11 ~ FLAME

51.5K 2.9K 385
                                    

CHAPTER ELEVEN

VALESKA won't allow her mother to see her. Dahil alam niya na ang mangyayari. Lalo na't wala pa sa tamang wisyo ang mommy niya. She doesn't want to deal with her. The only thing she can do is to hide or stay away.

Paano ito nakatakas sa kulungan sa Barangay? Wala bang nagbabantay? O baka naman nagpanggap ang ina na maayos na ito at naniwala naman ang kung sinong bantay. She's just hoping that her mother didn't hurt anyone there.

Wala siyang ibang mapupuntahan sa lugar na iyon dahil wala naman talaga siyang kaibigan na maituturing.

She distanced herself from her classmates because most of the time, they bullied her through her mother's addiction and some are insecure with her. She'd rather be alone than be with people who weren't true to her.

Lakad-takbo ang ginawa niya nang makalabas sa eskwelahan. Panay din ang tingin niya sa paligid dahil baka bigla nalang sumulpot sa harap niya ang ina.

The fear and panic that she experienced was caused by her mother who always treated her badly most of her life. Hindi niya alam kung paano niya nakaya ang gano'n na sitwasyon ng ilang taon.

Her phone rang inside her sling bag but she have no time to answer it.

She needs to find a safe place where her mother couldn't find her.

Nasa terminal na siya ng mga bus patungo sa Maynila nang mahagip ng mga mata niya ang mommy niya. Para itong nawawala pero para rin may hinahanap.

Mabilis na nagtago si Valeska sa gilid ng pader malapit sa tindahan ng mga pasalubong.

Patuloy ang pag ring ng cellphone niya kaya napilitang kunin 'yon para tignan kung sino ang tumatawag. Nawala sa atensyon niya ang mommy niya nang mabasa sa screen ang pangalan ni Rashid.

It was like a sign to her that he's the one that she needs at that moment. Na hindi niya na kailangan pang mag isip kung saan siya pupunta para maging ligtas. He is the answer to all her worries to disappear.

"H-Hello?" Her voice shook.

"Where are you going?"

Wala na sa isip niya kung bakit gano'n ang naging tanong sa kanya ng binata dahil nawala bigla sa paningin niya ang mommy niya!

"Huh?"

"Bakit nasa bus station ka?"

She kept on looking everywhere to find her mother, but she couldn't!

"I... I need to hide."

"Why do you need to hide?"

Luminga si Valeska sa paligid dahil kinakabahan na na baka nasa malapit lang ang ina.

"My mom... I n-need to be away from her."

Rashid cursed on the other line. Para bang alam agad nito ang nangyayari sa kanya kahit hindi niya naman direktang sabihin.

"I can see you," his voice was low and raspy.

Mabilis na hinanap niya kung may CCTV cameras ba na malapit sa kanya. Kaya lang ay talagang nahahati ang atensyon niya sa paghahanap din sa mommy niya.

"Listen, okay, I'll help you escape without your mom seeing you."

Ang kaba sa dibdib niya ay pabigat nang pabigat. Natataranta siya. Natatakot na baka hablutin nalang siya bigla ng ina at saktan.

"Leave that place right now. And listen carefully to what I'll say..."

"B-But my mom... she's j-just around here."

Solandis 1: Flame of DesireWhere stories live. Discover now