PROLOGUE

82.7K 2.9K 304
                                    

PROLOGUE

IF only she had other choice, she would rather do it than be with a room with full of men and entertain them. Hindi 'yon ang buhay at trabaho na pinapangarap niya. But her destiny is really testing her patience and it kept on putting her into a situation that she doesn't want to be.

Valeska is really uncomfortable with the costume that the agency gave her. It's a daring red lingerie. The top has a very thin straps and it made from lace. The size is too small for her that she felt like her breasts could pop out with a wrong and harsh move. The lacy mini skirt really revealed her lower bum even though she's wearing a built-in underwear and a black net stockings.

"Wag kayong mag-alala, okay? Kasal na ang halos lahat ng lalaki na naroon. I-ilan nalang ang hindi." Paalala sa kanila ni Welina.

Dalawa silang babae na papasok sa malaking box. Pero may kasama silang reserba kung sakaling mag request ang kliyente ng dagdag na babae. Ang dalawang kasama niya sa silid na 'yon ay gano'n na talaga ang trabaho at halatang sanay na.

Samatanlang siya, iyon ang unang beses niya at hindi alam kung kakabahan ba o magagalit dahil humantong siya sa sitwasyon na iyon.

Kung hindi lang sana sakim sa pera ang ina, tiyak na hindi siya kakapit sa patalim para lang kumita nang higit pa sa kinikita niya. There's no one to blame but her mother. And how unfair that she's the one who needs to suffer just to solve her mother's problems.

"Pero malay natin? Kahit kasal na sila ay gusto pa rin tumikhim ng ibang putahe nang palihim?" may pahiwatig sa tono ni Welina. "Nasa inyo na 'yon kung papayag kayo."

Humagikhik si Ava sa tabi niya habang naglalagay ng blush-on sa pisngi. "Kung single siya, ayos lang sana. Pero kung kasal na? No way! Ayaw kong maging kabit, Welina."

"I'm looking for a new sugar daddy, baka pwede ang isa sa kanila," ani naman ni Lora at tumawa.

Valeska swiped the red lipstick on her lips then she's done with her make-up. Ayaw niyang makisali sa gano'n na klaseng usapan kahit pa sobra siyang nakaka-relate dahil gano'n ang kinalakihan niyang paligid.

She doesn't really need to put too much make ups on her face for her to be beautiful because she's already is. Her foxy-eyes were very expressive that she can see from the reflection of the mirror that she's not happy being there. Her plum lips, upturned nose and high cheekbone made her face fierce and also... seductive. Her beauty is not an angelic-type. If her life was a movie, she could be mistaken as antagonist.

"How about you, Valeska? If ever one of them offered you a dirty proposal, are you up for that?"

"No," she answered coldly.

"Pwede kang makipag negotiate ng halaga mo. Mayayaman ang mga kliyente natin. Sa ganda mong 'yan, pwedeng-pwede kang maging milyonarya ng isang gabi lang kung magiging prakrikal ka."

She have heard a lot of that even before. Kung papairalin niya lang ang angking ganda, sigurado raw na may paglalagyan siya at hindi niya na kailangan magpakapagod mag trabaho para buhayin ang sarili at ang ina.

"Oo nga, e! Kung kasing ganda lang ako ni Valeska, siguradong humihiga na ako sa pera ngayon!" Ava dreamily said. "Mixed blood ka? Sino ang foreigner sa magulang mo?"

"My father."

"Like usual. Anong nationality ni daddy?" Mapanukso ang ngisi ni Lora.

"French."

"Kaya pala medyo fierce ang dating ng beauty mo. Pero girl, sa totoo lang at walang halong biro, iba ang ganda mo. Agaw pansin talaga!"

"Kaya kung ako sayo, Valeska, kapag may nagpakita ng interes sayo mamaya, kagatin mo na. Ang mga kliyente ngayon ay talagang may sinabi sa lipunan. Anak ng may-ari nitong hotel ang groom-to-be. Gwapo at mayaman! Gano'n din ang mga kaibigan!" Mahaba ang litanya ni Welina pero kahit ano pa ang sabihin ng mga ito, hindi siya gagawa ng bagay na pagsisisihan niya rin sa huli.

Solandis 1: Flame of DesireWhere stories live. Discover now