VI

19K 351 70
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

Megan’s POV

MULI ay nasa labas ako sa bahay namin ni Jack. Isang buwan din akong nasa condo ni Althea, doon ay wala akong problema dahil hindi ako pinabayaan ni Althea pero ngayon. naki-usap muna ako sa kaniya na uuwi dahil baka galit na galit na Jack sa kakahanap sa akin.

Nagtataka ako dahil may guard na nakabantay sa labas ng gate. Ang laki na rin ng pinagbago sa labas ng bahay.

“Ma’am, bawal po kayo, rito.” Biglang may lumapit sa aking guard at sinabihan akong bawal ako rito? E, bahay ko ito?

“Manong, mawalang-galang na po. Dito pa rin ba nakatira si Jack Villafuente?” Tanong ko sa guard na lumapit sa akin.

Nagtaka naman ito sa tanong ko. Siguro dahil bakit ko kilala si Jack kaya gano’n ang reaksyon niya.

“Kaano-ano po kayo ni Sir Jack, ma'am?” muling tanong sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya pero gusto kong maka-usap si Jack. Bahala na kung ano ang mangyayari.

“Nariyan ba siya? Gusto ko sanang maka-usap,” sagot ko naman sa guard na kaharap ko.

“Naku, Ma'am hindi po puwedeng maka-usap si Sir Jack. Bilin niya po sa amin na hindi puwedeng magpapasok nang kung sino.” Napaisip agad ako. Paano na ito? Siguro nga at hindi ko lang siya kakausapin. 

“Ayos lang po. Sige mauna na ako,” paalam ko sa guard.

Hindi pa ako masyadong nakalayo sa gate ay may narinig akong nagsalita.

“Papasukin niyo siya.” Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Jack habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa kaniyang suot na pants. He's wearing a white long sleeve shirt. Wala itong emosyong makikita sa buong mukha.

“Ma’am, puwede po raw kayong pumasok sa loob,” ang tawag sa akin ng guard.

Kabado akong tumingin kay Jack at sumunod na pumasok sa loob ng bahay. Nakikita ko rin na may mga maids na ring naglilinis sa buong bahay which is naninibago ako dahil may mga tao na sa buong bahay.

“Follow me,” walang emosyong sabi niya sa akin.

Sumunod ako sa kaniya at tinungo namin ang kuwarto niya. Kinabahan ako lalo dahil nasa kuwarto kami ni Jack. Pero, ito ang unang pasok ko sa kaniyang kuwarto. Walang kabuhay-buhay ang kuwarto niya, kulay itim ang pintura sa bawat pader sa kuwarto at tanging ilaw lang sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kuwarto.

“A-Anong gagawin natin dito?” matapang na sagot ko pero may bahid pa ring takot na mahahalata sa sinagot ko.

“Ohh? You're scared huh?” mapang-asar niyang sambit sa akin. 

Lumayo agad ako dahil lumapit siya sa tabi ko pero bigla niyang kinalabit ang baywang ko palapit sa kaniya.

Grabeng kaba ang naramdaman ko nang muling maglapat ang mga katawan namin. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga sa balat ko.

“Wala ka pa ring pinagbago,” bulong niya sa tainga ko.

Nanayo lahat ng balahibo ko sa kaniyang sinabi. 

“Bitawan mo, ako!” Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya. No! Hindi dapat ako sumama sa kaniya. This can't be! 

“Huwag kang malikot!” matigas niyang sambit. “Gusto mo naman ito ’di ba kaya ka sumama sa akin?”

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now