37 ~ ALLEGEDLY

34.8K 2.1K 150
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

"PATULOY pa ang imbestigasyon kung ano talaga ang nangyari bakit humantong sa barilan. Pero sigurado ako na hindi magagawa ni Mr. Montecarlo ang mga paratang sa kanya."

Nang dumating si Valeska sa Cavite ay hindi niya na naabutan sa hospital ang mommy niya dahil tinanghali rin siya at galing pa sa Villa Altaraza. There was no available chopper to bring her to Manila. She flew in commercial flights instead. Alone.

Her mind is in a chaotic state. Her hands were shaking since she got the bad news early in the morning. Ni hindi niya sigruado kung napakitunguhan niya ba ng maayos ang mga kaibigan na naiwan sa villa. They were all concern to her but they also let her leave to be with her mother.

"Sir, nakuha na namin ang kopya ng CCTV camera footage sa lugar," imporma ng isa pang pulis sa kausap niyang pulis din.

"I wanna see the footage."

Matagal ang titig sa kanya ng medyo may edad na na lalaki na siyang naka-toka sa insidenteng naganap kaninang madaling araw.

Valeska is alone. Her ninang Daria is at the funeral, waiting for her mother's body. They are going to bring the body to Pampanga. Gustuhin niya mang maghintay doon, mas pinili niyang kausapin ang mga pulis para maliwanagan siya sa nangyari sa mommy niya. Hindi naman dahil adik at masama ang trato sa kanya ng ina ay hahayaan niya nalang na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

"Miss Valeska, kami na ang bahala rito." Sabi sa kanya ng isa sa tauhan ni Rashid na naabutan niyang naroon na bago pa siya dumating.

"No, I want information, Emmett. I can't just waste my time here without knowing even a little bit of what happened to my mom."

It was hard for her also think Rashid because of what her ninang Daria told her that he was the one who shot her mother. Kahit pa gustung-gusto niyang malaman kung nasaan ang binata. He didn't even text or call her. Mas lalo lang siyang nabigyan ng rason na baka totoo nga ang mga paratang dito.

Kung hindi, bakit hindi man lang siya tawagan? Bakit hindi man lang sagutin ang mga text message niya? Where the hell is he by the way?

Medyo nalinis na ang lugar na pinangyarihan ng barilan. Pero naroon pa rin ang mga bahid ng bala ng baril at dugo. Napangiwi siya at iniwasan na makita ang mga 'yon. Marami rin tao ang nakiki-usosyo at may mga media na rin na dahilan kung bakit mas lalo tuloy naging magulo ang paligid.

"Sandali lang ito. Isang tanong lang, sir! Sir! Nanlaban ba ang drug lord kaya namatay? At bakit pati ang babaeng kinakasama niya ay nadamay?" sunud-sunod ang tanong ng media reporter.

"Sir! Totoo ba na narito si Mr. Rashid Montecarlo? Bakit nadadamay ang pangalan niya sa pagkamatay ng mga biktima? Ano ang koneksyon niya sa drug lord? Totoo ba na kasabwat niya si Senator Ramesh Montecarlo sa pakikipag-ugnayan sa mga—" naputol na ang mga tanong dahil nilagpasan ang mga ito ng ilang pulis.

Valeska felt like her head is spinning because of the messy and noisy surrounding she's in. Wala siyang masyadong tulog kagabi at wala pang kinakain na kahit ano simula nang magising. Maraming rason kung bakit nanghihina siya at hindi mapakali sa magulong paligid.

"Mr. Rashid Montecarlo's records are clean, but we can't also deny that his father is a criminal. Paano makakasiguro ang mga tao na hindi niya lihim na kinakampihan ang ama niya, sir? Na hindi siya ang nagpapatuloy ng iligal na negosyo ni senator? Kung narito siya, ano ang ginagawa niya rito, sir? Sir!"

"Let's go, Miss Valeska." Aya sa kanya ni Emmett nang mapansin na may mga media na palapit sa kanila. "Don't answer them, Miss."

"Miss! Miss! Bakit ka nandito? Sino ka? Isa ka ba sa kamag-anak nang mga biktima?"

Solandis 1: Flame of DesireWhere stories live. Discover now