XIV

16.5K 241 28
                                    

Chapter 14

Megan's POV

“Uuwi ka ba agad?” ang tanong ko kay Drakov. May business flight siya sa Australia dahil tinawagan siya ng manager sa isang business niya sa Australia. Kailangan niya kasing pumunta roon para sa expansion ng business niya.

“Bakit mamimiss mo ako?” sagot niya sa akin at lumapit.

Kahit hindi ko sabihin sa kaniya pero alam kong alam niya ito. And I can't deny the fact na hindi ko siya mamimiss. Dalawang linggo ba naman siya sa Australia, sinong hindi mamimiss niyan?

“Hindi no,” pagtanggi ko pa kahit sa totoo naman ay mamimiss ko talaga siya.

“Baby...” he softly said. “Kahit hindi mo aminin sa akin. I know you'll miss me. Ako rin naman, e.”

“Waking up in the morning without you is lifeless.” He added and then he looked at my eyes.

“Hindi ko yata kaya na hindi ikaw ang unang makikita ko sa pagbukas ng mga mata ko sa umaga,” sabi niya sabay halik sa noo ko.

“Hindi na lang kaya ako aalis? Mas gusto ko kasama ka kaysa pumunta roon.” Agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya dahil sa kaniyang sinabi.

“Anong hindi? Alam no naman ’di ba na ito na ang matagal mong gusto na magkaroon ng expansion ang business mo sa Australia?” sabi ko agad sa kaniya at pinakita ko sa kaniya ang kamao ko.

“Yes that's one my dream but you're my dream, my home and my everything,” he answered while looking at me. ’Yong titig niya sa akin ay para akong isang diamond na hindi pwedeng mawala sa kaniya o mabasag dahil masisira ang sarili niya.

Hindi agad ako nakapagreact sa kaniyang sinabi at sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Palagi na lang niya talaga akong pinapakilig.

“Hindi ako mawawala sa ’yo, okay?” sagot ko sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi.

“Narito lang ako, maghihintay sa ’yo,” dagdag ko pa at niyakap siya.

Niyakap din niya ako pabalik at ang mukha niya ay nasa leeg ko. Tila para itong nahihiya at nagtago.

“Fuck! She always make my heart beat like this!” rinig ko pang sabi niya kahit mahina lang ito.

At ako rin ay napangiti rin dahil sa kaniya. He's cute and adorable. Hindi lang ito dahil sweet at caring din siya. Marunong din siya magluto and he can play guitar. He can also sing and draw. Nasa kaniya na nga siguro ang lahat, gwapo na, mabait pa. Bonus na rin ’yong  pagiging mayaman niya.

“Drakov?” pagtawag ko sa kaniya. Hindi pa rin kasi siya umaalis sa pagkaka-yakap sa akin.

“Uhhmm...” he murmurs.

“Langga?” pagtawag ko ulit sa kaniya.

Nagulat ako nang umalis siya sa pagkaka-yakap sa akin at tumingin sa akin.

“P-Paki-ulit nga nang sinabi mo?” nauutal niyang sagot sa akin habang namumula ang kaniyang mga tainga.

“Alin doon?” sabi ko pa sa kaniya.

“’Y-Yong huling tawag mo sa akin,” sagot pa niya.

Alam ko na agad kung ano. Kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

“Langga?” sabi ko muli habang nakangiti sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at muling yumakap sa akin pero nagulat na lang ako dahil pagkayakap niya sa akin hindi na ito umimik pa.

“Drakov? Ayos ka lang?” pagtawag ko sa kaniya pero wala siyang sagot.

I tried to call him again pero wala talaga. Nataranta agad ako bigla dahil kahit anong tawag ko sa kaniya ay hindi siya sumasagot. Natatakot ako dahil baka sabay kaming babagsak sa sahig. Nabibigatan na kasi ako sa kaniya. I don't know what happened pero alam kong nawalan siya nang malay.

Mabuti na lang pumasok si Vouge sa bahay at nakita kami ni Drakov.

“Anong nangyari kay Sir, Ma'am?” gulat nitong tanong at lumapit agad sa amin para tulungan ako.

“Hindi ko alam pero bigla na lang siyang nawalan nang malay,” sagot ko rito.

Hindo ko talaga alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Kinakabahan tuloy ako dahil baka may sakit siyang tinatago sa akin. Hindi man lang niya ako pina-alam.

Binuhat agad ito ni Vouge at nilagay sa sofa. Tumabi agad ako sa kaniya nang mailapag na siya ni Vouge sa sofa.

“Anong nangyari po sa kaniya ma'am?” muling tanong sa akin ni Vouge.

“Hindi ko alam. Basta nag-usap lang kami pagkatapos niyakap niya ako at nawalan na siya nang malay,” sagot ko kay Vouge habang hindi mapakali.

“Wala ba siyang sakit na sinasabi sa ’yo?” Tanong ko agad sa kaniya.

Umiling naman si Vouge bago sumagot, “Wala siyang nabanggit sa akin, ma'am.”

Hindi pa rin ako mapakali kaya inutusan ko si Vouge na tumawag nang doctor.

“Tumawag ka ng doctor, please,” sabi ko agad sa kaniya at sinunod naman niya ako.

Umalis agad ito para tumawag ng doctor. Hindi lang naman ito driver ni Drakov. Butler niya rin kasi ito.

Nang maka-alis si Vouge ay muli kong sinubukan na tawagin si Drakov.

“Drakov?" pagtawag ko pero wala talaga.

Tiningnan ko agad ang kaniyang pulso kong mayroon pa ba. Meron pa naman at ang kaniyang puso, normal lang naman ang pagtibok nito.

Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Paano kung may malubhang sakit siya na tinatago sa akin? Paano kung may taning na ang kaniyang buhay? Paanong kung iiwan niya ako tulad ng magulang ko? Mag-isa na lang ba talaga ako?

Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung totoo ba. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaiyak dahil sa mga iniisip ko.

“Oy!” pagtawag ko pa talaga sa kaniya.

Nang wala pa rin ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa takot. Natatakot na talga ako kung ano ang nangyari sa kaniya. Wala akong alam kung bakit siya nangkaganiyan. I doubted myself kung deserve ba niya ako kasi wala man lang akong alam sa kaniya.

Pumasok agad muli si Vouge nang may kasamang lalaki. Siguro ito na ’yong doctor na tinawag niya.

Kaya naman ay tumayo ako para salubungin ito. Agad naman nitong sinuri si Drakov na wala pa ring malay.

“Doc., ano pong nangyari sa kaniya?” Tanong ko agad sa doctor. Hindi na talaga ako makapaghihintay na malaman kung ano ang nangyari sa kaniya.

“Just wait, ma'am. Hindi pa ako tapos tingnan si Mr. Montemayor. I can't say kung ano ang nangyari sa kaniya,” sagot naman sa akin nito.

“Maam, iwan muna natin sila. Pabayaan na lang natin si Doctor Claus para matingnan nang maayos si Drakov,” sambit naman ni Vouge.

Kaya wala akong magawa kun ’di ang sumunod sa sinabi niya. Tumungo kami pareho sa dining room para kahit papano ay mawala ang kaba ko.



A/n: Sorry for the long wait. Ito na po ang update! Natagalan lang dahil busy rin ako.

Enjoy your reading!

In The Arms of the Playboy Husband ✓Where stories live. Discover now