VIII

19K 304 46
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

Megan’s POV

Narito lang ako sa loob ng kuwarto ng hospital. Sabi sa akin dapat muna akong manatili rito sa loob dahil tingnan pa nila raw ang mental health ko. Palaging sabi nila sa akin ay baliw ako at kailangan nila akong dalhin ako sa mental hospital pero sa tuwing ipipilit nila, nagwawala ako.

Hindi ako baliw! Bakit ba pinagpipilitan nila na baliw ako. Hindi naman totoo.

“How’s your feeling, ija?” Tanong sa akin ni Dr. Andrade.

“Hindi naman ako baliw, Doc.,” sagot ko sa kaniya.

Matagal na rin siyang doctor ko rito sa hospital. Malapit na akong mag isang buwan sa loob ng hospital. Hindi ko alam bakit nagtagal pa ako rito, wala naman akong sakit. They're not believing in me na hindi ako baliw.

“Ija—”

Pinutol ko agad ang sinabi niya. Paulit-ulit na lang. Tatanungin niya akong, kumusta ang ako tapos at the end hindi naman naniniwala sa mga sinasabi ko. Funny right? Anong klaseng doctor siya kung gano’n.

Palagi rin niya akong binibigyan ng gamot na iinumin ko raw pero no’ng napansin ko ang palaging pagsakit ng ulo ko at may nakikita akong kakaiba sa isang linggo kong pag-inom. I already suspected that hindi ’yon gamot, mas lalong nagpapasira ito ng utak ko.

Kaya naman everytime na pinapainon niya ako. Pinapalabas ko lang na ininom ko pero ang totoo ay hindi naman talaga.

“Dr. Andrade, I knew your scheme na. Hindi mo na ako maloloko,” sabi ko sa kaniya pero he still act like walang alam.

Wow, feeling unbothered? Parang ’yong nurse lang niyang si Lintelligend? Ang galing! Mga unbothered!

“What are you talking, ija? What scheme ba?” he asked.

“Wala, Doc.,” sagot ko naman.

Tumayo agad siya at may kinuha na namang gamot na dala niya.

“Here, inumin mo para gagaling ka,” sabi niya at nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngisi niya.

Tinanggap ko naman ang ibinigay niya at kinuha, pagkatapos ay ininom ko na agad ito. Lalong lumaki ang pag-ngisi niya sa nakita.

“Thank you, ija. Makakatulong ’yan para madali ang paggaling mo,” sabi niya sa akin. “I gotta go, ija. Bukas, ulit.”

Tumango lang ako sa kaniya. “Okay, Doc.”

Tumalikod agad siya sa akin at tinungo ang pinto. Pagkatapos ay binuksan niya ito at lumisan na. Nang nasirado na ang pinto ay dali-daling inuluwa ko ang gamot na bigay niya. Pagkaluwa ko ay itinapon ko agad ito sa cr at flinush.

Alam kong si Jack ang may pakana nang lahat ng ito. Paano ko nalaman? No’ng pumunta siya rito sa hospital para bisitahin ako.

Flashback

Ika-tatlong araw ko ngayon sa loob ng hospital. This time, the doctor always said na wala na ang anak ko pero hindi ako naniniwala. Ang doctor ko pa no’n ay hindi si Dr. Andrade. Si Dr. Manuel Ferrara pa pero no’ng time na nagpunta si Jack sa akin. Ibang doctor ang kasama niya at ito na ang naging doctor ko ngayon.

“Kumusta?” Salubong na tanong ni Jack sa akin.

Nanginginig na naman ang buong sistema ko nang marinig ang boses niya. Ayon kasi kay Dr. Manuel, magrereact ang katawan ko when my trauma’s triggered. Isa na rito ang boses ni Jack.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon