21

20 7 0
                                    

I was busy the whole week. Ang daming pinagawa sa aming dalawa ni Cyn. May mga araw pang nalipat kami sa ibang branch at hassle bumyahe. Pero kahit na gano’n, walang araw na pumalya akong mag-update kay Jaize.

I started to write our story, too. Gabi-gabi bago ako matulog ay nagsusulat ako. Kapag bitin sa oras, tinutuloy ko na lang kinabukasan ng gabi hanggang sa matapos ko ang isang chapter. Okay na rin iyon kahit papaano, umuusad pa rin naman. Sobrang busy lang talaga kaya hindi ko na rin mapagtuunan ng buong pansin ang pagsusulat.

“Miss Brianna? Delivery po,” ani lalaki sa labas.

Agad akong lumabas para tanggapin ang deliver. Baka iyon na ang in-order kong ibang gamit pa rito sa apartment.

Pero pagkalabas ko, boquet na naman ang dala nung delivery boy. Galing ulit kay Jaize iyon. Anong meron? Bakit lagi niya akong binibigyan ng bulaklak? Hindi naman kami nagcecelebrate ng mga monthsary namin, hindi na kami bata, hindi niya rin naman hilig ang gano’n.

“Thank you po,” sambit ko nang kunin na iyon.

Pumasok ako sa apartment at binasa ang nakalagay na sulat.

Love,

Have a nice and blessed Sunday. I love you.

Hindi niya na nilagyan ng pangalan niya, o baka nakalimutan niya lang ilagay. Siya lang naman ang nagbibigay ng ganito sa akin kaya kahit hindi niya na ilagay ang pangalan niya ay malalaman ko pa ring sa kaniya ito nanggaling.

Ang bulaklak na bigay niya nung nakaraang linggo ay lanta na. Nasa box na ang mga petals no’n. Itong bagong bigay niya ay ilalagay ko ulit sa vase na nasa table ko para makita ko araw-araw.

Balak kong maglinis ulit ng apartment ngayon dahil linggo naman. Hindi na nagagawi si Jaize rito. Hindi na rin ako masyadong napupunta sa kanila dahil nga naging busy ako the whole week. Nagmemessage nga sa akin ang kapatid niyang si Farrah, nagtataka kung bakit hindi ako nagagawi ro’n. Sinabi ko namang busy ako sa trabaho.

Magsisimula pa lang akong maglinis nang tumunog naman ang phone ko. Nagpapatugtog ako ng Taylor Swift’s songs dahil nga maglilinis ako at gusto kong may kanta habang ginagawa iyon. Pero natigil ang kanta dahil sa tawag ni Nicole. Ano na naman kaya ang problema ng isang ’to?

“Yes? Naglilinis akong apartment, beh.” Iyon ang bungad ko sa kaniya.

[“Hindi ka man lang gumala rito sa Manila! Nung nakaraan pala ay umuwi ka sa Bulacan. Ang daya mo naman!”]

Tinawanan ko lang siya. Nagkakausap naman kami minsan sa chat or call, pero dahil nga busy person na ako, madalang na kaming magkausap.

“Sige, next time aayain ko si Jaize na pumunta diyan para makilala mo siya sa personal,” sabi ko naman.

[“Kailan naman ang next time na ’yan? Ante, magpapasko na naman, ano na?”]

Natatawa ako sa tono niyang parang ubos na ubos ang pasensya. Ber month pa lang naman next month. Ang bilis nga, e. September na pala agad next month, mas lalong magiging busy sa trabaho kapag ganito.

“Subukan kong yayain siguro mga November. Kapag December ay busy na kasi talaga.”

[“Aasahan ko ’yan, beh. Magpakita ka sa akin sa November kung ayaw mong ako ang sumugod diyan at kutusan pa kita.”]

Hindi ko na pinatagal pa ang usapan dahil nga maglilinis ako ng apartment. Nagwalis na muna ako. Susubukan ko rin kasing ibahin ang pwesto ng mga gamit ko, may naisip na ako at medyo makaka-aliwalas naman iyong tingnan.

Napapasabay pa ako sa pagkanta ni Taylor ng Cruel Summer. Halos lahat talaga ng kanta nito ang gaganda, e. Nakakaadik pakinggan. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ni Jaize ito.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now