture pa lang ’yan pero parang gusto mo na silang pahirapan?”

It was Drakov, sa tuwing magagalit ako. Palagi siyang nariyan para mawala ito. Grabe talaga ang binigay sa akin ni Lord. Kung dati, may abusive husband ako ngayon naman ay kabaliktaran. Wala akong masabi sa kaniya, well ito siguro ang kapalit sa paghihirap ko.

“Ready ka na ba, baby?” Tanong pa niya sa akin. “If you're not ready, puwede naman ako ang gumawa. In just a blink, maghihirap na sila.”

Umilig agad ako sa kaniya, this is my fight! Dapat ako ang tatapos dahil ako ang biktima nila.

“I’m always, ready, Drakov,” sagot ko naman sa kaniya pero nakita ko ang pagpout niya.

“Hindi mo na ba ako mahal? Bakit pangalan ko lang ang tinawag mo? Hindi mo na siguro ako mahal, hindi na ba baby?” Napatampal na lang ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

Pati pa ba sa pagtawag ko sa kaniya pinoproblema niya? I know to myself na hindi ako sanay na tawagin siya in any kind of endearment kasi nasanay ako sa past ko na puro sakit lang natatanggap ko but I'll try my best naman para makalimutan ang sakit pero I love him very much. Hindi man ako showy sa love ko for him pero pinapafeel ko naman sa kaniya.

“I’m sorry…” he softly said at me at hinalikan ako sa noo. “I know na hindi ka pa totally healed sa past mo. I'm sorry for being insensitive and questioned your love for me.”

Sa sinabi niya sa akin ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

“Shhhh. It's okay and I'm sorry also kung napaparamdam ko sa ’yo na nagda-doubt ka pa sa pagmamahal ko sa ’yo. But I love you. I do.”

Ngumiti siya sa akin at mabilis na hinalikan ako. “I’m sorry again, baby…” naka-ngiting sabi niya sa akin. “Your emotions are valid to me.”

“Huwag nating pilitin ang sarili mo, huh. Makahihintay naman ako kung kailan ka ready. At ’yong hindi ka na hinahunt nang past mo. I'm excited na dumating tayo sa araw na ’yan,” sabi pa niya at lalong hinigpitan ang payakap sa akin.

“I love you. Ikaw lang ay sapat na.”

’Yong kilig ko ay hindi ko na alam kung saan ko ilalagay. Me and Drakov are already married three years ago. Civil wedding lang kami pero alam kong mahal ko siya no’ng nagpakasal kami. At least masaya kami pareho ngayon, may tampuhan naman minsan pero hindi siya natutulog kapag niya ito naaayos.

••••••

Nasa loob ako ngayon ng isang coffee shop. Katatapos lang ng meeting ko ng isang model ko na si Winter Potter. Nag-aapply kasi itong model sa akin kaya naman tinanggap ko siya dahil may potential din naman as model. Matagal naman siyang model sa States so wala na akong problema sa kaniya, parang sanay na sanay na siya, e.

While busy scrolling in my social media, may narinig akong nag-uusap sa tabi ko. Sa palagay ko bagong dating lang ang isa sa kanila.

“Sorry nahuli ako. Akala ko kasi sasabay ka.” Napatingin agad ako sa pinanggalingan nang boses. Pamilyar kasi sa akin ang boses niya.

“Ang tagal mo kasi, ang usapan natin maaga tayo tapos ngayon late ka!” sagot naman ng kasama niyang lalaki.

“Sorry na babe,” sagot naman nito sa kasama niya and my eyes widen no’ng maalala ko kung sino ito. Ito ’yong nurse na balak akong pagsamantalahan at bumaril sa akin.

“Ano pa ba magagawa ko? Mahal kita, e,” sagot naman nito sa kaniya at naghalikan sila hindi alintana na may maraming tao.

Hindi naman ako against sa relasyon nila pero ’yong ginawa niya sa akin. Well, siguro siya na lang ang uunahin ko. Sorry na lang siya dahil siya ang uunahin ko.

“Thank you, babe. Mahal din kita,” sabi naman ni Lintellingend at tumabi sa kasintahan nito.

Tiningnan ko lang sila sa kanilang ginagawa. Dito pa talaga sa coffee naghasik ng kadugyutan niya. Sayang ’yong jowa niya, gwapo sana kaso hindi alam paano pumili ng jowa. Diyan pa talaga sa siraulong nurse na puro kamanyakan lang ang alam. I think hindi niya ako makikilala kasi limang taon na ang lumipas pero ako, hinding-hindi ko siya makakalimutan. Lalo na ang ginawa niya sa akin at pagsunod sa mga utos ni Jack sa kaniya.

Tumayo agad ako kasi may naisip akong plano. Pang appetizer sa ganti ko sa kaniya. Kinuha ko agad ang binili kong kape, hindi ko ito nainom kanina kaya medyo malamig-lamig na pero magamit ko pa ito.

Lumapit ako sa table nila at sinadya ko na para akong natutumba habang dala ko ang order na kape at saktong nabuhos sa kasamang niya or should I say sa jowa niya.

“Oh my Ghad!” mahinang sigaw nito at lumapit sa jowa niya. “Hawakan mo abs mo!”

“Este, ’yong damit mo!” Halos sirain nito ang suot na damit ng jowa niya.

“I’m really sorry, Sir,” paghinging paumanhing sabi ko sa nabuhusan ko ng kape.

“It’s okay, miss,” sagot naman nito sa akin.

“Anong it's okay, babe?” Lintellegend shouted. “Binuhusan ka niya ng kape. Sinadya niya ’yon!

Mabuti na lang at hindi masyadong matao sa coffee shop kaya hindi masyadong nakakahiya ang pag-eskandalo niya.

“Babe, calm down, okay. I'm fine,” sagot naman nito sa kaniya. “And, miss, I'm sorry sa naging akto ng jowa ko. Ganiyan talaga siya.”

Tumango na lang ako at may ngiti sa labing lumabas sa coffee shop. Siguro, sira na ang date nilang dalawa and deserve naman niya ’yon.

“Babe, naman! Halatang sinadya niya ’yon, e!” rinig ko pang sabi ni Lintellingend bago ako tuluyang nakalabas sa coffee shop.

Simula pa lang ’yan. May mas malaki pa akong pasabog. Hintayin mo— niyo lang! At umalis na ako sa coffee shop.



A/n: Ayan! May update na tayo! Enjoy your reading!


In The Arms of the Playboy Husband ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz