15

20 5 0
                                    

We did it again, and again. Madaling araw na yata kami natapos. Sa sobrang pagod ko nga ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising ako bandang alas diyes na ng umaga.

“Shit! May pasok ako!” tarantang sabi ko at bumangon.

Ramdam ko ang sakit sa ibabang parte ko nang subukan kong gumalaw. Halos mapangiwi pa ako dahil sa sakit na iyon.

Hindi na ako makakapasok ngayong araw, iyon ang sigurado ako. Masakit talaga ang parteng iyon ng katawan ko. I don’t think I can work with this situation. Lalo na at lalakad at tatayo ako sa trabaho, mahihirapan ako.

“Good morning, love.”

Gulat ako nang makita si Jaize na nakapambahay pa rin. Bakit hindi rin siya pumasok sa trabaho?

Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Sabog pa ang buhok ko at hindi ko alam kung ano bang itsura ko ngayong umaga. Agad kong inayos ang buhok ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Nakasuot naman na ako ng t-shirt. Kaniya ito, base sa amoy. May underwear naman na rin ako, pero wala akong suot na shorts. Nakabalot pa rin ako ng kumot hanggang sa bandang tiyan ko.

“Bakit hindi ka pumasok?” tanong ko.

Nanatiling magkalapit ang katawan namin. Medyo naiilang ako dahil hindi pa ako nakakapaghilamos man lang.

“Tinamad ako,” sagot niya naman. “Ready na ang breakfast mo. I bought hotdog for you. Wala ka pa ring ref,” dagdag niya.

Hindi pa nga ako nakakabili. Sa susunod na sahod pa ako bibili ng maliit na ref. Mahirap talaga kapag walang ref, hindi ako makapagstock ng mga pagkain.

Nag-asikaso ako ng sarili ko. Si Jaize ay nanatiling nasa kwarto at nakaupo sa kama. Nahirapan pa akong lumakad at binalak niya akong alalayan pero hindi na ako nagpatulong sa kaniya. Nag-init ang pisngi ko sa hiya nang maalala ang mga ginawa ko kagabi.

Damn it! Baka hindi siya na-satisfied? Pero ilang beses naming ginawa iyon kagabi. Ano kayang naiisip niya? Did he like it? Marami akong insecurities sa katawan, and I know he saw that. Fuck! Nakaka-overthink naman ito.

Nang matapos akong mag-asikaso ay inuna ko munang magmessage kay Cythia. Nagsabi ako na biglaan akong nagkasakit. I don’t want to lie, pero anong sasabihin kong dahilan kung bakit ako hindi nakapasok ngayong araw?

I emailed Miss Ysa. Nanghingi ako ng sorry dahil sa biglaan kong pag-absent ngayon. Nagsick leave na lang ako. Hindi ko alam ang idadahilan ko. Nakakahiya namang sabihin na masakit ang ano ko kaya hindi ako makapasok ngayong araw.

Cynthia:

Okay lang, sis. May dumating naman agad na pamalit mo ngayong araw. Nasabihan ko na rin si Miss Ysa.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ito pa naman ang unang beses na um-absent ako.

“Nagcoffee ka na?” tanong ko kay Jaize.

Nagsisimula na akong kumain. Siya naman ay nasa harapan ko at nakatingin lang.

“Yup. Gusto mo bang itimpla kita ng milo?” tanong niya.

Umiling lang ako. Mabilis lang akong natapos sa pagkain ko dahil hindi ako masyadong gutom. Nang matapos ay naghugas ako ng kinainan at nagpahinga saglit. Balak kong maligo.

“Iyan ba ’yung bigay kong flower nung birthday mo?” tanong niya.

Nandito ulit siya sa kwarto at nakaupo sa kama. Abala naman ako sa pagkuha ng damit ko, maliligo na ako dahil init na init na ako.

Ang flowers na tinutukoy niya ay ang nasa frame na. Nilagay ko na iyon sa frame at hinayaang matuyo nang tuluyan ang mga petals. Halos napuno nga ang frame dahil sa rami ng petals ng sunflower. Naka-display iyon sa ibabaw ng cabinet ko.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now