II

24.3K 533 119
                                    

⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, SEX AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!

Megan’s POV

NASA loob ako ng banyo sa kuwarto ko ngayon. Naliligo dahil sa ginawa ni Jack sa akin. Heto pa rin ako, umiiyak habang nasa ilalim ng shower sa banyo. Siguro no’ng nagpa-ulan si Lord ng katangahan, sinalo ko lahat. I admitted na tanga ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwan-iwan si Jack. My love for him is unconditional but behind the perfect facade of suburban love, lies a tangled web of secrets and lies.

Sinubukan ko naman e, pero nananaig pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Valid naman siguro ’yon kapag mahal mo ang isang tao? Magiging tanga ka habang sinasaktan ka naman niya. And that's what he did to me. But, I love him. I do love him so much.

Dumaloy sa aking buong katawan ang malamig na tubig na nangmumula sa shower. Medyo nabawasan at nahimasmasan ako dahil sa lamig. Medyo naka-relax ’yong utak ko for what happened.

Inabot ko agad ang shampoo sa gilid ng bathroom. Kinuha ko agad ito nang mahawakan ko. Binuksan at kumuha na ako at dahan-dahang iniligay sa buhok ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang paglilinis ko sa aking sarili. Mula sa taas, dahan-dahang bumababa. Naka-ilang banlaw na rin ako at muli na namang sinasabon ang sarili.

When I satisfied myself sa ilalim ng shower. Pinatay ko na agad ang tubig rito at kinuha ang isang tuwalya saka itinapis sa aking sarili. Kinuha ko na rin ang isa pang tuwalya at iniligay ko naman sa buhok ko. Nang matapos ko na, nilisan ko na agad ang banyo at sunod na pinuntahan ang mga gamit ko.

Binuksan ko agad ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko. And I saw my dress, na tila lumuluma na rin. Ngayon ko lang nalaman na simula no’ng namatay ang parents ko. Hindi na ako nakakabili ng mga needs ko para sa sarili.  Kinuha lahat ni Jack ang mga cards ko na bigay ng parents. Hindi ko alam kung saan niya iniligay. Magkahiwalay din kami ng kuwarto kahit mag-asawa kami. At never niya akong pinapasok sa kuwarto niya. Pinagbabawalan niya akong pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Kinuha ko na lang ang isang simpleng t-shirt sa loob ng closet ko at isang pajama at underwear. Matapos ay sinimulan ko nang suotin ito. Saktong patapos na ako. May pumasok sa kuwarto ko and I saw Jack with his bored look na may dalang paper bag.

“Wear it, tomorrow evening. Be decent. We have a party to attend,” bored nitong sabi at tinapon ang dalang paper bag sa kama.

“T-Thank you,” sagot ko sa kaniya pero tiningnan lang niya ako at walang salita na sinabi bago lumabas.

Tiningnan ko agad ang paper bag na dala ni Jack.  Laman nito ay isang casual na damit. Kinuha ko agad ito para tingnan dahil baka sira ito at baka bukas magmumukha na naman akong kawawa sa tingin ng iba.

Simpleng dress lang ito na kulay blue. Maganda ang design dito at nagustuhan ko naman. Pagkatapos ay tinago ko ito sa closet ko.

••••••

KINABUKASAN, wala pa ring pagbabago. Ano ba aasahan ko sa kaniya? He's a monster after all. Kung ano ang gusto niya ’yon ang masusunod at wala akong magagawa kun’di sundin siya. Sundin ang bawat utos niya dahil kung hindi ko susundin. Lahat kaya niyang gawin kahit ikakasakit ko pa.

Bored na bored ako sa kuwarto. Sino ba namang hindi ma bored ang laki ng bahay na ito. This is not only a house, should I say this is a big mansion. Walang guards, no maids. At kami lang dalawa ni Jack ang tao sa napaka-laking mansyon na ito. Sinong hindi ma bored sa mga ganitong oras. Kahit ilang taon na ako rito pero I'm still bored when I'm alone. Alangan naman lubutin ko itong buong mansyon para maglibang pero baka matapos na lang ang isang araw Hindi ko pa siguro nakakalahati ang mansyon na ito.

In The Arms of the Playboy Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon