XVI

12.4K 165 2
                                    

Megan’s POV

Dalawang araw matapos ang pag-alis ni Drakov patungong Australia. Naging busy rin ako sa business namin na itinayo ni Drakov. Sa loob ng dalawang araw na wala siya. Inaamin kong, I missed him so much. Sobra ko siyang namiss. I miss his hug. His kiss and his presence.

Kahit nagvivideo call naman kami. Iba pa rin ’yong nasa tabi mo siya. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Pero sabi naman niya sa akin na uuwi agad siya kapag natapos nitong ayusin ang problema sa company nito.

“Ma’am, dumating na po tayo,” sabi sa akin ni Vogue.

Napaayos agad ako sa aking sarili dahil nasa labas na pala kami ng mall. Pinuntahan kasi naman ang isang branch ng boutique ko dahil opening namin ngayong araw. Kaya naman, inagahan ko talaga ang punta kasama si Vogue.

Swerte na rin ako kasi hindi ako pinapabayaan ni Vouge kahit wala si Drakov. Palagi siyang nakabantay sa akin saan man ako magpunta.

Nang maipark na niya ang kotse na dala namin sa parking lot ng mall. Nauna itong bumaba sa akin at pagkatapos pinagbuksan ako ng pinto sa kotse. Gentleman din ito katulad ni Drakov pero mas pogi pa rin si Drakov. Walang makakapantay nito. Drakov is very handsome.

“Good morning po, Ma'am,” pagbati sa akin ng guard pagpasok ko sa entrance ng mall.
“Good morning po,” sagot ko naman dito at ngumiti.

Pagkatapos ay pumasok na agad ako loob. Ngunit hindi pa ako nakalayo sa entrance ng mall, biglang may sumagi sa kamay ko. Muntik ko tuloy matapon ang hawal kong cellphone.

“I’m sorry...” paghingi kong sorry sa kaniya. Hindi rin kasi ako nakatingin sa dinaanan ko that time kasi katext ko si Drakov.

“Paharang-harang kasi sa daan,” rinig kong sabi nito kaya naman napatayo ang kilay ko sa sinabi niya.

Wow! Ang galing no? Siya na nga ang bumangga sa akin at ako na nga ang nanghingi ng sorry kasi may kasalanan din ako dahil hindi ako nakatingin sa dinaanan ko. Pero siya pa ngayon ang galit? Ang galing naman.

“Next time tumingin ka rin sa dinaraan mo!” dagdag pang sabi nito at umalis.

Para namang tumaas ang lahat ng dugo ko patungo sa ulo ko. Uminit bigla ang tainga ko sa sinabi niya. Kaya naman, agad ko siyang sinundan dahil hindi pa naman ito nakakalayo sa pwesto ko. Masyado kasing matabil ang dila niya. Namumuro na ako sa kaniya.

“Anong sabi mo sa akin, Miss?” tanong ko sa kaniya at hinawi ang kanang kamay niya.

Nagulat ako nang makita ko ang mukha ng babae. It was her! Hinding-hindi ako magkakamali. Siya ito. It's Annika! Ang babaeng nagpahirap sa akin. Isa rin sa sumira sa buhay ko. ’Yong inis at galit ko ay lalong nadagdagan nang makita ako ang pagmumukha niya. Parang gusto ko tuloy siyang sakalin. Agad ko tuloy binitawan ang braso niya.

“May problema ka ba sa akin?” mataray na sabi nito sa akin.

Gusto ko siyang sagutin na sobrang laki nang problema ko sa kaniya. Dahil lang naman sa kaniya kaya nasira ang buhay ko. Dahil sa kaniya dahil nawala ang anak ko. Tila ba bumabalik lahat ng sakit na dinanas ko nang makita ko siya. Para bang nagflashback sa akin ang lahat nang nangyari five years ako.

“Pwede ba! Stop disturbing me, miss. Look, hindi nga kita kilala e! Kaya pwede ba, stay away from me,” sabi ni Annika sa akin.

Gusto ko sanang supalpalin o samplin ang pagmumukha niya pero ayoko kong gawin. Buti na lang talaga at hindi niya ako kilala. Well, ibang-iba na kasi ang Megan noon sa Megan ngayon. Kung dati hindi ako marunong mag-ayos sa aking sarili dahil hindi ako makakilos nang maayos dahil binabatayan ako palagi ni Jack sa mga ikinikilos ko. E, dati nga hindi ako marunong mag make up. Pero, ngayon natuto na akong mag-ayos sa aking sarili. Natuto na akong maglagay ng make up sa mukha ko. And natuto na rin akong mag-ayos sa buong katawan ko. I know how to pick an ootd for me. Hindi na ako ang dating Megan na losyang sa tingin nilang lahat.

“Also I am! I don't even know you,” sabi ko naman kahit sa totoo. Kilalang-kilala ko talaga siya. Ngunit ayaw kong sabihin kung sino ako dahil nagsisimula pa lang ako sa paghihiganti ko sa kanila. Hindi pa pwede malaman nila na buhay ako.

“Pero, gusto ko lang malaman mo na huwag kang feeling entitled, miss. Know your place baka hindi mo alam sa putikan ka pupulutin. Paalala ko lang sa ’yo. Be nice sometimes, wala namang mawawala sa pagiging mabait unless pinanganak kang pangit na ang ugali,” dagdag ko pang sabi sa kaniya.
“See you around na lang, Miss,” huling sabi ko bago ito iniwan.

Kitang-kita ko naman sa mukha nito ang inis sa sinabi ko bago ko siya iniwan. Well, deserve naman niyang masira ang araw niya today. Ang attitude niya kasi akala mo kung sino.

Agad akong dumiretso sa boutique ko. I know my staff waited for me. Hindi na sana ako matatagalan pa kung hindi dahil kay Annika. Bakit sa dinami-dami ng mall, dito pa talaga siya pumunta.

“I'm sorry, I'm late,” sabi ko agad nang makarating sa loob ng boutique.
“It’s okay, Ma'am. Hindi ka pa naman late,” sagot naman sa akin ng mga empleyado ko.

After that, inilipag ko agad ang dala kong bag sa isang couch. Habang si Vouge naman ay pinagtitingnan ng mga babae sa labas ng boutique. Agaw pansin din naman kasi ang kagwapuhan niya. Kaya gano'n na lang ang dating ng mga babae.

“Ayos na ba ang lahat? Dumating na si Father para magblessing sa boutique natin?” tanong ko ka agad sa kanila.

Sinabi naman nila sa akin na nakaready na ang lahat at ako na lang ang hinihintay nila para magsimula na ang misa ni Father. Kaya naman nang malaman ko na ready na pala. Nagsimula na agad ang misa.

Ganito naman kasi ang ginagawa kapag nagbubukas ng bagong business. Dapat magkaroon ng blessings bago ang ribbon cutting. Nakikinig na lamang ako kay Father.

A/N: Sorry for the long wait! Ito na po ang update! Hope you'll enjoy it!

Vote. Comment and Share!

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now