19

15 7 0
                                    

Abala ako ngayon sa trabaho. May tatlo kasing customer at lahat sila ay inaasikaso ko ngayon. Minsan hindi ko kaya na sabay-sabay na ganito kasi halos lahat sila nagtatanong sa akin. Siguro mas okay kung dagdagan pa ng isang saleslady. Si Cynthia kasi sa counter siya naka-assign, e.

“Excuse me, can I see this?”

Isang customer ang lumapit. Nilapag ko sa harapan niya ang singsing na gusto niyang makita. Tiningnan niya naman iyon. Umalis na ang ibang customer pa matapos makabili. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko dahil hindi na ako masyadong stress sa rami ng customer.

“This one, babe, try mo rin,” sabi naman ng kasama nitong lalaki.

“Patingin din ako nung tinuro niya,” ani ng babae.

Bago ko kunin ang itinuro nung lalaki, tinakpan ko muna ng kamay ko ang singsing na nasa harapan nung babae gamit ang kamay ko. Kinuha ko ang isa pang singsing na tinuro kanina at nilapag iyon sa harapan namin.

“Uhm. Next time na lang siguro tayo bumili,” ani ng babae.

“Sure ka?” tanong naman nung lalaki.

Umalis silang dalawa. Ibinalik ko naman ang dalawang singsing mula sa lalagyan nito. Agad na lumapit sa akin si Cynthia.

“Girl, may napansin ako sa dalawa na ’yon,” aniya.

Bumalik siya sa counter at ako naman ay sa unahan lang malapit din sa kaniya, wala pang bagong customer.

“Ano ’yon?” tanong ko.

“Hindi talaga sila bibili. Mukha lang silang sosyal pero feeling ko may masamang balak,” sagot niya.

Nangunot naman ang noo ko. “Paano mo naman nasabi?” takang tanong ko.

“Kasi si girl nasa bandang gilid mo sa may pwesto nung unang singsing ’di ba? Tapos ’yung lalaki tumitingin-tingin sa gawi ko pero syempre hindi ako nagpapahalata na nakikita ko rin kung anong ginagawa nila,” aniya.

Nakikinig naman ako sa sinasabi niya at iniisip ang nangyari kanina.

“Para silang nag-uusap gamit ang tingin gano’n. Tapos nung sinabi nilang titingnan din nila ang isang ring, mas lumapit si girl sa pwesto kung nasaan ang unang ring, buti nga at tinakpan mo iyon ng kamay mo, siguro kung hindi mo tinakpan, baka nanakaw na nila ’yon.”

Hindi ko napansin iyon. Hindi naman kasi ako mapanghusga sa kapwa ko or what. I mean, baka kasi bibili or titingin lang talaga sila kanina? Pero nakikita ni Cynthia ang mga galaw nila kumpara sa akin kanina na abala sa pagsasabi ng tungkol sa singsing na gusto nilang tingnan.

“May cctv naman. Nagkalat din ang security guard sa iba’t-ibang pwesto. Kung gagawa sila ng kalokohan, mahuhuli rin sila agad,” sabi ko naman.

Napakibit-balikat naman siya. “Hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin. Malay mo bihasa sila sa gano’n.”

Tipid akong ngumiti. “Ang mahalaga wala silang nakuha dito.”

Instinct na lang din ang gumana sa akin kanina, na dapat takpan ko ang mga accessories na nilalapag ko o hindi kaya ay ibalik agad sa lalagyan bago kumuha ulit ng bagong ipapakita sa customer.

May dumating ulit na customer kaya tumigil na kami ni Cynthia sa pag-uusap. Tinuon ko ro’n ang atensyon ko. Bawat tanong ay sinasagot ko.

“Miss Ysa, magpapaalam sana ako na magleave this coming Friday,” sambit ko.

Balak kong umuwi sa Bulacan. Medyo matagal na kasi akong hindi nauuwi. Nasabihan ko na rin si Jaize tungkol dito. Gusto niya ngang sumama pero may trabaho siya at maraming ginagawa.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now